Monday, September 10, 2007

 

I'm currently in love...

...with Pinky Aunario's rendition of the song "I Never Dreamed That Someone Like You Would Like Someone Like Me." Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit ko lang siyang pinakikinggan ngayon.

Unang pinost sa Multiply 'yung part ng performance niya sa Diliman Classics tapos nu'ng nag-comment ako na gandang-ganda ako eh pinost naman ni Andrew Valdez ang mas mahabang video na'to of Pinky rehearsing the song.

Pinky is from Broad Ass Batch 99.5 (Baby ko siya!) and the clarity of her words and tone remind me of Lea Salonga. Nakakakilabot din kasi napakasimple ng pagkakakanta niya sa saliw ng gitara.

Could it be that the lady is me
In the photograph
I'm afraid 'cause it feels too good
And I want it too bad
It's just not true
Couldn't ask for anyone more than you
Because you look at me
As though I'm beautiful
Could it be that you want me
I never dreamed someone like you
Could want someone like me

I'm not sure but the more that it's real
The more that it's right, oh what a night
It's as though we've been lovers
All of our lives
There must be a God
Could it be that he's heard me at last
Because you look at me
As though I'm beautiful
Could it be that lady in me
I never dreamed someone like you
Could want someone like me

All the pain and the pleasure's the same
It goes so fast I'm the girl with the strawberry hair
In the photograph
So come on, let's dance
Let me have it while I have the chance
'Cause there's another world
Where there are other girls
But tonight there's only me
I never dreamed someone like you
Could love someone like me

Thursday, September 06, 2007

 

My First Cosmo Bachelor Bash

Nasa Cosmo Bachelor Bash ako kagabi sa NBC Tent. Enjoy siya. Especially since merong designated area sa harapan ang VIP/Press na kinabibilangan ng sandamakmak na bakla at panaka-nakang babae. Nasa magkabilang dulo ng stage ang ramps so I suspect the male models were a tad more comfortable sa other side, unless puro bakla rin ang naandu'n. Basta talaga sa mga ganitong event, nangunguna kami! Haha! o in fairness to me, ngayon ko lang napuntahan ang Cosmo Bash, dahil nga may invitation sa Showbiz Central. Otherwise, hindi ko rin kakariring makipagsiksikan (at least kami nakaupo, 2nd row! Woohoo!) Sorry, I didn't take pictures. Alam ko kasing mahahati lang ang atensyon ko kung aalalahanin ko pa'ng tamang pag-frame ng mga photos, para ano? Para maipagyabang ko sa mga baklang friends ko (o kay Sheila) na inggit na inggit sa puwesto ko? 'Wag na uy! I'd rather enjoy the sights at they unfold right before my eyes - every inch of their skin, their beautiful faces, those impossible abs, the rippling muscles, the pecs, the butt, and the bulge.

Pinakana-excite ako kay Century Tunay Superbods winner Ram Sagad. Nu'ng nanalo siya, type na type ko na siya (though hindi siya ang bet ko nu'ng contest, 'yung past Mossimo Bikini Summit winner Jerome Ortiz actually na nakasabay ko sa plane from Boracay! Maliit lang pala siya, kaya medyo nakakagulat 'yung lapad ng katawan niya, parang hindi proportioned, pero ang ganda-ganda talaga ng face!). Anyway, back to Ram. Ang guwapo niya talaga. Matangkad na lean. Basketbolista kasi kaya mas naa-appreciate ko 'yung katawan niya, 'yung bunga ng sports at disiplina sa sarili at hindi dahil gym lang nang gym pero hindi naman makatakbo o kaya putuk na putok na sa steroids. Plus may weakness talaga ako sa mga chinito. At supladito pa ang emote niya. Kung mag-smile siya, tipid na tipid. Mysterious tuloy ang dating. Parang gusto mo siyang maging friend, ganu'n.

Over all, hindi ko in-expect na maganda pala ang production value ng ganito. Maganda ang mga prods, ayos ang set, masaya ang games (though medyo tumagal talaga, ha, at ang late na nila nag-start) maganda ang styling, ang concept. Siguro mas maganda pa ang Bench Underwear Fashion Show. Isa rin yata ako sa mga bakla sa Maynila na hindi pa nakakapanood nu'n nang live, eh. Sige, next time.

Hindi rin ako na-disapppoint sa isa pang Century Tuna model and now the face of Bench underwear, Jon Mullaly, who has now disguised his British roots with the new screen name John Avila. Mullaly, Avila, he's still very cute. Isa pa'tong nakakasalubong ko lang sa Boracay nu'ng summer, lakad nang lakad, walang teeshyert! Gusto ko ngang hubaran ng pants (ano tawag du'n sa parang sarong na pants) na suot niya at nang makumpleto na'ng summer ko!
Si Dingdong, I'm just too familiar with him so hindi na'ko naaapektuhan sa kanya. Pero si Paolo Paraiso nakikita ko na rin nu'n pero parang exceptionally guwapo siya kagabi. Siguro dahil andu'n si Mylene Dizon sa audience na napakaganda talaga. At ang healthy ng kanilang relationship kahit break na sila. At ang ganda ng kanyang red stilletos na birthday gift sa kanya ni Paolo.

Iba pang highlights (or "low"-lights, depende): may isang babakla-baklang model. I think I have an idea who he is pero hindi ko sure so hindi ko na lang babanggitin. Basta pansin na ang kanyang trained-in-Bed-and-Government na paggiling. At nang rumampa, ay! Swimsuit competition ba'to in their Oscar dela Renta creation? Sinigawan nga siya ng grupo ni Ogie Diaz sa likod ko ng, "Babae! Babae!"

Meron ding isang caucasian na ang taba-taba. Ewan kung bakit siya napasali ru'n. So tuloy meron siyang parang sheer na gold cardigan na nakabutones at ang suot niya tights na gold! Na pumuputuk-putok na sa kanyang nagtatabaang hita ayan tuloy kami na nasa baba, nakitang natastas na ito! At heto pa, mataba na nga siya, pinapawisan pa siya nang grabe tapos ang emote niya sa dulo ng ramp, pinunasan niya 'yung noo niya tapos winisik niya 'to! Yaaaakeeee! Sexy ba 'yon???

All in all, mas panalo pa rin ('di lang sa'kin kundi generally sa crowd) ang mga Pinoy at Chinoy na models kesa sa mga puti. Mas may dating! At ito talaga ako nagulat. Sa finale, nagka-briefs lang most of the models tapos nagkalat sila sa stage, isa sa mga nakaharap sa'min si Janvier Daily who played Dodong sa Zsa Zsa Zaturnnah Ze Musicale! 'Di n'yo pa rin kilala? Siya 'yung ka-date ni Ethel Booba nang mabato 'to ng sapatos sa isang bar. Aaahhh, gets n'yo na? Basta naka-boxerbriefs siya (the sexiest underwear para sa'kin) at iba ang package! Standing in attention or talagang gifted ang bata. Si Ethel talaga, pareho kong size queen! Haha!

 

FWD: Gargol

Naggo-grocery ang co-writer kong si Rikki Lopez at ito'ng nakita niya...

This page is powered by Blogger. Isn't yours?