Tuesday, May 31, 2005

 

TINAMAAN NG KIDLAT

subok sa fiction writing. inspired by the up dragonboat team nang nagte-train kami nu'ng friday at kumikidlat-kidlat.


TINAMAAN NG KIDLAT


Tahimik na nagbanlaw ang team matapos ang training. Hindi tulad ng dati na kahit laspag na ang katawan sa matinding ensayo ay nakukuha pa rin ng bawat isa na makipagbiruan at makipagharutan. Karamihan ng Men’s nagkukumpulan sa may pangalawang cubicle sa taas. Hinahayaan lang nilang rumaragasa ang tubig mula sa gripong ‘di na mapigilan ang pag-uwas ng tubig. (Dahil na rin inalis ang pihitan nito kaya mahirap isara, lalo pa ngayong madulas na’ng mga kamay nila sa pagsasabon).

Si Christel tahimik lang na nagsasabon sa may labas ng cubicle. Sumenyas lang si Rey at agad naman niyang inabot ang Safeguard dito. Sunod namang tahimik na nagsabon ng kilikili si Rey. Halos lahat may sariling mundo talaga. Si Danny at si August hindi na nga hinusto ang pagbabanlaw, eh. Nagpalit lang yata tapos kinalagan na ang pagkakakadena ng mga bike nila. Ni wala nang goodbye-goodbye.

Sa baba, parang mga tulalang gaga rin ang mga Women’s sa kanilang pagbibihis. Ang kaninang usapan ng dinner sa bangka eh parang hindi na fina-follow-up ngayon. Parang gusto na lang nilang lahat magsarili. Basta ibang klase ‘tong training na’to. Never pa nilang na-experience ang ganito.

Nagkasama-sama pa rin sa kotse ang mga usual na nakikisabay. Si Ainee kay Jiddu. Si Beck kay Micko. Si Claire kay Monica. Parang automatic na naman ang carpool assignment na’to kaya hindi na masyado kinailangan ng pangungusap. Basta ang sasabay, sumakay na lang sa kotse. Tapos larga na agad.

Bandang Sta. Lucia, wala nang sakay si Monica. At bigla siyang natauhan sa mga pangyayari. Pero hindi siya sure kung nangyari nga ba talaga. Shet! Totoo ba’yon? Hindi niya alam. Sa sasakyan may mga pagkakataon na gusto niyang i-bring-up ‘yung topic pero pinpigilan lang niya ang sarili niya kasi natatakot siya sa magiging sagot. May mga times din na nahuhuli niyang tulalang nakadungaw sa bintana si Claire. Natatawa pa nga siya nu’ng una kasi naalala n’ya nu’ng sa Tagaytay na hinaluan ng jutes ang pasta ni Claire at nabangag ‘to. Pero ngayon alam niyang may ibang tama si Claire. At pati siya tinamaan. Shet! Totoo ba’to. Ma-traffic sa may bandang Junction. At gusto n’yang i-text si Diane para makasiguro na tama ang naalala niya at hindi lang isang wild imagination. Pero tulad ng naramdaman niya kanina nu’ng sakay pa niya sina Claire. Natatakot siya sa magiging reply ni Diane.

Sa pa-uphill mula Barangka papuntang Katipunan ang perfect time para makapag-isa with their own thoughts sina Danny, August, Teng, at TJ (Isla). Hindi gaano trapik pero damang-dama ni August na iba ang pace ng pagpepedal nila kumpara sa daloy ng mga kotse at kaskaserong Montalban jeeps. Tang ina! Napamura si August sa sarili. Iba ‘to. Iba ‘to!!!

Sa mga bumibiyahe papuntang Cubao, hindi lang iilan ang nakapansin sa kidlat na halos tumama lang sa gilid ng kalsada. Pero imbes na galing sa langit, parang horizontal ang direksyon ng mala-kidlat na ilaw, sumusunod sa pa-uphill na terrain ng daan mula Barangka papuntang Katipunan.

Nawirduhan na rin si Jhun nu’ng namalayan na lang niyang tahimik nang nakaupo ang lahat sa bangka. Ang huli niyang alaala eh sumisigaw ng quick pull quick drive si Danny at tinodo na niya ang pagsagwan niya nang naka-standing position. Ilang araw na lang at regatta na naman at kulang pa rin sa synchronization ang team pagdating sa tayo. Umaambun-ambon nu’n. Kumukulog-kidlat pa. Nagkakatakutan na nga kasi delikado nga naman ang posisyon nilang nasa ilog habang kumikidlat.

Pagdating niya sa Celebrity Sports para sa kanyang night shift, parang buo na sa kanya kung ano ba ang nangyari. Palibhasa tahimik at observant, mas nauna niyang natanggap ang mga pangyayari kesa sa ibang madadaldal sa team. Inisip niyang testingin ang teorya niya. Kumuha siya ng isang tasang tubig. Hindi niya alam exactly kung paano gagawin pero kung tama ang mga napapanood niya sa TV, simple lang ‘to. Tinuro niya ang kanyang hintuturo sa tubig. At inisip niyang kelangan niyang mag-concentrate nang konti. Pero it happened at almost at an instant. Inisip pa lang niya, nangyari na. Ang isang tasang tubig, naging one cup of hot water!

Ds s so weird. Malinaw ang text ni Pen. Pero hindi alam ni Monica ang isasagot niya. I know!!! Nag-text back naman agad si Micko. At mas weird, complete words ang tinayp niya sa write message. Para kasing hindi mae-ecompass ‘yung feelings niya kapag shinort-cut. Nag-scroll down si Monica to read the rest of Pen’s message. Gan2 pala ang feeling ng matamaan ng kidlat.

Medyo sparked ang team these past few days. Fresh from their wins and defeats sa 2005 Boracay Dragon Run International Race, parang natauhan ang team na they need to work more if they really want to achieve more. The UP Dragonboat Team was the best performing Manila team during the 2004 Boracay Regatta. Ngayon ni hindi umabot sa Finals ang Men’s Team. At ang Women’s Team naman although nanalo ng ginto sa 250m eh nasulutan pa ng Boracay Team sa 500m Finals. Lalong nayanig ang team nang muling masulutan ng Ginto ang Women’s sa Atienza Cup the week after the Boracay Race. Ang Men’s hindi na naman nakatungtong ng Finals kahit wala na ang malalakas na military at Boracay Teams.

From their Team Planning Session sa Tagaytay, ay napag-agreehan nilang karirin ang buong taon na’to. Muli nilang bubuhayin ang UP Dragonboat Team! Napag-agreehan nila ‘yan kahit laseng na laseng at sabog na sabog silang lahat. In fairness, pinapanindigan naman nila. Araw-araw silang nagte-train sa Marikina Riverbanks dahil two weeks na lang ay 1st Leg na ng PDBF (Philippine Dragonboat Federation) Regatta.

Sa karamihan sa kanilang naandu’n din sa Boracay, fascinating ang transition na’to ng Summer into Tag-ulan. While hindi na sila ganu’n kadaling nauuhaw unlike nu’ng buong April na araw-araw silang nagte-train sa napakainit na panahon, iba pa rin ang pakiramdam ng lumalamig na simoy ng hangin. Madalas makulimlim at umaambun-ambon. This Friday, extra sungit ang weather. Lumalakas ang ulan tapos biglang mawawala, Maya-maya uulan na naman. Bandang mga 7 PM na nang talagang sumungit na ang panahon. Hindi naman ganu’n kalakas ang ulan (actually halos hindi nga umuulan) pero panay ang kulog at kidlat. At talaga namang nakakasindak ang mga kidlat. Kasi nga nasa Lighting Belt ang Marikina.

Pero dinedma muna nila ang kidlat. Quick pull! Quick drive! Sige! Sige! Sunod naman ang buong bangka sa directions ni Danny. Patapos na ang training at nakatayo na silang sumasagwan. Next thing they know, may malakas na kulog. May biglang umilaw. Biglang uminit! And everything just went blank. Hindi nila alam exactly kung gaano katagal after nu’ng nagkamalay na sila. Pero parang matagal-tagal din kasi totally calm na ang tubig at ang bangka sa may gitna ng ilog. Buti na lang hindi tumaob ang bangka. Intact pa naman silang lahat. Medyo parang hilo lang. Tumayo si Danny muli sa harapan ng bangka mula sa pagkakaupo niya. May konting panghihina sa kanyang tuhod. Parang lampang-lampa siya. Stand by! Grinab nila ang sagwan. Parang hindi sanay bumaluktot ng mga daliri nila habang gina-grasp ang shaft ng oars. May kirot sa mga joints nila. Pero nakasunod naman sila nang nag-call na ng Oars Up! That’s it for the day.

Tahimik din sa kotse ni Jiddu. Minsan siyang lumingon kay Ainee at parang malayo rin ang iniisip nito. Hindi na lang niya itutuloy ang gusto na niyang tanungin kanina pa. He just kept his eyes on the road. Pero kahit gawin n’ya ‘yon, na-discover niya na kung i-shift niya nang konti to the right ang paningin niya, maaaninag niya ang reflection ni Ainee sa windshield. God! Ang cute niya! Inalis niya ang kanang kamay niya sa manibela para kumambyo. Pero sa halip na stick ang naabot niya, natamaan pa ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ni Ainee. The moment they touched, Jiddu retreated his hand and he sharply turned his head to his passenger. Nagkatitigan sila. Ainee looks as shocked as he is.

The next day, parang walang nangyari. Deadma lang ang mga tao. Pero at least parang balik sa normal na naman ang team. Nagkukuwentuhan, nag-aasaran habang naghihintay sa steps kung saan sila nagkikita-kita. Tumakbo naman sina Micko at Claire T. Nauna nang tumakbo si August, Teng at Noel Stroke. Si Tonton din yata tumakbo. Anyway, around 5:10pm halos lahat sila are back at the steps. Normally, that would be around the time na bumabalik ang mga tumakbo. Pero parang around 5pm na sila nang mag-decide tumakbo, eh. Still, parang nagkaroon ng unwritten rule na ‘wag na lang nilang pag-usapan ang anumang nangyayari.

Then nag-start na nga ang training. Si Janet ang nanguna with her new and improved warm-up calisthenics. Nag-line-up. Kinuha ang sagwan. Binaba ang bangka. Nag-load. Nag-body twist. At nag-call ng warm-up hanggang simbahan. Ewan pero parang up until this time it seemed that things were actually back to normal. That is until nag-call si Danny ng twenty power longs. And then it happened. Kumidlat na naman! Ang akala nilang maali-aliwalas na weather eh biglang nag-iba. Storm clouds started to form. Almost instantly nagdilim ang paligid at biglang sunud-sunod na kulog ang narinig nila. Gumaan at bumilis ang glide ng baby blue MCF boat. Halatang nag-load talaga lahat. Pero kahit tutok ang lahat sa paglakas ng pag-row, pansin na pansin nila ang pag-iba ng klima. Pagbilang ni Danny ng six, nadama na rin ng mga wala kahapon ang kakaibang pag-init ng tubig. Para silang napapaso na hindi. At mula sa tubig, paakyat sa sagwan, parang may pumapasok na kung anong energy na sa una’y bumigla’t nagpahina sa kanila, Para silang lantang-lanta. Pero makatapos lang ang ilang iglap ay balik na naman ang lakas nila sa pagpa-power longs. Mali, actually, mas matindi pa sa lakas nila kanina. Kung anuman ang nawala sa kanila nu’ng ilang saglit na may nag-jolt sa kanila, eh parang sinoli sa kanila ng hundredfolds. Six! Eight! Loooong!

Tumuloy ang ensayo. Medyo murderous ang program. Dalawang 800m na may injections every 200 meters. Tapos 2 600m na may injections ulit. Tapos dalawang 500m race course na last kick. Tapos dalawang 500m na may tayo. Pauwi naramdaman ni Danny na kaya pa ng team na mag-practice ng starts. Tapos row home na sila. Tapos inakyat muli ang bangka. Huddle. Announcements. Solian ng sagwan. Lakad papuntang steps. 6:30pm nagbabanlaw na sila. Isang oras lang silang nag-train. Isang oras.

Nagkayayaan ang Men’s na mag-Chicken Boy. Tara! Si Christel ang nanguna. Agad namang umoo ang marami.

Sina Danny kating-kati nang mag-bike. Sagot ko kape pagkatapos! Sigaw ni Jhun.

Ainee, sabay ka na sa’kin. Yaya ni Jiddu. Nagulat si Ainee sa pinakitang openness nito. At sumunod na siya sa papunta sa Civic ni Jiddu. Naka-smile pa ang dalawang nag-drive away to Chickenboy.

Dama ng buong team ang electricity.
_____________________________
rey_agapay@yahoo.co.uk 30 may 2005

Comments:
I have been looking for sites like this for a long time. Thank you!
lesbian picutures Lesbian and lactation Pornstar masterbation Ambien and no prescription Man pumping his penis Body kit taurus
 
http://markonzo.edu Incredible site!, ashley furniture price [url=http://jguru.com/guru/viewbio.jsp?EID=1536072]ashley furniture price[/url], ftdrtfu, allegiant air verdict [url=http://jguru.com/guru/viewbio.jsp?EID=1536075]allegiant air verdict[/url], 61434, pressure washers info [url=http://jguru.com/guru/viewbio.jsp?EID=1536078]pressure washers info[/url], ssbffp, dishnetwork blog [url=http://jguru.com/guru/viewbio.jsp?EID=1536080]dishnetwork blog[/url], xdkmeo, adt security preview [url=http://jguru.com/guru/viewbio.jsp?EID=1536076]adt security preview[/url], pdkia,
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?