Tuesday, May 31, 2005
MY FIRST ENDURO
wrote this aug 2004 after i raced in the enduro san mig light adventure race.
1. Big Mac, Fries, Spaghetti, Tatlong KFC Original Recipe, at isang Rice. ‘Yan ang nilamon ko after ten grueling hours of racing sa aking first Enduro. And to think nu’ng nag-register ‘yung team namin, kino-convince kami ng organizer na mag-Elite kasi raw baka ma-bore lang kami sa Fun. Fun? FUN?!? Is this your idea of Fun??? Fakshet!
2. Friday night before the race kaya hindi ako naka-hindi sa gimik (isang birthday, at isang despedida) kaya halos dalawang oras lang ang tulog ko. Pagkagising bike agad sa bahay ng teammate kong si JJ kung saan naki-sleepover na rin si Ina. Alalang-alala pa’ko kasi walang lumalabas sa hydration pack ko! ‘Yun pala, wala pang butas ‘yung tube (hehe bago kasi).
3. Six-thirty pa lang andun na kami sa Eastwood, kasama ng iba pa naming baliw na kaibigang naghahanap ng sakit ng katawan. Eto ngang si Hannah ni hindi nagpa-tune-up ng bike: dumating na flat ang bike at nawawala ang turnilyong nagkakabit ng gears sa frame. Ang galeng, ‘di ba? Pero nasulusyunan din. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nasulusyunan ‘yung pagka-late ng host. Sabi siya raw ang dahilan kung bakit hindi nakapag-start on time. D’yos ko! Nag-announce-announce lang naman siya ng mga bagay-bagay na alam na namin at nag-lead ng time synchronization in a trained-sa-call-center twang, sana naghatak na lang sila ng mga nagtatrabahong fresh grad sa Eastwood, noh! O kaya si Illac (or as the host referred to him, “Mr. Diaz”).
4. Choose a short team name. ‘Yan ang mai-advise ko sa mga first time racers. First time kasi naming mag-race as a team, although si Ina nakapag-Puerto Carrera na, ako ka-team ko dati ang nasirang Halina Perez sa Extra Challenge Rizal Adventure Race. Eh, since pare-pareho kaming nagda-Dragonboat, pinili naming tawagin ang sarili naming “Load Pa’Yan!” (a dragonboat race command which means “Mga bakla, natatalo na tayo, lakasan n’yo ang pagsagwan kaya! Try n’yo lang!”) Sa una maganda siyang battlecry pero kapag nagmamadali ka, mahaba-haba siyang sulatin sa passport, at i-log ng mga marshals kasi pinapaulit pa nila lagi pangalan namin. Hay! Sana nga we opted for O.A.A (for Ocampo, Agapay, Aquino) and pronounced Oh-Ey-Ha (emphasis on the second syllable) kaso nakornihan kami kasi parang high school barkada na initials namin! Yuck! So ano ang best team name? Next time Team X na kami. Astig pa. O kaya Team ! O, ‘di ba! Exclamation point lang, simpleng isulat pero ang lakas ng impact! Intimidating! Shet!
5. Ang maganda raw sa non-sequential thing is makikita talaga ‘yung kanya-kanyang diskarte ng mga teams. Everybody has a chance. Parang marathong na iba-iba ang ruta n’yo, kapag may nakasalubong ka, hindi mo alam kung leading ka o nangungulelat. Smile ka na lang para kunwari friendly ka pero sa utak mo (hehe mukhang pagod na’tong mga ‘to, kami nakakailang control points na!) Ang naririnig ko lang namang major setbacks na na-e-encounter ng mga teams e ‘yung layo ng mga control points! Pero ‘yun nga ang point ng adventure race, ‘di ba: sakit ng katawan! Ang hirap nga lang sa non-sequential racecourse mahirap siyang i-test run…kaya walang nakakumpleto sa mga stations.
6. Clue: “At the END of the rainbow, there is a pot of gold.” Ang naka-all caps END. So ang pinag-isipan namin kung North Av o Taft Station ang tinutukoy. Buti nakita ni Ina na sa instructions, we’ll ride the LRT 2 then the MRT then the LRT 1. So Taft kami. Ngayon kung naka-all caps e RAINBOW then puwede ngang GMA station ‘to. Pero hindi rin, eh. Puso na ang logo ng GMA ngayon, kaya nga Kapuso eh. :) (smiley ‘yan para walang mapikon. Hmmm…puwedeng team name ang :)
7. Pero ‘yung Centerpoint Station, na nakalagay “Location: Araneta Station.” Pinagtalunan namin kung Araneta Center o Araneta Avenue. Walang nakaisip sa’min na SM Centerpoint. :< (eto rin puwedeng team name) Que ano pang istasyon ang sinakyan natin, isa lang ang totoo, finu-fumigate pa rin nila ang train systems ng MRT at LRT dahil sa kaanghitang pinasabog natin du’n!
8. Kung kelan tatapusin na lang naming ‘yung race saka pa nagpatung-patong ang mga setbacks. Parang pelikula! On our way to the last station, nabundol si JJ ng maroon FX na kolorum! UTC 716 ang plate number! Kaya kung may makita kayong FX na biyaheng Pasig-Crossing sa ganu’ng description, pakibato na lang for us! Sa susunod i-a-attach ko’yung picture ng sasakyan para alam n’yo kung ano’ng babatuhin n’yo. (Or puwede ring i-attach ko na lang ang picture ng oto ng host para ‘yun na lang targetin natin. Adventure Racers, Unite!)
9. Simula pa lang tinamaan na ng cramps sa hita at binti si JJ pero kinaya niya. (Yep, siya rin ‘yung binundol ng FX). Cute ‘to kaya sa mga gustong mag-aruga sa kanya, email n’yo lang ako for his cellphone number. We reached the Finish Line from the last station, past 8PM na. Dalawang stations, Intramuros and Fort Bonifacio, ang hindi namin nagawa. At nakapag-Last Station pa kami. Sa Eastwood, nagsisimula na ang party kaso nga lang umulan. Parang pelikula ulit. Umulan sa ending! (although ang pinagdarasal nating lahat e umulan habang init na init tayong nagbaba-bike-bike sa Kalakhang Maynila!)
10. Sabi ko talaga pagkatapos na hinding-hindi ko na gagawin ‘to. Pero ngayong nakapagpahinga na’ko, nakakain na nang sobra-sobra (post-race carbo loading hehe) at nakita kong ang ganda-ganda ng tan ko, napapa-reconsider ako. Malay n’yo magkita-kita tayo sa susunod na adventure race d’yan. Basta ba may libreng beer pagkatapos, saka hindi na ulit male-late ang host.