Sunday, March 27, 2005
Bakit Ayaw Ko sa ABS?
Eventually natatanong din sa’kin kung bakit ayaw ko sa ABS. Bago ko ituloy ‘to gusto ko lang linawin na hindi ko sinasabing ayaw ko sa ABS-CBN. Sa tanong lang na’yon ina-assume nilang ayaw kong magtrabaho sa ABS kaya ako sa GMA nagwo-work. With that clear, eto na ang aking standard answer. Hindi sa hindi ko ayaw, I don’t see anything wrong with working for ABS-CBN. Besides, I cannot authoritatively compare the two networks since GMA na’ko eversince (parang si Kuya Germs).
Based on what I hear lang from people who’ve worked in the other side of Bohol Avenue, mas competitive ang working atmosphere daw du’n. Talagang dog-eat-dog, survival of the fittest ang drama. Sa GMA daw mas pleasant ang mga tao towards each other. That is not to say na wala ‘yung usual pulitika at intrigahan. Well, kung ibe-base ko sa ilang taong katrabaho ko na galing ABS, mag-a-agree ako sa observation na’yon. They tend to be mas mataray lalo na sa mga lower-ranking staff members. Pero, in fairness, meron din namang talagang mababait na tao. Si Tessbam, for example. Talent Coordinator namin siya sa Sis at talagang mabait at funny siya. At siya ‘yung talagang success story na pang-Magpakailanman ang kuwento. Siya halos ang naging breadwinner ng pamilya. At sa pagtitiyaga at pag-iipon nakapagpatayo siya ng isang magarang bahay sa Antipolo. Taray, ‘di ba? Talagang hindi lang pag-aartista ang solusyon sa kahirapan. With old-fashioned hard work at pagtitipid, good guys can finish first.
Sige na nga aaminin ko na sa above paragraph, ang una kong na-type ay “pang-Maalaala Mo Kaya” ang buhay ni Tessbam. Partida na’to dahil ‘di hamak na mas mahirap i-type ang Maalalala Mo Kaya sa Magpakailanman. Pero since Kapuso ako, I must show some allegiance to our own, number one, real-life drama anthology (Nax!). Pero still, I don’t think my Kapuso from MKM would take offense if I pay tribute to MMK. Groundbreaking drama on TV naman talaga ang show ni Charo. I think Grade 6 ako nu’ng nag-premiere sila with “Rubbershoes” starring Romnick Sarmenta and Robert Arevalo…Yes, Naaalala Ko Pa Kaya! Nu’ng lumalaki ako, Maalaala Mo Kaya was the sterling example na all is not lost for Philippine Television kasi talagang quality program: mula sa script, sa production value, hanggang sa acting. Naaalala ko pa rin ‘yung time na kapag ang isang artista ay nag-Maalaala Mo Kaya, ibig-sabihin nire-recognize na may ibubuga siya sa acting.
Favorite conversation topic with friends ang pag-alala sa favorite episodes namin ng Maalala Mo Kaya. Contribution ko ang “Medalya” kung saan ginupitan ng obsessive Tessie Tomas ang kanyang anak na si Manilyn habang natutulog ito. Gusto ko rin ang “Engagement Ring” na kuwento ng isang taga-Concepcion, Marikina (kung saan ako lumaki). Tungkol ‘to isang babaeng inabanduna ng asawa kaya nabaliw (Si Gina Alajar ang gumanap.) Favorite ko rin ang “Music Box” starring cancer-stricken Gelli de Belen opposite Carmina. Hindi ko lang maalala ‘yung title pero ang ganda-ganda rin ng episode na pinagsama-sama sina Matet, Aiza Seguerra, Patrick Garcia. Ang galing-galing ni Aiza rito at ‘yung gumanap niyang butch lesbian parent na si Eugene Domingo. Notable din ang “Dream House” starring Regine Velasquez at “Sinturon” with Fanny Serrano and Gabby Concepcion.
Kung minsan napag-uusapan din namin ang favorite episodes namin ng “Twilight Zone.” Maalaala mo kaya ang sa’yo?

Monday, March 21, 2005
Maganda ba si Charlene Gonzales sa personal?
Kapag nalalaman ng mga tao na nagtatrabaho ako sa TV, madalas tanungin nila sa’kin kung maganda ba sa personal ang kanilang paboritong artista. Deep inside nagugulat ako sa tanong na’to kasi hindi ko naman minamasdan ang bawat artistang makakatrabaho ko para i-compare kung iba ba ang hitsura niya sa TV sa tunay na buhay. So to set the record straight – at para hindi ko na ma-experience ang standard na pagra-rundown ng mga pangalan ng artista at sasagot lang ako nang paulit-ulit ng “pareho lang” - walang pinagkaiba ang hitsura ng karamihan sa mga artista sa TV at sa personal.
Dalawa lang sa tingin ko ang exception to this rule: si Charlene Gonzales at si Dina Bonnevie. Si Dina una kong nakita sa Megamall nu’ng college ako. Hindi ko agad nakilala pero nabighani kaagad ako sa ganda niya at sa bearing niya (feeling niya siguro maraming nakakakilala sa kanya). Pero hindi ko talaga siya agad nakilala until nu’ng tinitigan ko talaga siya. At napa-aaahh na lang ako kasi iba talaga ang hitsura niya. Una, she’s taller in person kesa sa mai-image mo (baligtad kay Korina na sa tunay na buhay ay puwedeng magbalita habang nakatayo sa palad mo). At ang talas-talas ng features niya. Mas aakalain mo pa siyang si Cherry Gil kesa si Dina Bonnevie. Ganu’n din si Charlene. Sa TV naso-soften ang features niya kaya nagmumukhang very wholesome, very mabait ang dating (same with Dina kahit pa sa mga roles na nang-aapi siya). Pero in person bumbayin pala ang beauty niya. Don’t get me wrong, maganda pa rin siya – at may bearing talaga ng beauty queen. Kaya lang mas mukha siyang Miss Estonia or Miss Turkey kesa Miss Philippines.
One thing then about meeting artistas all the time, hindi na’ko nasa-starstruck unlike most people. ‘Yung housemate ko ngang si Thea nu’ng pinakilala ko sa crush na crush niyang si Jay-R (na ang apelyido ay Sallon) ay nanginig-nginig at halos ‘di makunan ang video message ni Jay-R para sa officemate ni Thea na magba-bridal shower at crush na crush din si Jay-R. Sa totoo lang, I don’t understand the whole Jay-R craze. I mean he’s really talented at may presence talaga ‘yung amboy (at naa-appreciate ko ‘yung fact na hindi siya Ingglesero despite having lived in the US for a long time, unlike some artistas na ang tagal-tagal na sa P’nas pero hindi pa rin daw marunong mag-Filipino). Maraming fans ni Jay-R ang magagalit sa’kin pero mukha siyang bungo. Actually, mas natatakot ako kay Jay-R sa reaction niya sa’kin kapag nabasa niya ‘to. Close kami, eh.
Hemingways, it’s not entirely true na hindi ako nasa-starstruck. May mga artistang who, unexpectedly, strike me differently once I meet them in person as compared to how they affect me nu’ng napapanood ko lang sila sa TV. Si Piolo hindi talaga ako nagaguwapuhan (again sorry sa milyung-milyong nagpapantasya sa kanya at kay Piolo na rin although hindi kami close). Pero nu’ng nakita ko siya sa isang bar one time, maygawd! Hindi ko pa agad na-realize na siya na pala ‘yung hunk na katabi ko pero nu’ng sumimple ako’t sumilip. Electricity! I love you, Piolo!!!
Surprisingly, ganyan din ang naramdaman ko nang na-meet ko si Close-Up boy Leandro Muñoz. Konti na lang yata nakakaalala sa kanya (mas sikat ‘yung brother niyang si Carlo).
Hindi ako fan ni Joey de Leon dati pero one time nakasabay ko siyang kumain sa taping nila ng “Kiss Muna” at naririnig ko ‘yung usapan nila ni Direk Bert Nievera about dreams. Sabi niya, “Ang dreams gift ‘yan, eh. Mga images na hindi mo naman nakikita kapag gising ka makikita mo kapag tulog ka na.” I thought, wow! This guy really has substance. Sa showbiz, siya ang isa sa few na kino-consider ko na totoong artist talaga. Hindi artista, ha. Artist.
Eto pa’ng isang ikinagulat ko ang impact sa’kin. Si Annabelle Rama. I mean growing up to her Bisaya-accented pagtataray on countless talk shows, on countless issues, naisip ko talaga na, “Ano ba’tong si Annabelle Rama?!?” Pero nu’ng nakita ko siya in person (considering na negative na ang expectation ko sa kanya, ha) she turned out to be a very beautiful and charming woman pala. Meron siyang presence that doesn’t come off as intimidating. Ang warm pa nga, actually.
Pero kung tatanungin ako kung sino talaga ang pinakaguwapong artista na nakita ko. It’s an artista na guwapo at funny at smart. He’s actually a descendant of National Artist Fernando Amorosolo. Tubong-Baguio pero ngayon ay based na sa Manila. Siya ang walang-iba kundi si Paolo Ballesteros. And I don’t say this just because I have a picture of him displayed on my bedside table. I love you, Paolo!!!