Thursday, April 28, 2005

 

The Weekend Boyfriend

Friday night nagka-boyfriend ako. Sunday night break na kami.

Pucha! Mas matindi pa yata epekto sa'kin kapag hindi ako nakakainom! Meron akong self-imposed alcohol ban for the whole month of April in preparation for an upcoming race. Pero gumigimik pa rin ako. At sa isang gimik sa Malate nagsimula ang aking experiene-na-panglaseng...(Tunununununu <==== fairy music na ginagamit sa mga TV show kapag may flashback)

Una sa lahat hindi ko talaga feel ang Bed as compared to Government. 'Yan ang aking unpopular answer sa quintessential question ng mga gimikerong bading. Experience tells me kasi na hindi ako mabenta sa Bed. Sa Government, parang prime commodity ang feeling ko. Pero that Saturday night, bumawi ang Bed sa'kin. Pagpasok ko pa lang, meron nang cutie boy na nag-smile at kumausap sa'kin. Nakipaglandian lang ako saglit tapos sumiksik na'ko sa dancefloor. After a few hours of dancing, ready to leave, merong guy na sumisiksik papunta sa direksyon ko. Mukhang cute naman. Nang tumapat siya sa'kin, I did the classic "slight hawak sa bewang." Huminto siya. Tumingin sa'kin at yumakap. At nangyari na sa'kin finally ang all-too-often-heard gay fairy tale that begins with "We met at Bed."

Strictly speaking, Sunday morning na kami nagkakilala. I thought he was sweet and cute. And he said I looked like Marco Alcaraz. Talk about chemistry! Anyway, sabay kami umuwi pero dinaan ko lang siya somewhere. Sunday night we went out for coffee. OK naman kami.

What followed was a weeklong landian sa text. At ang numerous palitan ng Mwah's and Baby's were interrupted by a mystery texter. Justin daw name niya at may nag-business card lang daw ng number ko. Immediately, I was suspicious and I immediately asked my boylet if he knew this Justin guy. He denied. So naki-ride on na rin ako sa kalandian ng Justin na'to whom I felt was either my boylet pretending to be somebody else, or my boylet's friend. Parang test kumbaga. Thursday night sinabi nga niyang siya nga si Justin. Medyo nairita ako kasi sabi ko he didn't have to do that kasi hindi naman ako nagsisinungaling and if there are things that he wanted to know all he had to do was ask. (Note na ang haba ng sentence na'yon. Read it without pausing to breathe and you'd know kung paano ko 'to dineliver). Pero umiral ang damdaming nakyutan ako sa kanya.

Friday night, niyaya ko siyang makipag-dinner with my Powerbarkada (a very bold gesture, indeed, considering the last guy I introduced to my mala-kara-perfekta friends was my first boyfriend nu'ng kami na). After dinner, niyaya ako ni boylet sa Malate. Friday night. Again, strictly speaking, Saturday morning na'yon. 2:14am (Valentine's!) on both our parents' wedding anniversary date, naging kami. Witness pa si Ate Lily na waitress sa New York Cafe. Bakit? It just felt right.

And then ayan na! Kapag nagte-text ako ng sweet sasabihin niyang "parang template" lang ang mga messages ko. While we were in bed ('yung 'di capital letter B), sabi niya "parang plastik pagtawag mo sa'kin ng 'baby' kasi lahat na lang yata ng dinadala mo rito 'yan ang tawag mo." Pagkatapos naman, "wala akong naramdamang love from you. puro libog lang." At the point. Everything was a blur. I remember calmly raising my voice and calmly throwing some stuff to the wall, calmly getting out of bed, and calmly punching the wall. Tumahimik siya. And then natakot daw siya. Hindi ko naman alam kung bakit? Eh, I was calm the whole time!!!

The next day I was out with my friends. Siya naman may binyag na pinuntahan. Sa Misa tinetext niyang nagdadasal daw siya nang matindi kasi natatakot daw siya. So that evening, Sunday na'to, pumunta ako sa bahay niya na may dalang Toblerone (cute, noh?). Kinausap ko siya. Sabi niya, "Nagmadali ba tayo?"

"'Wala nang point pag-usapan 'yan dahil tayo na. Might as well work this out. Sabi mo sa'kin 'Sink or Swim? Swim.' 'Yun ang pinanghahawakan ko."

Natakot daw talaga siya sa outburst ko. Last daw niyang na-"trauma" nang ganu'n 13 years old pa siya. I apologized but added that it was just out of sheer frustration with his constant kapraningan and doubtfulness. It makes me feel un-trustworthy.

After a while, nagkaayos na rin kami.

And then eto na! He admitted that he didn't really go to Mass earlier that day. He met with this guy, Joseph, from the internet (na apparently one batch younger sa'kin sa Marist at kilala ako though I don't know him). I asked, "Did you tell Joseph na boyfriend mo na'ko?"

"I said we already took the plunge."

"What did he say?"

"Sabi niya, 'ikaw kasi hindi mo'ko mineet the day before naging kayo, eh."

"Kung mineet mo ba siya the day before naging tayo magiging tayo pa rin."








"I don't know."





Nainis ako. Nag-away na naman kami nang slight. Sabi niya 'wag na raw akong magselos kasi ako na nga raw pinili niya.

"Kung sabay mo kaming na-meet, magiging boyfriend mo ba'ko?"

"Hindi ako 'yung tipo ng tao na sasabihin lang 'yung gustong marining ng iba...I don't know."

" 'Di dapat hindi mo'ko boyfriend." Tinantsa ko talaga 'yung pagkasabi ko nito na may parating na cab. Ang effect? Dramatic exit sabay drive away in a cab. Kulang na lang umulan.

On the way home I realized I may have overreacted since aminado naman kaming hindi pa namin love ang isa't isa. So I guess normal lang na paminsan-minsan kuwestiyunin kung kami nga ba dapat. So when I got home I called him up and said sorry. Then he goes, "Sige, ok lang. Good luck na lang sa inyo ni Joseph."

"Anong ibig mong sabihing good luck sa'min ni Joseph? Ibig sabihin kinoconsider mo pa rin siya?"

"Hmmm...Hindi pa siguro kasi OK pa naman tayo."

"Pero kapag hindi na tayo OK tatawagan mo siya?"

"Oo, pero not this week, not next week, or the third, or the fourth..." (Medyo naiirita na siya.)

So sabi ko, "Hindi, ganito: bukas pa lang tawagan mo na siya."

"Wala nga'kong balak tawagan siya."

"Hindi, tawagan mo na siya kasi ngayon pa lang wala na tayo."






I added, "OK?"







He said, "OK."


Then I erased his number sa phonebook ko tapos nag-text na'ko sa mga tao na wala na ulit akong boyfriend. Hindi pa rin ako umiinom pero mas maingat na'ko. Baka mamaya kung ano na naman magawa ngayong sober ako, eh.

Saturday, April 23, 2005

 

MASARAP SA TV

One reason kung bakit masarap magtrabaho sa TV eh dahil surrounded ka ng mga taong mahal ‘yung ginagawa nila. Kahit pa nagtitimpla ng kape d’yan o PA pa’yan, asahan mo enjoy sila sa ginagawa nila. Which is a stark contrast, I would imagine, from countless Makati yuppies I’ve heard complain about their high-paying, high-prestige jobs.

At one thing na bugsod ng isang grupo ng mga taong mahal ang ginagawa nila, laging masaya ang usapan. Minsan kahit nag-aaway-away na, masaya pa rin. Siyempre kapag inaalala n’yo na lang ‘yung awayan saka nagiging nakakatawa pero as it happens, nakaka-stress din.

Isang major pagsasabon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malilimutan ay ang aking boo-boo sa Vaseline Shampoo Feel the Glow of Christmas. Grand Finals sa SOP at nag-general rehearsals pa nu’ng Sabado para lang maging perfect sa live show the next day. Hayun! Dahil sa katarantahan ko, nabulilyaso ang opening. At dahil sira na ang opening, nagulo na rin ang mga sumunod na segments. Galit na galit si Direk talaga! Today, tuwang-tuwa na sa’kin si Direk Louie Ignacio tuwing pinapaalala n’ya kung paano ko binaboy ang Vaseline dahil naiiyak ako. Natatawa rin ako. Habang nangingiyak-ngiyak. ‘Di ba, sira?

Another major. Sa SOP ulit. Inintro ko ang debut ni Karylle sa Enchanted Kingdom. Habang iniintro siya, tinanong ako ng Floor Director, “Rey, sino raw nagsabi sa’yo na debut ni Karylle?” Sabi ko, “Aba! Nag-isip tayo ng pang-eighteen roses niya tapos may cake na may babae on top!” May kinausap ang FD sa headset. “Hindi raw niya debut ngayon.” At that point, last line na ng intro ng mga hosts: “The debutante – Karylle!” Sabay ng first note ng song ni Karylle ang sigaw from afar, “Reeeyyy! Hindi debut ni Karylle! Stupid! You don’t know what you’re writing!” All this okray infront of everyone na namamasyal sa Enchanted Kingdom kung saan live kami. At take note, ang pangalan ng boss ko ay Darling. Ms Darling. Saya, ‘di ba?

Hay! Ang sarap talagang mag-look back to those times dahil sa mga pang-ookray naman talaga na’to (mostly sa SOP) ako natuto. I’d like to think na mas mahusay at confident na’kong writer ngayon compared to my first day of actually writing for a TV Program na umuwi akong ang pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. ‘Yung idiot boards ko nakikita sa camera at nalalaglag ko nang wala sa timing tuloy nawawala ‘yung hosts, at binabangga ako ng cam-mate nang sadya kasi nakaharang ako. And it doesn’t help na nakabantay si Perry sa unang-unang intro spiel na sinulat ko at sinabihan niya ng, “Ang panget ng spiels.” Ito ‘yun:

ANTOINETTE: Wow, Angelika! Ang dami-dami mong pictures dito na hawak ng mga fans mo. ANGELIKA: Ngek! Mga panakot sa daga.
ANTOINETTE: Naku! Hindi, ha. Dala nila ‘yang pictures mo kasi ina-admire ka nila. ANGELIKA: ‘Wag na nga nating pag-usapan ang picture ko. Pag-usapan na lang natin ang Picture ni Inday na hatid ng Grin Department!

Sabay kakanta ang bandang “Grin Department” ng “Piktsur Mo, Inday.” ‘Di ba, saya?

 

PILITA

Bilang relatively new in the industry, I get a kick out of meeting and working with people whose names I’ve read in programs’ closing credits. Wilma V. Galvante. Wystan Dimalanta. Lito Calzado. Itong tatlong names na’to, for some reason, ang lagi kong nababasa kaya may konting excitement nu’ng ma-meet ko si Ms Wilma (sa’king job interview sa GMA), nang makatrabaho si Kuya Wystan sa writers’ pool ng Kool Ka Lang, kung saan Executive Producer ko si Tito Lito. Pero ang isang taong talagang natuwa ako nang ma-meet ko na siya finally ay si Pilita. Isa siyang baklang skinhead na make-up artist. May classic kuwento kasi about her na talagang ikaihi ko halos sa pantalon nang marinig ko. Sa isang taping daw, late itong si Pilita. Sabi ng EP sa PA, “Gamitin mo ‘tong cellphone ko at tawagan na ang Pilitang ‘yan!” Tumawag ang PA na pinantayan ang pagtataray ng EP niya. “Hello, Pilita! Ang galing mo! Hihingi-hingi ka ng raket tapos male-late ka! Pumunta ka na rito!” Kalmadong sagot pa ng Pilita na tinawaga niya, “Uhm, this is Pilita Corrales.” Maraming ganyang classic stories sa telebisyon.

Sa Bubble Gang daw, safari ang setting ng kanilang mga jokes kaya ni-require ang mga extra ng outfit na safari. Dumating naman sila na ang suot ay “sa pari,” abito and all. Funny din ang mga ‘di pagkakaintindihan kung sino ang gustong i-call na artista. Minsan si Rita Magdalena ang kinast sa isang role, ang dumating sa taping si Rita Avila. Si Melody ng Sugar Hiccups ang kelangan ng SOP sa isang production number para magfalse-falsetto siya ru’n pero ang dumating ay si Melody, ‘yung may mahabang baba na kumanta ng Filipino version ng My Heart Will Go On.

Ang isa pang classic kuwento na narinig ako ay tungkol sa Showbiz Lingo (na isa pang groundbreaking television program para sa’kin). Last minute daw na-confirm si Ate Vi so gusto nilang bigyan ng literal na red carpet treatment ang Star for All Seasons. Pinahanap ang researcher ng red carpet kahit disoras. Kinabukasan, “Live on Showbiz Lingo, the Star for All Seasons, Ms Vilma Santos!” Lakad ang Ate Vi sa isang nagro-roll-out na red carpet na suwerteng nahagilap ng researcher. Cam-mate ang gamit so nakikita ang top shot ni Ate Vi na naglalakad sa isang red carpet na may tatak na “La Funeraria Paz.”

Pagkatapos maglakad ni Ate Vi, natapos din ang career ng researcher sa magulong mundo ng showbiz.

Monday, April 18, 2005

 

Tara Na! Biyahe Tayo! SAGADA!

went there this weekend at tip no. 1: bitin ang isang weekend sa Sagada.

TRANSPO: The fastest, most comfy way is by taking Cable Tours Bus for Bontoc. Isang maliit na aircon bus ito na walang istasyon. Basta umaalis ito from the street between St. Luke's Hospital and Trinity College 830PM nightly for Bontoc. . Text Mr. Bert 0919-386-2159 kasi kelangan n'yong mag-reserve ng seats sa bus. P500 ang bus. From Bontoc, may jeep to Sagada. P35 pamasahe. 12 hours 'yung trip to Bontoc, 45-60mins na lang 'yung jeep from Bontoc to Sagada.

FOOD: Saturday is the only market day so puwede kayo ru'ng mamili ng pagkaing puwedeng lutuin (don't forget the fresh na fresh na gulay). Manila rates na rin halos 'yung good restos pero sulit naman sa sarap at servings. Try out Yoghurt House (yoghurt with fresh fruits plus maganda ang collection of periodicals nila); Masferre (the best hot chocolate, lahat masarap, pati 'yung sawasawan nilang dinurog na green chili tapos may oil tineyk-hom ko); Shamrock for booze.

STAY WHERE: Maganda sa St. Joseph Inn. 300/night ang isang double room. P1500/night ang isang cottage. Kapag peak seasons, like Holy Week, you'd have to book in advance. Try n'yo na lang sa iba like the Sagada Inn and The Green House.

SITES: Upon arrival, register at the Tourist Information Center sa Municipal Hall and help them out by paying the 10-peso Tourist Fee. Buy a map then plot your itinerary. A guide when visiting the caves is a must. Ganda sa Sumaguing Cave! 450/5 persons ang rate niya.From the town proper walking distance lang naman most everything: Echo Valley, the Hanging Coffins, St. Mary's Church... The big falls are 3 hours away daw by jeep at baka raw walang tubig sa small falls ngayong summer.

OTHER THINGS: Puwedeng magpamasahe (P250). May 9PM curfew but it's not a military curfew, meaning puwede namang lumabas at mag-inom 'wag lang maingay. OK rin mag-inuman na lang sa loob ng hotel. Kapag peak tourist season mas lax sila sa ingay, sabi. Try n'yo ring bumili ng jutes.

kung may tanong pa kayo. message na'yo na lang ako.

Wednesday, April 06, 2005

 

PORNTHIP NAKHIRUNKHANOUK

Biro ng Powerbarkada ako, inaaksaya ko raw ang space sa’king memory stick with the names of Miss Universe tile-holders. Some people think I’m some walking encyclopedia on beauty contests na kelangan ko nang i-qualify siya minsan. Miss Universe lang ang pinapanood kong beauty contest. Maganda kasi ang production value niya at hindi siya tumatagal hanggang madaling araw para lang may makoronahan. Plus the title implies talaga na ito ang pinakaimportanteng korona sa lahat! Long before ako nag-out at long before kung naamin sa sarili ko na bakla ako, ang fascination ko sa Miss Universa na siguro ang pinaka-glaring clue na deep inside me a is beauty queen.

In fairness, hindi lang naman ako ang fascinated sa beauty pageants. Lahat yata ng bakla, kahit na ‘yung pinakamacho ang asta, relate na relate sa Miss U. Eh, bakit naman hindi? Sa simula pa lang patarayan na ng national costume while introducing yourself na para kang naglalako ng isda sa palengke ¡Hola! ¡Me llamo Minorca Mercado y represento Caracas, Valenzuela! Dati parade of nations pa lang pinapakita na’yung scores ng bawat kandidata nu’ng preliminaries. Ina-average ko ‘yung kay Miss Philippines at iko-compare ko sa fina-flash na composite scores ng mga tinatawag as one of the 10 semi-finalists para malaman ko kung pasok ba tayo o hindi. Madalas, siyempre, mula nang maging panata ko na ang panonood ng Miss Universe nu’ng 1987 (kung saan nanalo si Miss Chile, Cecilia Bolocco), laging “crowd favorite” lang ang naa-achieve ng Bb. Pilipinas-Universe.

Siyempre mesmerizing din para sa isang baklang fan ang evening gown competition where the ladies “parade in evening gowns of their choice accompanied by little girls from the host country.” You are my star, you light my way. Laging touching moment at test of grace in a formal wear ang point kung saan nasa centerstage na’yung finalist tapos she will slighty bend her knees para maabot ‘yung rose na binibigay sa kanya ng little sister. Too bad, sa Miss Universe 1994 sa Manila ‘yung last time na merong little sister.

In fact, ang dami na nga ring transformations ng Miss Universe. Signs din ng ever-changing tastes ng audience at trends sa telebisyon. Ngayon mas sobrang pinabilis ang pacing. Talagang rampahan ang swimsuit at evening gown competitions. At after each round, merong mga nai-eliminate. Parang American Idol. Pero kung tutuusin, predecessor ng reality TV ang Miss U. Reality-TVing-Reality TV sa tensyon kapag pinapapasok na sa soundproof booth ang mga kandidata (minsan naman pinapasuot sila ng earphones tulad nu’ng Miss Universe 1999).

Dati hindi ko pa talaga iniisip na fascinated na fascinated ako sa Miss U kasi in fairness to me hindi ko naman kinakarir ang pagme-memorize ng mga names, stats, facts and trivias about the pageant. I just watch it intently and, boom! Nai-spoof ko na ang buong pageant with cunning accuracy. Natanggap ko na lang na ako at ang Miss U ay iisa nu’ng matalo si Miriam Quiambao nu’ng 1999 sa Trinidad & Tobago. Talagang na-depress ako. Pagkatapos na pagkatapos ng live-pero-ultra-delayed-kasi-sangkatutak-ang-commercials-na-telecast ng RPN, umalis ako ng bahay naglakad-lakad nang tulala sa Sta. Lucia. As in na-bother talaga ako. Just imagine, twelve years na'kong nanonood ng Miss Universe at every year nagwi-wish ako na manalo tayo. The best I’ve seen were a semi-final inclusion (1987, si Pebbles Asis) at nu’ng maging finalist si Charlene Gonzales (1994). I really thought we were gonna win. Kasi naman talagang from the start winner na ang porma ni Miriam. Never have a seen a Miss Philippines na ganu’n makapamewang at pumihit ang upper torso! Clearly siya ang favorite until nu’ng mag-buckle-buckle ang lola mo sa final question at na-snatch pa ng tang inang Botswanang ‘yan ang korona (Mpule Kwalagobe ang name niya). Hay! Kelan kaya ako makakapanood ng isang Pilipinang kokoronahan na Miss Universe? ‘Yun lang naman ang TV moment na dream kong mapanood. At least mas attainable siya kesa sa opening ceremonies ng Manila Summer Olympics, ‘di ba?

As for this column’s title, siya ang Miss Universe 1988, si Miss Thailand. Kamukha niya si Lydia de Vega.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?