Wednesday, June 29, 2005

 

Coming Out to Daddy

Isang summer vacation nu’ng high school pa’ko, ginising ako ng mommy sa’king pagkakatulog. Kakaiba ang pabulong niyang pagsasalita considering tanghali na’t nakahilata pa rin ako sa kama. “Ric. Ric,” naramdaman ko pang parang nahihiya si mommy ko na gisingin ang kanyang pangatlong anak na lalake. “Ano ang number ng fire department?” Mahina akong tumugon, “May Emergency Hotline ang Marikina. Rescue 1-6-1.” Tapos bumalik na’ko sa pagkakatulog, kahit mainit na sa kuwarto dahil pinapasok na ng matinding sikat ng araw ang mga bintana. Tapos after a few seconds, natauhan ako sa tinanong ni mommy. Agad akong bumangon. Binuksan ang pinto at pasigaw nagtanong sa kanya na ina-assume kong nasa may sala na at nagda-dial ng telepono. “Ma! Nasa’n ang sunog!?!”

“Ang daddy mo kasi nagsunog ng basura sa tapat. Kumalat na,” kalmado pa rin ang boses niya. Na-imagine ko agad ang scenario. Malaking bakanteng lote ang tapat ng bahay namin. At tuwing summer ay talaga namang napupuno ito ng mataas ng talahib, kaya nga minsan nag-o-organize ang Greenheights Homeowners’ Association ng clean-up para putulin ang mga talahiban na bukod sa pangit na tignan, nagiging pugad pa ng mga ahas, at minsan tapunan ng mga sina-salvage. Makailang ulit na ring nangyari noon na ang simpleng pagsusunog ng basura eh bigla na lang kakalat hanggang umabot hanggang sa kabilang street ang sunog. Since alam kong wala ang mga kuya ko, my dad has only me to rely on.

Nagmamadali akong pumunta sa cabinet para kumuha ng shorts (masarap kasi matulog nang naka-brief lang). Nu’ng mga edad kong ito, hindi uso sa’kin ang pagtitiklop ng mga damit kaya hindi biro ang makabuo ng firefighting outfit. So I blindly reached into the side of the cabinet kung saan nakatambak ang mga plastic-plastic ng mga pinaglumaang damit ng mga kamag-anak sa States na pinapadala sa’min (parang predecessor ng ukay). Minsan makakatsamba ka ng magandang t-shirt sa balikbayan box, pero marami ring nauuwing “donate old clothes” sa school.

Ang nabunot kong shorts eh ngayon ko lang nakita. De-zipper at butones na kulay yellow-brown-something. Halong maong at slacks ang texture. At meron siyang parang flap ng tela sa right side seam. Instinctively, kinuha ko ang dulo ng flap na may butas para sa butones at na-figure-out ko namang puwede ’tong ikabit sa butones sa may left seam. Hindi na’ko nag-t-shirt. Agad na’kong tumakbo palabas.

There I saw inferno. And my dad in the middle of it desperately trying to kill the fire with a bucket of water. Wala rin siyang shirt at naka-maong shorts lang. Nakita kong may isa pang timba ng tubig at agad ko’tong kinuha para patayin ang mga apoy na malapit sa’kin. Si mommy ang nagpupuno ng mga timba. Nakita ko ring malapit nang abutin ang bahay nina Mrs. Babon sa kabilang street. So tumakbo ako sa next block. Kinatok sina Mrs. Babon para warningan sila. Pagbalik ko sa bahay, marami na rin kaming kapitbahay na tumutulong. Community effort na’to! People of Greenheights vs The Inferno! Nakikita ko ang mga anak ni Mrs. Babon na nagbubuhos na rin ng timba-timbang tubig mula sa bakod ng backyard nila. Unti-unti, natutupok na namin ang amoy! Buti na rin lang dumatin na rin ang firetruck! Ang efficient talaga ng Marikina Rescue 161, in fairness!

Ang maganda kapag nagkakaroon ng ganitong bushfire, pagkatapos eh, ang aliwalas ng view. Wala na ang talahib. Mula sa garahe namin eh kitang-kita namin ang kabilang street. Saka siyempre, hindi matatawaran ang bayanihan spirit na damang-dama ko pa rin nang nagkukuwentuhan na ang mga tito’t tita (ganu’n dito, lahat ng magulang ng kalaro ko tito at tita) sa may tapat ng bahay. Proud din ako sa bonding at adventure namin ni daddy. But something’s wrong.

Alam n’yo ‘yung feeling na iniiwasan ka? ‘Yung hindi naman pinapa-feel sa’yo pero for some reason alam mong naiilang ang tao sa’yo? Ganu’n ang attitude ng daddy ko sa’kin. The whole time, my dad barely spoke a word to me. Hanggang nang matupok ang apoy, parang lumalayo siya. Parang ini-ignore niya ako. Hindi ko alam kung bakit. I did a good job naman, ha. Buti nga nasa bahay ako, unlike my two older brothers, kundi walang tumulong sa kanya. Ako rin nagsabi ng emergency number. Saka sumugod din naman ako sa nasusunog na talahiban kahit sobrang init ng lupa na napapaso na’ng talampakan ko kahit naka-tsinelas. Did I do anything wrong at ni simple pat in the back from my father wala akong natanggap? And parang pati ‘yung mga tito’t tita ko parang ini-ignore din ako. Ayokong ipahalatang affected ako. Pero napayuko ako.

At du’n ko na-realize na ang suot ko palang shorts ay skort. They’re normal shorts pero kapag binutones mo na ang flap na nakalaylay sa may kanan sa butones sa may left, magmumukha ka nang naka-skirt. O, ‘di ba? Firefighting outfit!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?