Tuesday, July 26, 2005
Bakit 'Di Mo TRI...Mamatay?!?
TRANTADOS BEGINNER'S TRIATHLON
23 July 2005, Saturday
UPLB
Ganu'n pala 'yun!!!
Para kayong mga janitor fish sa Marikina River na nagkukumpul-kumpulan sa paglangoy! Kanya-kanyang padyak at kampay! Ang hihinto...MAMAMATAY!!!
One and half months ago finorward sa egroups ang invite sa Beginner's Triathlon ng Trantados. Nagkayayaan and mula nu'n naging laman na'ko ng Amoranto. 'Di bale nang hindi ako makatapos ng fifty meters. Ta-tri ko lang naman.
Karamihan sa'min galing sa UP Dragon Boat Team: Ang presidenteng si Monica, secretary Micko, sina Ace, Idol, Teng, TJ Isla, Mario (na UPM din), Meong, Potch (na based sa UPLB), Tanya (daughter ni UP Mountaineers President at triathlete Coach Kiko), and her boyfriend Daniel na pacer naman ng PYROS. Sumuport si Hannah.
Pagdating namin sa LB, nakakasindak na ang "Welcome Triathleres!" banner. Triathletes daw kami, o! Pero ang kaba eh medyo nahupa ng "Feeling Ironmang - 400kg Laba 10 kg Plantsa 3kg Kula" slogan. This is gonna be fun, we thought. Potentially crippling sa'ming first-trimers pero fun.
Makikitang ginawa talaga ng UPLB Trantados ang lahat para maging inviting at encouraging sa mga beginners ang race. Naka-costume pa nga ng Batman habang kumakarera 'yung presidente yata nila. At ang pangalan pa ng ka-tandem bike ni "Batman" ay Robin! Ang nagturo ng bike route sa'min nu'ng umaga na si cutie Japanese boy looking Ige ay kumarerang naka-belly dancer costume. Meron pang datu, Arab soldier, Chippendale dancer...Pero favorite ko ang cutie-hunky Trantados na first-trimer rin na si Danny in his naagnas na bangkay costume (but then again, sumemplang daw siya days before kaya sobrang realistic ng mga sugat-sugat niya hehe). Tama na nga'to! Puwede ba'kong magkuwento nang walang halong boytalk?!?
Hemingways, maayos namang in-explain ni "Batman" ang ruta at iba pang reminders. Hanggang sa pinagkumpul-kumpol na kami sa dive point ng pool. As advised, nagpahuli na lang ako sa start kasi mahina ako sa swim - a decision that worked for me dahil hindi ko masyado na-experience ang sipaan, hilaan, sikuhan, gitgitan at lunurang kinuwento ng mga kasama ko. Happy pace lang ako sa langoy, dedma sa mala-shark feeding frenzy na naaaninag ko all around me. Ang goal ko lang, matapos ang 400-meter swim in the 25-meter, 4-lane pool nang may enough energy for the bike-run.
Pag-ahon ko sa pool after the first 100-meter lap, natuwa naman ako't hindi ako huli. Umikot at bumalik sa dive point. But since hindi ako marunong mag-dive, tumatalon lang ako sa pool at bumubuwelo pa ng sipa sa pader. Starting my next 100 meters, na-realize kong hindi pala ako naka-goggles. Nataranta kasi ako sa starting signal na I just jumped right in without putting them on. Kaya pala hindi ko alintana ang patayan ng mga racers...Natatawa pa'ko sa sarili ko nang isinuot ko ang goggles. Ginawa ko'to without missing a stroke kasi ayokong MAMATAY!!! Mukha siguro akong tanga sa nga nanonood. Naka-headband 'yung goggles imbes na suutin.
Going into my final lap, I heard some racers sigh, "Shet! Dalawang ikutan pa'ko!" Hindi nga'ko huli! Emerging from the pool to the transition area, feel na feel ko pa ang pagtakbo. Pero unti-unting umakayat na rin ang pagod mula sa paglangoy. Sa transition, nakit ko ang bikes ng mga kasama ko. Nabuhayan ako ng loob. But SHET!!! Dalawang events pa'ko!!!
Sa bike may ilan din akong naoverteykan...na mga batang paslit!
Pedal lang nang pedal. Malakas sa bike ang mga kasama ko. May dalawa na ngang naunahan ako. Ayokong maabutan pa ng iba. Pedal lang nang pedal. Laru-laro ng gears kahit flat lang ang route dahil kumbaga sa video game, nade-drain na ang strength indicator ko. Nagbabadya na rin ang side-stitch. Pedal-pedal-pedal hanggang sa rotonda sa building na korteng Camp Big Falcon. Pedal-pedal-pedal pabalik sa transition area. 10K bike. Bow.

From the bike, nalaman kong nauuna sa'kin sina Monica, Meong, Ace, August, Micko, Daniel, Tanya. Going into the run, nakasabay ko ang isang mamang magla-last round na. Kinausap ko. Hindi naman daw siya nagmamadali. Cross-training lang naman n'ya 'to kase. Putang ina! Ayokong MAMATAY habang may katabi akong nagko-cross-train lang!!!
After the first round ng 4K run at na-resist ko naman ang urge na magpahatid sa pedicab, parang meron pang lakas! So tumudo na'ko. Du'n nakatuhog na'ko ng mga adults. Going into the final meters, nadamay pa'ko sa pagtsi-cheer ng ilang estudyante who were rooting for thejr professor yata. Kumaway na rin ako sa kanila. Natawa sila sa hitsura ng taong namamatay habang kumakaway. I let out a good "Putang ina!" upon reaching the finish line. Natapos ako nang nagku-cool down na nu'n sina Monica, Meong, August, Ace, at Micko. Pero ang saya-saya ko. Pagud na pagod pero alam kong ginawa ko talaga lahat.
Na-miss namin ang Awarding cum Lambanog Party kaya sa LB Square na lang namin kinorner ang mga Trantados for our race times. There we learned that Monica is champion among the women. Tanya is second. Meong is third sa Men's Category, August 4th, Ace 8th, Micko 9th, at nakahabol pa'ko to the make it to the Top 10. Nagulat talaga ako na 45 minutes ang time ko kasi I was seriously doubting a sub-one hour finish for myself. I was ecstatic! At mas lalo akong natuwa (halos maiyak actually) nang nilabas na ni Tin-Tin ang medalya! May medals pala ang nasa Top 10!
Para akong nasa Miss Universe: "Just one more spot remains in our Top 10 and it belongs to Miss...Philippines! Rey Agapay!!!"
At since Meong was wrongly categorized as a beginner, malamang umakyat pa ang ranking ko to 9th! Sorry kung nagyayabang ako, ha. Eh, ikaw ba naman ang makapasok sa Miss Universe, noh!
So for my victory walk, I blow kisses sa mga kasama kong nag-train, sa mga nagturo sa'min na sina Jojo at Coach Kiko...Sa UP Mountaineers na nagturo sa'king maghanap ng sakit ng katawan lalo na sa mga nagbiga ng tips tulad nina Neville, Coach Bernie, Danny...kay Tonton na nagpahiram ng road bike. And, o course, a big wet kiss sa lahat ng Trantados. Ang guguwapo n'yo! NAKAMAMATAY!!!
Comments:
<< Home
bloghopping po. panalo yan ah. sana ma-try ko rin balang araw. pa-climb climb at row-row muna ko sa ngayon :)
buti naman at natsambahan mo'ng blog ko! labas lang nang labas - masyadong maganda ang mundo to stay indoors. anong grupo mo?
ortigas center mountaineers, inc. at aqua fortis dragonboat team. ngayon lang ako nahilig (at nagkaroon ng lakas ng loob) sa outdoors, di ko na na try mag-apply sa UPM nung nasa Diliman pa ako, haha.
nakasabay pala namin UPM two weeks ago sa Tarak Ridge, training climb din namin para sa mga aplikante. Panalo talaga si Mr. Lee. Sige po gudlak sa inyo.
Post a Comment