Tuesday, May 31, 2005

 

Ang Values sa TV

Eto po’y sinulat ko nu’ng nagsusulat pa’ko sa Starstruck 2 at kasagsagan ng Reality TV bansa.


“This instrument can teach, it can illuminate - yes, and it can even inspire. But it can do so only to the extent that humans are determined to us it to those ends.”
(Edward R. Murrow)

***

Meron na namang bagong reality TV show. “Born Diva.” Singing competition where the contestants have to undergo cosmetic surgery. Nai-imagine ko na naman ang criticisms d’yan! “Ano na lang values ang tinuturo n’yan? Na it’s not about the talent, it’s beauty?!?”

As a child, my television viewing was monitored and controlled by my parents. As a Broadcasting student, I analyzed the content of programs and studied its impact to the audience and the community. At ngayong nagsusulat na nga ako, at nakakarinig ako ng mga pagpuna sa mga values na ipinapakita sa TV, para na’kong baliw na ita-try na sagutin ang tanong na kay tagal ko nang narinig sa parents ko, sa mga kaklase ko, sa mga propesor, sa mga kaibigan, sa mga kritiko’t moralista, at maging sa sarili ko: “Bakit ba ganyan ang ipinapalabas sa TV?”

Bilang manunulat sa telebisyon, naniniwala akong I HAVE TO PLEASE MY AUDIENCE. ‘Yan din ang pinakapayak na sagot sa tanong. Kapag maraming nanonood sa sinulat ko – na makikita ko sa ratings – na-fulfill ko ‘yung value ko na’yon. Kapag konti lang ang nanood, hindi ko sila na-please. Kayo ang pinakikinggan namin kung ano ang ipapalabas namin sa TV.

Kung minsan may mga bagay na inaakala kong dapat ninyong mapanood, pero hindi siya nagre-rate. Hindi ko muna siya gagawin. Ang priority ko ay ang majority na gusto kong ma-please. Sila ang masusunod. Kung minsan naman may mga bagay na hindi ko sigurado personally kung dapat ba nilang panoorin, pero kapag pinanood nila, ‘di sige. ‘Yan ang basehan ko kung tama pa ba ang ginagawa ko o hindi.

Patunay lamang ‘to na magkakaiba ang values natin. Ang acceptable sa’kin, maaring hindi OK sa’yo. Sa case ko na nagsusulat para sa isang free television station, majority wins. Parang kahit may ilan sa’ting ayaw si Erap at kahit malaki ang ebidensya nating he won’t be good for our country, kapag binoto siya ng marami, the minority must yield.

This is not to say, bara-bara na lang ako sa paghahain ng kung anu-ano sa inyo sa telebisyon. Personally, tinututulan ko ang mga episodes that involve Imelda Marcos, Jinggoy Estrada and the likes, especially kung parang nago-glorify sila. Pero I must admit the most I can do is boycott the tapings of such episodes. Sinasabi ko talagang hindi ko isusulat ‘yung episode. Pero kahit tinututulan ko ang mga ganitong episode sa brainstorming stage pa lang, kapag majority gusto siyang i-produce, wala na’kong magagawa. At kung marami naman ang gustong panoorin si Jinggoy (at marami nga dahil ‘yung episode na’yon was one of the highest rating for that season of Sis) ‘yun ang importante.

As for other things, I’ve always been a very liberal person regarding most controversial issues kaya minsan may mga bagay na sinasabi ng iba na unacceptable sa TV na OK lang naman sa’king ipakita ko, isusulat ko pa! Let the audience decide.

***

“I believe we can use television for incredible changes, but only to the extent that people demand it.” (Oprah Winfrey, TV Guide, 1995)

Comments:
Best regards from NY! http://www.home-appliances-4.info/Old-parts-for-scotsman-ice-machine.html
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?