Tuesday, May 31, 2005

 

All About Ratings

Sometime last year, Edward, a young Broadcasting major in UP asked me about ratings. Here’s what I emailed him. Baka may matutunan din kayo.


Hindi rin ako expert pero here’s what I know from the Creatives point of view…

1. ANO ANG RATINGS?

Ratings is the data gathered that indicates the amount of viewership a program receives. Kumbaga sa pelikula, eto ang ticket sales. Pero since libre ang TV, ratings na lang ang magsasabi kung bumenta ba ang isang TV show o hinde.

Pero actually two-fold ang data na’to. ‘Yung ratings at audience share. Ratings is the number of viewers you got compared to the number of people na merong access sa telebisyon. Ang audience share naman ang number ng nanood as against sa number ng taong nagbukas ng TV at the time na pinapalabas ang programa whose viewership we are measuring. Example, sa buong Pilipinas merong sampung tao at bawat isang may tig-iisang TV. Nu’ng palabas ang Marina sa TV, 4 sa mga tao ang hindi nagbukas ng TV. Tapos sa anim na nagbukas, tatlo ang nanood ng Marina. Therefore ang Rating ng Marina ay 30% (3 out of possible 10 kasi); at ang Audience Share niya ay 50% (3 out of the total 6).

2. PAANO MINE-MEASURE ANG RATINGS

Ngayon ang dalawang pinagkukunan ng Ratings ng mga networks ay mga independent companies na AGB at ACNielsen. Marami pa d’yang nagme-measure ng ratings pero eto ang dalawang ginagamit ng industry. Sa Pilipinas din mas pinapahalagahan ang Metro Manila ratings kasi ‘yan ang tinitignan ng mga advertisers who presume that their most important market is in the capital region. Manila-centric talaga ang society natin.

Ang alam ko merong sample audience (napag-aralan na’yan sa CR 101, ‘di ba? Kung paano kumuha ng sample) at ‘yung ang sinu-survey. Puwedeng nire-require silang gumawa ng diary detailing their TV viewing habits, meron ding interview ng kanilang researchers, at meron ding hi-tech machine na nagmo-monitor kung anong channel ang pinapanood.

3. GAANO KA-IMPORTANTE ANG RATINGS?

The importance of ratings varies from program to program, from network to network even. For government stations like PTV it is not as important siguro kasi meron naman silang regular funding from the government. Pero sa mga privately owned networks like ABS-CBN and GMA, importante ‘yan kasi ‘yan ang pambenta nila sa mga advertisers. “Our ratings are up, meaning more people are tuned in, so more will see your ads, and more will buy your product, so buy airtime from us.”

4. HOW DOES RATINGS AFFECT PROGRAMMING?

I’m presuming na when we talk about Programming, it’s the Content of the shows (the type of shows, the topics discussed, the artistas in it, etc.) and the Timeslot (the programming grid, sked, etc.). Malaki ang effect ng ratings sa programming.

Ang pinaka-basic ganito: If the program does not rate, it will be re-formmated until it does. If it still doesn’t rate (or it rates but not as much as projected), it will be cancelled at papalitan ng feeling ng network ay mas magre-rate. Kapag hindi mabenta ang hamburger mo, ibahin mo ang timpla hanggang sa mabenta mo siya. Pero kung wala pa ring bumibili o konti lang, aba! Spaghetti na lang kaya ibenta mo.

A. Ratings Affect the Types of New Programs Shown. Wala nang nanonood sa RPN nu’ng 90’s until pinalabas nila ang Mexican telenovela-dubbed-in-Fillipino “La Traidora.” People started watching, lalo na nang sumunod ang “Marimar.” The bigger networks noticed the shift in the ratings so they started importing more Mexican telenovelas in hopes of winning the ratings war. And the Mexican telenovela trend is born. ‘Yan din ang nangyari sa gameshow trend (Who Wants, Weakest Link, GKNB?). At ang reality-TV fad ngayon (Extra Challenge, Starstruck, SCQ)

B. Ratings Determine Who We See On TV. Ang mga artistang madalas mong makita sa TV in prominent roles are mga artistang tinatawag na “rater,” meaning they draw in the viewers. Bakit maraming naiinis kay Kris pero hindi siya mawala-wala sa TV? Ngayon rater si Carmina kaya siya sinama sa Sis at host pa siya ng All About You. Ang mga artistant raters ngayon ay sina Sarah Geronimo, Jolina, Judy Ann, Piolo, Aiza Seguerra, Lucy Torres.

C. Ratings Affect the Format of Existing Shows. Even existing programs have to maintain their ratings for them to continue existing. Nang nag-tagalog ang latenight newscast na GMA Network News at naging Saksi, ni-reformat ang longest-running English news broadcast na The World Tonight. Nang nakatayo na ang newscasters sa GMA, tumayo na rin ang ABS-CBN. Nu’ng nabuo ang Back2Back2Back SOP nagkaroon din ng similar portion ang ASAP.

D. Ratings Affect the Content of Programs. When TV Patrol revolutionized newscast ‘yun na ang naging mold ng other newscasts. Tagalog. Mas maraming aksyon at kontrobersya. Kung nag-rate sa Maalalaa Mo Kaya ang buhay ng isang bakla, for example, malamang buhay din ng bakla ang ipapalabas ng Magpakailanman sa susunod.

E. Ratings Affect the Program’s Timeslot. Nu’ng pinalabas ang “Daisy Siete” after siya ng Eat Bulaga. Eh, ang taas ng ratings so nilipat siya sa primetime. There it did not perform as well as expected so binalik siya. Ibig-sabihin wala sa gabi ang audience niya. Ganyan din ang “Sarah the Teen Princess.” Primetime dati ngayon pinanglalaban na sa umaga.

F. Ratings Affect What Program is Shown in a Timeslot. Nu’ng nagsimulang mag-rate ang TGIS sa Saturday afternoon timeslot, dinagsa na ang timeslot na’yon ng mga teen programs. Dati si Helen Vela ang namamayagpag d’yan, eh. Hanggang ngayon, teen programs na ang nilalagay d’yan.
Marami pa’kong gustong i-share pero dito na lang muna. Pagod na’ko, eh. Just text me if you have questions. 0918-602-8140.

Comments:
Best regards from NY! Cottage west auckland accommodation new zealand popeil rotisserie ovens
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?