Tuesday, May 31, 2005

 

If I Ain't Got You HALCON

Wrote this Oct 2004:

Every account of a climb up Mt. Halcon would always read like an adventure story. This is the adventure of the latest UPM expedition to one of the most difficult Level 4 mountains in the country.

THE HISTORIC CLIMB. This is the first regular Induction in Mt. Halcon. Ten inductees and eleven members made up the team led by president Sinag. Sa kabila ng pagdududa at objection ng older members sa climb na’to, tuloy pa rin. Personally, hindi ko na masyadong dinibdib ang mga ‘yon. Naghanda na lang ako by shunning beer and running regularly. A month before pa lang nagpaalam na’ko sa work at nag-text na rin ako kay Niko ng aking intention to join the climb. Excited ako pero I must admit the days before the climb e ninenerbiyos na rin ako. I was agitated and apprehensive nang hindi ko alam kung bakit. Basta lang. Hindi rin nakatulong maka-appease ang warnings ni Batman nu’ng pre-climb na mahirap nga ang pag-akyat sa Mt. Halcon. Pero sa isip ko, how bad could it be? Kasama ko si Ironman finisher Sinag, si Kerwin na legendary ang one-day-up-Halcon at iba pang harcors na nakatungtong na at least once sa Halcon.

ADVANCE PARTEE! Bukod sa mismong Halcon, isa pang dapat paghandaan ng team ang HALMS na tradisyunal nang nilalaseng ang UPM bago umakyat. Kaya ang brilliant idea was to send an advance party na siyang makikipagtagayan sa kanila para hindi naman lahat e senglot na aakyat. Si ERC Head Niko, si Kerwin, si Roldan at Jake ang ilang members ng team ang nag-volunteer sa noble task na’to. Hindi pa talaga nakukuwento sa’min ang full details ng pangyayaring ito pero muntink pang hindi matuloy ang pag-akyat sa Halcon dahil meron daw military operations na nagaganap kaya ayaw mag-grant ng permission to the climb. Pati si Boboy napadayong Mindoro para lang maki-PR sa HALMS at tumulong sa pag-aayos ng permits. Basta ang tapos ng istorya napayagan din finally umakyat ang UPM at hilo na ang Advance Party. 7am dapat nila masusundo ang mga inductees at iba pang members sa Pier ng Calapan pero dahil sa kalasingan eh 9:30 na sila nakarating.

IF I AIN’T GOT YOU, HALCON. 12:30 nagsimula ang trek mula sa Lantuyan. We were on our way up a mountain na tila maraming forces na humahadlang sa’min para makarating kami ru’n nang maluwalhati. Sa bus pa lang minalas na’ko nang upuan nang babaeng pulubi ang bag ko at nag-iwan ng napakabahong amoy (amoy asong galising nabasa ng ulan) na hindi maalis-alis kahit anong pahid ko ng alkohol, cologne at gawgaw! ‘Yung Supercat medyo na-delay kasi nasiraan sa laot. ‘Yung jeep na inarkila pansamantala ring tumirik. Pero walang technical difficulties, military blockage at taong-grasa odor ang makapipigil sa’min. Naaliw na rin kami ng paulit-ulit na tanong ni Kerwin ng “Are we there yet?” at ang mga anecdotes nina Van, Casper, Jake, Sinag at Shempie-Shemps sa kanilang Halcon climb nu’ng summer. Nariyan rin ang pag-awit ng Halcon Diva na si Alpha ng “Some people want it all but I want nothing all if I ain’t got you, Halcon! If I ain’t got you, Halcon!”

LIMATIK. Bale simula pa lang way behind the IT na kami pero tuloy lang ang team. The terrain reminds me of Pinagheneralan – matarik, masukal, damp. Pagpasok namin sa forest nagsimula na rin ang aming encounters sa limatik. Iba’t ibang remedies ang trinay namin. Nariyan ang makasunog-balat na Oil of Winter Green na sa kabila ng panghahapdi ng balat mo eh hindi naman deterrent para kapitan ka ng mga limatik. Gawin mo na lang siyang parang alcohol na i-i-spray mo sa nakakapit na limatik para kusa itong maalis. Kasi kapag pinilit mo, magdudugo lang nang magududugo dahil sa anti-coagulant daw. Walang parte ng katawan silang sinasanto. Easy target ang binti, mahirap kapag sa mga parteng natatakpan ng medyas at hiking shoes. Sumisipsip din sila sa braso, sa balikat, sa leeg, sa mukha, sa anit. Ako talaga kapag nakakakita ako nagfi-freak out ako! Nagsisisigaw, nagwawala, naglu-look-away kasi hindi ko makayanang makita ang nagdurugo kong body part o ang mataba nang limatik. Si Niko o kaya si Casper ang nag-aalis for me. Sabi ng mga nakapag-Halcon na dati suwerte pa raw kami kasi hindi ganu’n karami ang limatik ngayon pero just the same, wanmilyontik pa rin ang dapat na bagong pangalan ng mga blood-suckers na’to!

KUNG MAWAWALA KA. From a rest stop, sinundan namin ni Van (ang aking batchmae na kasama ring umakyat ng Halcon nu’ng summer) si Casper. Nauna si Casper hanggang sa maabot niya ang nauunang team pero go lang kami ni Van following the trail. Hanggang sa makarating kami sa fork. This was after some 40 minutes of hiking. Sabi ni Van alam niya laging right ang trail. Sabi ko naman I have a good feeling sa left trail. Walang trail signs so we decided to wait for the next group kasi andu’n si Sinag. “Sinag! Sinag!” Walang sumasagot mula sa likod. “Casper! Crom!” Wala ring sumasagot sa harapan. We decided to check out the left trail. Ala pa rin. Kaya sabi namin mag-backtrack na lang kami. Naiwan ako sa fork, si Van na lang ang bumalik (matapos naming mag-piktsuran para ma-capture ‘yung moment na nawawala kami). Ang tagal din niyang nawala; tinatawag ko na siya hindi na siya sumasagot. Finally nakabalik siya. Meron nga raw kaming na-miss na fork! Balik kami. Ang layo! True enough mali nga ang nalikuan namin – at by that time e hinahanap na rin kami ng team. Takang-taka kami ni Van kung paano namin mami-miss ‘yung trail when it was a clear, wide path samantalang ‘yung nilikuan naming eh, madilim at masukal (kahit pa may trail). Maniwala kayo’t hindi, never akong nangamba nu’n kahit nu’ng feeling na nga naming nawawala kami. Pero after nu’n, ayaw ko nang sumunod kay Van sa trail.

Du’n na kami nag-camp sa isang paahon between two water sources. It was some two hours from Aplaya, ang target na camp one on day one.

RAINY DAYS AND FRIDAYS. Para makabalik ulit sa original IT, gumising kami before sunrise. Nag-breakfast at nakaalis ng camp by 6:30am. Shortly after we started out, bumuhos na ang ulan pero OK lang. We were on our way to the summit and no rain is gonna stop us. We reached Dalungan River by 10:30am at du’n na kami nag-early lunch stop. Du’n na rin tumindi ang pagbuhos ng ulan. As in! We were cold, wet and tired. On top of that, medyo hinaypo na si Sinag sa kaka-swimming sa mga ilog. We figured we won’t be able to reach the summit in this weather, or at least, it won’t be prudent to risk it. Puwede kaming mag-push to Balugbog-Baboy and set up camp there pero masyado raw exposed ang campsite na’yon kaya sa may ilog na lang kami nag-settle. Du’n na namin ginawa ang Induction Rites sa ilog, with all the male inductees completely naked hehehe. It never stopped raining hanggang sa matutulog na lang kami ulan lang nang ulan nang ulan at ang ginaw-ginaw-ginaw.

Ang bundok, parang babae, mahirap tantsahin. Ganu’n di sin Ana Marie Halcon, gustuhin at pagtiyagaan man namin. kung ayaw niya, ayaw talaga. At dahil Halloween, puwede nating isipin na umulan nang umulan nu’ng araw na aabutin sana namin ang summit dahil ‘yun daw mismo ang 10th death anniversary ni Neptali Lazaro, ang taong namatay sa may summit ridge. Pinigilan lang niya muna kami. (Fade in Twilight Zone theme)

THE ASSAULT. Usually kapag sinabing assault, andu’n ka na lang malapit sa summit. Pero kakaiba ang sitwasyon namin. Marami na rin ang nadala sa miserableng araw kahapon, at dahil umuulan-ulan pa nu’ng umaga, konti na lang kaming older members ang nag-decide na abutin ang summit. Ang mga newly inducted members hindi puwedeng magpaiwan, s’yempre. Si Nards sumama sa taas. Si Casper, Alpha at ako, ngayon pa lang mararating ang Halcon. Inisip namin na nagpakahirap na rin lang kami for the past two days, hindi na namin palalampasin ang chance na’to para marating ang summit ng iginagalang na Mt. Halcon. Game naman ang mga new members. Si Adamey nga naka-Winnie the Pooh poncho pa.

Pero hindi namin kinailangan ng raingear dahil ngumiti ang langit sa’min. The weather is fine, kaya na-encourage sina Jake, Roldan at Shemps na sumunod. Kahit walang ulan, mahirap pa rin talaga ang pag-akyat sa Halcon. Mahaba. Matarik. Masukal. ‘Di bale na ang limatik. Kung nu’ng first day nagfi-freak out ako ngayon deadma na’ko dahil hindi naman masakit ang kagat ng limatik eh. ‘Wag mo na lang pansinin mabuti pa. Paakyat lang kami nang paakyat hanggang sa rest stop e na-realize naming nadaanan na pala namin ang last water source (na wala nang sign na “Last Water Source” as we expected). Pero habang pataas ka nang pataaas, lalong nagiging mas mailap ang Halcon. Pag-break ng forest cover, merong isang wall that’s dripping springwater kaya mossy at madulas pero eto ang kelangan mong tawirin bouldering-style para makarating sa kabila.
Pagkatapos nu’n naandu’n ka na sa Bonsai Forest, some one kilometer na lang siguro from the summit. Dito nagsimula na’kong malula kasi above the clouds ka na at knife ridge na ang dinadaanan mo pero ang gaganda ng mga bulaklak ng bonsai! May konting forest ka na lang dadaanan tapos tuluy-tuloy ka na sa ridge to the summit! The view is literally heavenly! (Although hindi ko masyado pinapansin kasi nga nalulula ako sa both sides ng bangin kaya tinatakpan ko ang sides ng mata ko habang nagte-trek. Para akong naka-tapa de ojo ng kabayo).

Ang last stage to the last ridge to the summit ay isang 4-step ladder para maakyat mo ang isa na namang wall. Since I mentioned na nakalulula na ang view at this point, sobra na’kong kinakabahan just looking at the ladder. At hindi nakakatulong na specially designed ang wooden improvised ladder na’to to look like it won’t carry your weight. Konting sanga-sanga d’yan at ala-alambre, ladder na raw! Puta!

THE SUMMIT. After three days, including one day of constant bitter-cold rain, and six hours of assault, narating na rin namin ang summit. Considering all that we’ve been through, the “summiteers” celebrated big-time sa tuktok. Binuksan talaga namin mga senses namin para manamnam ang kagandahan ni Ana Marie Halcon! Hindi lahat nakakarating dito (kung pagbabasihan namin ang marker where Neptali Lazaro passed away, a few meters from the summit), sinamantala na namin ang ganda ng panahon, ang magandang view ng ulap, kagubatan, at siyempre ang chance na ma-replicate ang pose ni Niko na parang nagte-take-off sa isang nakausling bato sa may gilid ng summit. ‘Yung photo na’yon ni Niko e parang picture ng mga tao sa Leaning Tower of Pisa na blocked to look like sila ang sumusuporta sa tabinging tore…classic na siya na gugustuhin mo siyang gayahin.

DOWN FROM HALCON. After a few minutes, bumaba na rin kami. We estimated na around 6pm pa kami makakarating ng Dalungan. Sa may ridge naabutan na namin sina Roldan at Shemps na paspas na sumunod sa’min. Kasama nila si Jake pero nag-cramps na sa may bonsai forest. Alpha decided to stay with Jake there, and wait for Shemps and Roldan to come down.

From the tail kami ni Ian (ang batch head na na-induct though batch head namin siya nu’ng 2002 nu’ng natigok siya). Naabutan namin ang dalawa pang bagong inducted na si Paul (teacher sa Ateneo) at si Richard. Mabagal na ang lakad ni Richard at biglang nawala si Paul. Nag-alala kami kasi baka kung ano na’ng nangyari sa kanya. So we decided to surge ahead to find out if he’s joined the lead group, o kung nalaglag na siya sa kung anong bangin tulad ng nangyari kay Dennis nu’ng paakyat kami, kay Van nu’ng first day (na may kasamang somersault pa) at kay Niko na buti’y nakakapit sa mga sanga bago tuluyang nahulog. Sobra kong paspas na naiwanan ko na sina Ian at Richard. Pero hindi ko makita si Paul at ang lead group. Nag-iisa na lang ako.

SOLO NIGHT TREK. May mga times na sumisigaw ako for Ian and for Paul pero wala na’kong response na nakukuha. Pero I figured at the rate I’m going I’m gonna catch up with the lead group anyway so I just moved on. Considerably maayos naman ang trail signs sa Halcon. Helpful din ang mag-amang Mangyan at isa pang mamang Mangyan. Just their presence comforts me na I’m not entirely alone naman. Ang dinadasal ko na lang eh kasama na talaga si Paul sa lead group, at maabutan ko rin sila bago magdilim.

Shortly after crossing the major waterfall, nilubugan na’ko ng araw. Shet! Tuloy ka lang, ang sabi ko. Kapag tumigil ako baka ma-hypo lang ako, eh. Paminsan-minsan, sa dilim may makikita kang glowing orange tape na trail sign! Thank God! Pero sa forest mga 2 meters ahead pitch black na talaga. Hindi naman ako praning sa ilaw ko kasi may extra batteries ako. Meron din akong water at raingear. Pagkain ang wala. Ganu’n pala ‘yung feeling. Takot ka pero hindi ko ina-allow na’yun ang maghari kasi baka kung ano’ng mangyari sa’kin. Lahat na ng motivation sa sarili ko ginawa ko na. “Rey, kaya mo’to.” “Rey, konti na lang.” “You have the heart of a winner. Hindi ka mamamatay rito.” Yes, ganu’ng level na ang naiisip ko. Isang word talaga ang nagpapatakot sa’kin: Maja-as.

After some two hours of trekking through the forest umabot ako sa Balugbog Baboy. Inisip ko clearing naman ‘to, so kapag nag-helicopter search, madali akong makikita. Sumigaw-sigaw ulit ako hoping for an answer pero wala talagang sumasagot. I decided I’m lucky to have found Balugbog-Baboy in the first place (kasi nakakapraning na baka mali na’yung trail na sinusundan ko considering nawala na nga’ko nu’ng first day). Ayoko nang i-risk sumuong sa gubat ulit. Lalo pa’t stars na talaga ang nasa langit. Nag-accounting ako ng mga gamit ko, nag-jacket at humiga. Bukas naman siguro mas madali nang bumalik… After five minutes, ang ginaw-ginaw na. Magkaka-hypo ako rito kapag hindi ako gumalaw. I think it was at this point na nagdasal ako sa Diyos talaga. Sabi ko, Lord, makarating lang po ako sa campsite, magsisimba ako every Sunday. Then pumasok na’ko sa forest with newfound strength and confidence (After all, from Dalungan to Balubog less than hour pataas kami kanina, eh).

WUH! Sabi nila luminous raw ang moss sa Halcon na kung patayin mo ang headlamp mo, lilitaw ang trail. Never kong in-attempt patayin ang headlamp ko so hindi ko’to na-experience. I was just following the trail. May mga spots na maraming trail signs, meron namang mga times na magdudududa ka na talaga kasi wala na halos trail signs. Ako gut feel at Diyos na lang ang basehan ko minsan. May mga few wrong turns ako pero nari-realize ko naman agad kasi iba na’yung feel ng lupa – mas malambot siya compared sa compacted feel ng trail. Everytime makakarinig ako ng water source, dinadasal ko na sana ‘yun na’yung Dalungan. And everytime na hindi, nanlulumo ako pero wala akong magagawa but to move ahead. Tuwing may iniiwanan akong water source, I wonder where the next one is kasi I figured if I don’t get out of the forest real soon at least mag-stay ako malapit sa inumin. After trekking some more and more and more – pagod na’ko pero takot akong tumigil. Nahuhulug-hulog na rin ako sa mga bato o sanga na ‘di ko makita. Each time I exclaim, “Thank you, Lord.” kasi it could have been worse, ‘di ba? When I wasn’t expecting it, I reached the familiar part of Dalungan River. I found it! And from across the river may nakita akong headlamp. Ang feeling ko they’ve come to look for me already. Sumigaw ako, “Wuh!” Someone shouted back, “Wuh!” Shet! I’m really back. Umupo ako sa boulder sa may ilog at umiyak.

THERE’S NO PLACE LIKE HOME. Hindi rescue group ang nakita ko. That was the group na was just ahead of me. And Paul was with them. Interestingly, they were really just a few minutes ahead pero never ko silang narinig while I was trekking, hindi rin nila naririnig ang mga sigaw ko. And hindi ko sila naabut-abutan kahit na ambagal ng galaw nila kasi konti lang sa kanila ang may headlamps. Weird. Nang na-meet nga nila ako, ang tanong agad nila, “Kumusta si Richard?” At naiyak ako. Just happy to see a familiar face. Tinanong ko kung anong oras na. Seven daw. I was alone in the woods for some three hours, around one hour at night.

Nakarating din kami ng campsite nang maluwalhati. Jake, Shemps, Roldan and Alpha caught up with Ian and Richard at nakarating na rin sila a few minutes after. Talagang nilasap ko ang alkohol at tsibug nu’ng socials sa riverbank. It’s nice to be alive!

THE HARDER YOU CLIMB, THE HARDER YOU GO DOWN. Sabi nga ni Batman singhirap din ng pag-akyat ng Halcon ang pagbaba. At awa ng Diyos, tama siya. Eight hours na nakakabaliw na pagbaba as in! Natatapilok-tapilok na’ko. May tama na rin tuhod ni Roldan! Nakakabuwang pala ‘yung ganu’n. Pero nakababa na rin kami. Duguan ang ilang kuko naming sa paa at duguan ang mga ankles naming sa mga kagat ng limatik.

Dugo, pawis at luha talaga ang puhunan sa Halcon.
_________________

After stopping sometime in college, magsisimba na’ko every Sunday. Nag-promise ako, eh. One week after this fateful climb, another climber, Prana Escalante of the UST Mountaineers, got lost in Halcon. Her body was recovered a week after.

Comments:
Huwaw ang hirap ng dinanas mo sa halcon! kelan kya ako babalik duon? balita ko kasi, magastos na daw, madaming fee na binabayaran. Nag climb ako dun 2001, pagkatapos na pagkatpos ng graduation. isang pasakit na regalo sa aking sarili at katawan. hehhehe pero sinulit namin 3 ang pagbisita duon, kasi nag extend kming isa pang araw sa summit para sulit at pahinga sa itaas! sakto IT, pasakit paakayat sa daming dalang tubig. Kada hakbang ko, struggle talaga sa tarik at bigat ng pack ko. naiisip konuon yun mga nag c-climb sa death zone. hehehe kunwari di rin ako makahinga sa bagal kada hakbang! hehhehe
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?