Saturday, April 23, 2005
MASARAP SA TV
One reason kung bakit masarap magtrabaho sa TV eh dahil surrounded ka ng mga taong mahal ‘yung ginagawa nila. Kahit pa nagtitimpla ng kape d’yan o PA pa’yan, asahan mo enjoy sila sa ginagawa nila. Which is a stark contrast, I would imagine, from countless Makati yuppies I’ve heard complain about their high-paying, high-prestige jobs.
At one thing na bugsod ng isang grupo ng mga taong mahal ang ginagawa nila, laging masaya ang usapan. Minsan kahit nag-aaway-away na, masaya pa rin. Siyempre kapag inaalala n’yo na lang ‘yung awayan saka nagiging nakakatawa pero as it happens, nakaka-stress din.
Isang major pagsasabon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malilimutan ay ang aking boo-boo sa Vaseline Shampoo Feel the Glow of Christmas. Grand Finals sa SOP at nag-general rehearsals pa nu’ng Sabado para lang maging perfect sa live show the next day. Hayun! Dahil sa katarantahan ko, nabulilyaso ang opening. At dahil sira na ang opening, nagulo na rin ang mga sumunod na segments. Galit na galit si Direk talaga! Today, tuwang-tuwa na sa’kin si Direk Louie Ignacio tuwing pinapaalala n’ya kung paano ko binaboy ang Vaseline dahil naiiyak ako. Natatawa rin ako. Habang nangingiyak-ngiyak. ‘Di ba, sira?
Another major. Sa SOP ulit. Inintro ko ang debut ni Karylle sa Enchanted Kingdom. Habang iniintro siya, tinanong ako ng Floor Director, “Rey, sino raw nagsabi sa’yo na debut ni Karylle?” Sabi ko, “Aba! Nag-isip tayo ng pang-eighteen roses niya tapos may cake na may babae on top!” May kinausap ang FD sa headset. “Hindi raw niya debut ngayon.” At that point, last line na ng intro ng mga hosts: “The debutante – Karylle!” Sabay ng first note ng song ni Karylle ang sigaw from afar, “Reeeyyy! Hindi debut ni Karylle! Stupid! You don’t know what you’re writing!” All this okray infront of everyone na namamasyal sa Enchanted Kingdom kung saan live kami. At take note, ang pangalan ng boss ko ay Darling. Ms Darling. Saya, ‘di ba?
Hay! Ang sarap talagang mag-look back to those times dahil sa mga pang-ookray naman talaga na’to (mostly sa SOP) ako natuto. I’d like to think na mas mahusay at confident na’kong writer ngayon compared to my first day of actually writing for a TV Program na umuwi akong ang pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. ‘Yung idiot boards ko nakikita sa camera at nalalaglag ko nang wala sa timing tuloy nawawala ‘yung hosts, at binabangga ako ng cam-mate nang sadya kasi nakaharang ako. And it doesn’t help na nakabantay si Perry sa unang-unang intro spiel na sinulat ko at sinabihan niya ng, “Ang panget ng spiels.” Ito ‘yun:
ANTOINETTE: Wow, Angelika! Ang dami-dami mong pictures dito na hawak ng mga fans mo. ANGELIKA: Ngek! Mga panakot sa daga.
ANTOINETTE: Naku! Hindi, ha. Dala nila ‘yang pictures mo kasi ina-admire ka nila. ANGELIKA: ‘Wag na nga nating pag-usapan ang picture ko. Pag-usapan na lang natin ang Picture ni Inday na hatid ng Grin Department!
Sabay kakanta ang bandang “Grin Department” ng “Piktsur Mo, Inday.” ‘Di ba, saya?