Tuesday, May 31, 2005
Becoming a UP Mountaineer - The Induction Climb
wrote this 30 oct 2002, the day after i came from the major climb where i became a up mountaineer...
FOUR DAYS AND FOUR NIGHTS...'Yan ang tagal na inabot ng October Induction ng Mga Elvis sa Mt. Tapulao (High Peak), Zambales...PAKINGSHET!Para akong si Tarzan when I arrived sa apartment ko ng Monday, around10 pm...Parang bago lahat, masyadong maliwanag 'yung mga ilaw,masyadong mahina 'yung agos ng tubig mula sa gripo at masyadong maraming semento...Nakaka-disorient pala ang sibilisasyon kapag matagal ka na sa bundok.
Lucky Thirteen ang Elvis na umakyat: Si Coach Kiko, Van, Jasper, Diwa, Cel, Cos, Louella, Aiko, Doven, Niña, Diana, Marko and I.Meron ding galing sa previous batches na ngayon lang nagpa-induct: si Gian Gianan (babaeng may pinakamalambot na kamay), si TroyLacsamana (ang papalit kay Jody Foster sa pelikulang Panic Room), siJun-Jun (kapatid ng older member na si Je, at maalat magtimpla ng giniling - although na-appreciate ko ang luto niya), at si Ram (ang lalaking nagtatanggal ng pantalon everytime magri-river crossingwhich is all the time)...Needless to say, colorful characters din ang mga nakasabay naming na-induct...Sixteen naman ang members kasama nasina Pres/TL Jessie, ATL Richie, Tailman Danny, Sir Nilo, at mga love ng Elvis na sina Jorge and Kerwin aka Irog.
Looking forward ang lahat siyempre sa Multi-Day, Major, OctoberInduction Climb na'to ng Batch Tutan2 sa tinatawag sa "Poor Man's Pulag" kasi singhirap pero 'di singmahal! Hay, naku! Parang isang road trip/adventure movie, starting slow ang story...Except sa mala-Backpacking Station sa Skills Test ang inspection sa Victory Liner(as in kelangang mong tanggalin lahat-lahat!) uneventful ang midnight trip to Zambales...Pagdating dun, may registering sa military headquarters, breakfast sa isang tindahan, stretching and start trekking na...Mamaya pa ang plot twist...
DAY 1 OCT 25 FRI
Traditional trail ang dinaanan naming matarik, mabato at halos walang shade. Siyempre mainit na mainit! Nine hours din kaming nag-trek saDante's Inferno: du'n sa Circle na pinaparusahan ang mga lakwatsero'tbulakbol (parang kaming lahat na hindi nag-work para pumunta sa clmb na'to). You will walk endlessly and every steep turn you will think andun na ang campsite only to find another steep incline. Maraminang tumirik rito na members, ha! Pati 'yung 10-year old kid na anak ng aming Manong Guide e nagsuka (although hindi dahil sa init, kundi dahil sa katakatawan - mantakin ba namang kainin ang lahat ng alukin sa kanya)...
Pero in fairness, paganda naman nang paganda ang view...Sa simula puro bato lang at talahib ang makikita mo pero sa taas pine trees na saka kapantay mo na ang clouds...Para kang nasa Camp John Hay,although hindi polluted ang hangin...Needless to say maginaw sacampsite. At ang hangin malupet! Ang tunog akala mo bumabagyo pero hangin lang na maginaw! Later on, malalaman naming ang normal Induction Climb e dalawang araw inaakyat 'yung trinek namin ng one day, tapos bababa na ulet...Pero this time, simula pa lang 'to...Simula pa lang ng DREADED DAY 2!!!
DAY 2 OCT 26 SAT (nai-imagine n'yo ba'yung tunog ng keyboards kohabang tina-type ko'yong heading na'to??? parang pelikula, no? taktak tak)
Bukod sa kakaibang hilik ni Coach Kiko nung gabi na dinig pa ni Diwa sa kabilang tent - maayos naman ang tulog naming lahat. Malamig kasi! Before breakfast in-assault na namin ang summit which begins with a steep climb sa gilid ng bundok. Tapos pumasok kami sa isang masukal na gubat - think Pinagheneralan pero drier and less matinik ang plants. Then we finally reached the summit. Meron pa ngang crater dun na supposed to be pundasyon ng isang tower, at sa loob ng crater may mga lumang drum, mga helicopter fuel daw ang dating laman noon...Ganda ng view!
Jessie made us observe three minutes of silence para raw makita namin ang perfect answer sa tanong na "bakit kayo umaakyat ng bundok?" During those three minutes in-open lang namin ang aming senses, tinanaw ang mga karatig na bundok, 'yung South China Sea sa horizon, 'yung Mt. Arayat which looks a lot likeFuji sa pictures...nilanghap ang cool breeze, ang smell ng dew sa grass...nilasahan ang wild berries...tiniis ang urge na jumerbs...Again, napaka-quaint na namang simula ito to what will become one of the - if not the most difficult part of the climb...
Ewan ko ba, pero naapektuhan yata ng altitutde ang hearing naming lahat dahil we ventured with not much trail water. On the average, mga isang litro lang ang baon namin. I had 3 1/2 pero agad namang naubos. Sabi kasi may madadaanang water source sa lunch stop namin. Parang Baguio ang binababaan namin, mga mga pine trees, grass at minsan may mga bato...tricky 'yung grass kasi minsan akala mo lupa na ang nasa ilalim niya 'yun pala patibong pa...so hindi ka ngayon maka-trek with confidence.
May tama na sa tuhod si Diwa by this time. Walang problema sa kanya ang pag-akyat pero sobrang nagga-grind ang mga buto sa tuhod niya kapag pababa ang motion niya - eh, malas na halos puro pababa! Nagka-muscle cramps na rin si Cos, si Marko lumusot ang paa sa gitna ng dalawang bato at nagalusan, si Aiko nakita kong nag-dive mula sa isang bato at lumanding nang pahiga - suwerte lang at one of the rarest soft spots ang binagsakan niya...
Bythe first rest stop after lunch, tumataas na ang halaga ng tubig! Eh, sa tumitinding sikat ng araw as we descend, lalo kaming nauuhawat komokonti ang aming water supply...By the time we reached the top of the short rock wall, wala na kaming tubig! Si Louella nga nahilu-hilo na...We were all tired and dehydrated...
Malayung-malayo pa ang plateau-ridge na tine-trek namin na paakyat-baba-akyat-baba, mabato pa at ma-congon, mabagal na kami sa dehydration, lumulubog na araw...Dumating na sa point na nakatigil na kaming lahat sa anumang lilim na meron dahil meron na raw nakarating sa campsite at babalikan kami with fresh water supply...pero it never came so we decided to go down the last ridge to the river, kung saan malapit na RAW ang campsite...Du'n kami inabot ng gabi...
GHOST STORY
Minutes bago tuluyang mag-gabi, nag-"ready headlamps" na kami. Ako ang pinauna sa grupo naming nahuhuli kasi ako ang unang may headlamp...Nasa likod ko sina Niña, Gian, Marko, Coach, etc...Sinundan ko 'yung trail pero masyadong abrupt at matataas ang drops dito kaya sumisigaw ako sa mga nakasunod sa'kin (some meters behind) kung tama ba'tong dinadaanan ko. Then may nakita akong shadowy male figure na naka-backpack na may nilikuang puno at tuluyang nawala. Sinabi ko pang, "ay! tama may nakita ako, eh." Pero hindi ko masundan 'yung direction ng figure (shet! kinikilabutan ako as I write) so parang nag-detour ako konti, pero aiming pa rin for the trail where I saw the guy...hanggang sa wala ng trail. Matagal din kaming tumigil run. Pati mga members aminadong wala ng trail. Through pito at mga sigaw, sinundo kami nina Jessie at Noelle. From where we were, kelangang umakyat sa isang matarik na rock to get to back sa trail - exactly where i saw the figure walking and disappear into the shadows...pero wala namang nauuna sa'min na ganun kalapit,eh...and up to now wala akong ma-pinpoint sa team na kawangis n'ya...I'd like to think na guarding angel 'yon, leading us to the right direction...or baka multo...
Natapos ang dry spell ng isa na namang buong araw ng trekking nang tumawid kami sa malamig na malamig na ilog (siyempre binababasa talagang sadya ang mga inductibles), konting akyat, konting lakad sa cogon at campsite na...Everyone was tired, sabik sa tubig,hungry...in a corner nakita ko pang naka-tight embrace sina Cos at Cel tapos pumunta sila sa may talahiban tapos pagbalik nila inaayus-ayos nila'ng clothes nila...ay! imagination ko na lang pala 'yun kasi i was feeling wet outside and dry inside by that time, eh...May pinasa-pasa ng gin at rum panlaban ginaw. Declared na members na rin kami that night pero kinaumagahan na lang daw ang formal rites. We were also urged to attend the socials na OK naman kasi at least nalimutan mo'yung putang inang trek na'yan...hay! nakaka-relieve sabihin - putang ina...ulitin nga natin...putang ina...umalaut
DAY 3 OCT 27 SUN
Yehey! Pauwi na kami! Last trekking day at madali na lang. Walang problema sa water source dahil katabi lang namin ang ilog na napakalinaw, napakaganda, napakalinis at malamig at manamis-namis angtubig! SARAP! Dis is Da Layf!!! Siyempre pa, earlier that morning e formally na kaming na-induct sa tinatawag ni Casper na "best and toughest mountaineering club in thePhilippines!" Proud moment talaga 'yun. Parang nabura lahat ng hirap! Sarap talaga! We share that moment with all the other Elvis na hinihintay na lang naming magpa-induct! At kinomend pa nila ang ating unity as a batch, at ang ating tatag na nakayanan daw namin ang kakaibang induction climb na'to! MABUHAY ANG UP MOUNTAINEERS!
Nung lunch stop may "Swimming Across the River, Against the CurrentChallenge." Wala lang, we can afford not to conserve our energies dahil yakang-yaka na lang 'to...Every rest stop is almost always a bath stop as well...Ganun ka-leisurely...Pero that is not to say na wala siyang challenge. Meron ding mga river crossing at kataku-takot na mga rock climbing na mate-test talaga ang agility mo at galing mong magmaka-Spiderman sa pagdikit sa surfaces...By this time pati si Sir Nilo nagka-injury na rin. Dun na lang sa last part talagang nawalan ako ng power.
May hulinghagos from the river trail. Sobrang tarik. Simula pa lang may mataas na bato na tumapak na kami sa likod ni Danny para lang maakyat namin...Tapos sobra na nga niyang tarik, exceptionally matatalim pa'yung mga cogon. At ang mga bato, loose! Kahit 'yung malalaking akala mo matibay na planted sa lupa e bigla na lang guguho! Sa may bandang taas nga e biglang nagsisisigaw itong si Rowan na nauuna sa'kin! May natapakan pala siyang malaking bato na gumulong at tatama sa'kin. Buti na lang nag-detour bago pa lumapit sa mukha ko...Sa pag-aakyat ng matarik na bundok na'to inabot na naman kami ng yet another sunset...
Pero tuloy pa rin ang pag-climb dahil 'pag na-reach mo na'yung top, matarik na pababa naman ang sasalubong sa'yo. ThankGod for bamboo dahil siya ang naging lifesaver naming kapitan. Bahala nang hindi mo makita ang tinatapakan mo sa dilim basta nakakapit ka sa mga kawayan, OK na! Dito rin lumabas ang pagiging paranoid ni Troy. Palibhasa kasi nawalang mag-isa the previous night kaya ngayon e sigaw nang sigaw to make sure na meron siyang sinusundan. Kanya-kanya naman kaming alalayan at pep talk sa pagte-trek sa dilim...Tutal malapit na lang at uuwi na kami e...Finally, we reached the river trail sa kabila! Yahoo! But then, some four hourspa pala before we reach town...Ma-e-extend ng isang araw ang climb...
Bivouac and drama ng karamihan. Kanya-kanyang hanap ng puwesto sabatuhan. Doon na lang magpapalipas ng gabi. Nakahubad na lang akong humiga sa bato at jacket na lang ang kumot. Ayoko ng maglabas ngearth pad at makapal na kumot kasi mabilisan lang the next day...Ang usapang 530 lalarga na! Once in a while lumiliwanag 'yung sky sa kidlat...We all said silent prayers na sana hindi na lang umulan...'Yun na lang ang ayaw naming ma-experience sa climb na'to na biruan ng mga older members (take note members na rin kami by this time) na andito na lahat-lahat, may explo, may rescue, may rockclimbing, river crossing, river trekking, etc etc etc...
DAY 4 OCT 28 MON
Eto talaga last day na'to...sana...Buti na lang pala we decided to spend the night kasi kung tinuloy pa namin 'to that night, eh, mas mahirap. Instead of four hours as estimated ni Jessie last night, some six hours pa kaming nag-trek.Plus 'di yata biro ang mag-river trekking nang ang tingin mo sa river e isang itim na flat surface na hindi mo alam kung gaano kalalim at kung ano ang surprises sa baba, 'di ba? At least nung umaga, na-a-appreciate mo'yung ganda ng ilog, nakikita mo'yung rock formations...Bawi-bawi pa rin ang pagod mo sa view kumbaga. May mgawaterfalls pa...Nakakanta pa kami while trekking...Pero the fact remains na four days at four nights kaming magkakasama.
Tama si, Cel, talagang test of camaraderie and love ang climb na'to...Well, at least now I can proudly say I've been there,I've done that and, yes, I'm definitely doing it again!

Comments:
<< Home
Very cool design! Useful information. Go on! Hardcore party night club Vw jetta transmission valve body harness http://www.radar-detector-comparison-1.info/Vwvanforsalewastate.html las vegas toyota car dealer
Post a Comment
<< Home