Tuesday, May 31, 2005

 

Climbing PINAGHENERALAN, Mt. Banahaw, Quezon

first posted this sa egroups naming magkaka-batch sa up mountaineers (batch 2002, batchname: tutan-2). this is about my level 2 climb (24-25 aug 2002) when i was still an applicant. when i wrote this, this was just my second climb in my entire life...

One word describes it: PUTANG INAAAAAHHHH!!!

OK, sige, hindi siya one word. Eh, hindi rin naman Level 2 'yungPinagheralan, eh. Biro nga ng mga members na kasama namin, Level 2.5siya! "Walang dudang Level 2!" "Solid Level 2" ang iba pang tawag nila...Du'n talagang nawala ang duda ko na ito totoo 'yung sinabi niJesse Go na "one of the more difficult Level 2 mountains" nung Pre-climb. Napansin ko kasi na 'yung certified healthy and fit sa batch ay nasaDaguldol (Van, H, Jody, basta 'yung mga 'di tulad kong malakas langkumain). So inisip ko baka psychological tactic 'to ng UPM. Ilalagay nila 'yung medyo mababagal ang run sa Pinagheralan tapos sasabihin sa kanilang mahirap 'yun when in fact madali lang para magkaroon kami ng confidence na shet nakaya ko'yung bundok! 'YUN PALA TOTOO!

Ang Pinagheneralan ang bundok na hindi tinatamaan ng sikat ng araw kaya laging basa - o, worse, maputik - ang trail. At ang mga puno't halaman sabi nga ni Aries, ANG SUSUNGIT! Puro tinik ang trunk, stem pati dahon...pati dahon na lanta na sa lupa matinik! At siyempre with their thorns and all dun pa sila sa gilid-gilid ng trail nagsitubo!In fairness, meron namang mga ilan na hindi matinik, pero nakaharang naman sila! So hindi ka lang magte-trek, tatalon ka, hahakbang at gagapang sa ilalim ng kuwebang gawa sa bumagsak na punong tinubuan nang maraming vines... I tell you, masusubok ang pagka-wais ni Lumen samga nasagap naming mantsa!

Interesting din ang wildlife, merong maiingay na cicada na sabi ni Rea, isang member na kasama namin, eh, mating call daw ng mga guys! Malilibog na mga crickets 'yan! Meron ding milipedes at ang the best- mga langgam na crossbreed ng red and black dahil red & black silaat malalaki...Nung nakagat ako hindi siya makati kasi masakit siya!Plus wag kakalimutan ang ever-faithful limatik na nag-iwan ng mini-hickey sa'king hita...MGA PUT--!!! Hindi pala, Leave No Trace Principle No. 3: Respect Wildlife... Mr. Red-Black Ant and MissLimatik (babae 'yung sumisipsip siyempre hehe), sori at haharang-harang ako sa daan n'yo kaya ayan tuloy pinapak n'yo ako. It's all my fault, really.

Sumakay ka ng bus sa Cubao, 'yung ordinary lang at kakarag-karag. Ako naman magsisimulang umakyat ng Pinagheneralan. Pagdating ng bus mo sa Baguio, kararating-rating ko rin lang sa campsite...Kasi naman ang trail walang-katapus ang pataas bihira na lang sa mga steep descent papunta sa isang mabatong ilog (thank God minus the water) - dito nga nadali si Kris Lacaba: dumulas sa bato, natukod ang kamay, ayun sa awa ng Diyos dislocated ang right thumb niya...At ang pamatay...'yung"isang bangin na lang, isang bangin na lang tapos asa campsite na tayo."

Siyempre after 7 hours of trekking along ang trail na isang hakbang lang e bangin na, hindi na'ko nabahal sa words na'yon ni TLDanny. Pero SHIT! BANGIN LANG TALAGA! WALANG TRAIL! Mag-iimbento kang tatapakan mo tapos wish mo na lang na'yung pagkapayat-payat na ugat na hinahawakan mo eh kaya ang body weight plus 'yung dala mong pack na simbigat ng sanggol! I swear!

Take note na I refrained from using hyperboles as much as possible kasi ayokong ma-diminish 'yung credibility ng review na'to, plus ayokong maging personal account lang 'to (dahil, in fairness, hindi lang ako ang nahirapan; at hindi ako nahirapan dahil mahina-hina ako compared to most of you - pati mga fit nasubok ang pagka-fit sa climb na'to!)...Anyway, back to the bangin.

Siya talaga 'yung totoong bangin na nakadikit ka kung saan at sa dulo e sobra nang tarik bumaba na lang kami by rope! Sa climb na'to narinig ko ang mga pabiro pero may bahid ng katotohanang comments tulad ng "Sa dinami-rami naman ng puwedenggawin, oo! (Rea)" "Masaya naman ako sa buhay ko noon, kung bakit koba naman ginagawa 'to! (Rebu)" "Kung kelan ako tumanda, may trabaho na'ko saka ko pa naisipang sumali-sali sa UPM (Aries)" "Ang laki ng suso ni Maui Taylor! (Rodel Velayo)" OK! OK! Hindi na kasali 'yung last na comment...

Pagbaba was just a bit easier. Umulan ng siopao! Let me explain:for everytime madulas ang aplikante, sinasabing may siopao ang members. Aba! Lauriat ang naihain namin sa kanila sa dulas, sukal attarik ng trail. Kasi naman umulan pa nang pagkalakas-lakas (to think malamig na nga sa bundok) at ang kulog parang sa tabi mo lang nanggagaling! Umaga hanggang hapon din kami nag-trek pababa (halos kasintagal din ng ascent!)

In the end, naisip ko rin na baka mabuti na rin na as a less experienced climber e sa Pinagheneralan ako napunta, para kahit papaano makahabul-habol sa physical fitness level ng talagang bihasang co-apps ko...plus it gives me a certain sense of achievement and invincibility...Parang kaya kong pigilan ang tren kung humarang ako sa riles! Hmmm...Ma-try nga'yon!

Comments:
I have been looking for sites like this for a long time. Thank you! » » »
 
Great! This content is innovative, there are a lot of new concept,it gives me creativity.I think I will also motivated by you and think about more thoughts.miami office cubicles
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?