Saturday, April 23, 2005
PILITA
Bilang relatively new in the industry, I get a kick out of meeting and working with people whose names I’ve read in programs’ closing credits. Wilma V. Galvante. Wystan Dimalanta. Lito Calzado. Itong tatlong names na’to, for some reason, ang lagi kong nababasa kaya may konting excitement nu’ng ma-meet ko si Ms Wilma (sa’king job interview sa GMA), nang makatrabaho si Kuya Wystan sa writers’ pool ng Kool Ka Lang, kung saan Executive Producer ko si Tito Lito. Pero ang isang taong talagang natuwa ako nang ma-meet ko na siya finally ay si Pilita. Isa siyang baklang skinhead na make-up artist. May classic kuwento kasi about her na talagang ikaihi ko halos sa pantalon nang marinig ko. Sa isang taping daw, late itong si Pilita. Sabi ng EP sa PA, “Gamitin mo ‘tong cellphone ko at tawagan na ang Pilitang ‘yan!” Tumawag ang PA na pinantayan ang pagtataray ng EP niya. “Hello, Pilita! Ang galing mo! Hihingi-hingi ka ng raket tapos male-late ka! Pumunta ka na rito!” Kalmadong sagot pa ng Pilita na tinawaga niya, “Uhm, this is Pilita Corrales.” Maraming ganyang classic stories sa telebisyon.
Sa Bubble Gang daw, safari ang setting ng kanilang mga jokes kaya ni-require ang mga extra ng outfit na safari. Dumating naman sila na ang suot ay “sa pari,” abito and all. Funny din ang mga ‘di pagkakaintindihan kung sino ang gustong i-call na artista. Minsan si Rita Magdalena ang kinast sa isang role, ang dumating sa taping si Rita Avila. Si Melody ng Sugar Hiccups ang kelangan ng SOP sa isang production number para magfalse-falsetto siya ru’n pero ang dumating ay si Melody, ‘yung may mahabang baba na kumanta ng Filipino version ng My Heart Will Go On.
Ang isa pang classic kuwento na narinig ako ay tungkol sa Showbiz Lingo (na isa pang groundbreaking television program para sa’kin). Last minute daw na-confirm si Ate Vi so gusto nilang bigyan ng literal na red carpet treatment ang Star for All Seasons. Pinahanap ang researcher ng red carpet kahit disoras. Kinabukasan, “Live on Showbiz Lingo, the Star for All Seasons, Ms Vilma Santos!” Lakad ang Ate Vi sa isang nagro-roll-out na red carpet na suwerteng nahagilap ng researcher. Cam-mate ang gamit so nakikita ang top shot ni Ate Vi na naglalakad sa isang red carpet na may tatak na “La Funeraria Paz.”
Pagkatapos maglakad ni Ate Vi, natapos din ang career ng researcher sa magulong mundo ng showbiz.