Wednesday, July 20, 2005

 

The Sachet Economy

Sobra nang daming products ngayon na nabibili sa sachet. Dati shampoo lang. Ngayon corned beef, sardinas, insect repellant, shoe polish, mayonaisse, sandwich spread, pati nga deodorant nasa sachet na, eh!

May advantages naman siya. Sa mountaineering, convenient ang lightweight packaging ng sachet. At sa tulad kong laging may dalang toiletries, ayos din 'to. Pero ang main convenience naman talaga ng sachet eh affordability.

Sa mga mayayamang bansa, uso ang mga supersizes. Ang lalaki ng bote ng catsup, ng pancake syrup, ng shampoo...Pero sa isang bansang mahirap tulad natin, hindi 'yun afford ng karamihan kaya tinitingi-tingi, ika nga. Kailan lang eh napailing na naman ako nang makapanood ng commercial ng isang produkto na available na rin sa sachet. "Tanda 'yan ng mahirap na bansa," I told my housemate Thea. At tumagos talaga sa buto ko ang dagdag niyang, "Ibig-sabihin day-to-day na lang ang existence natin."

I learned that in the shampoo industry alone, 90% of their business comes from sachets. Ibig-sabihin para na ring 90% na rin ng Pilipino ay pang-day-to-day existence na lang ang kinikita? Ni hindi na nasusuwelduhan nang sapat ang mga tao para man lang makabili sila ng bote ng shampoo na puwedeng tumagal ng isang buwan. Lungkot, no.

Comments:
your observation is very timely, but its not only toiletries that are now available to the public in sachets.

rather it is also the patience of the filipino people that is being tested in sachet form from one week to the next, and while we are at it, it is also the hope and aspirations of our people that is being doled out in meager quantities, if at all.

but you know what, our nation without the politicians is still better than that of the masa in india or china.

if you dont believe me, have a go and visit these places and your eyes will open

these politicians in our nation, are the bane to our existence,

have you read the book of tom clancy where a japanese plane crashes into the seat of american legislation.

what if the same thing happens during the sona, so that we will be rid of these pests once and for all.
 
rey,

as usual, interesting and very practical read ang entry mo. na realize mo ba na ito ang pinaka seryoso mo blog entry? i'm sure without any effort pa yan!

as sunder said above, this is very timely.

at a time of severe politicking, we forget about the real issues on hand.

sabi ko nga sa recommendation ko sa blog ko para dito sa entry mo: if only our elected officials will think the way the people they govern think..madami sila matututunan at magagawa!

mabuhay ka, rey!
 
very keen observation.

i totally agree with the "Day to day" theory. sad as it may sound it also heralds the pinoys' ability to adapt. the only way to survive right now, if you're not one of the lucky ones, is to really view it as a day to day thing. depressing as it may seem you have to be resilient. no real good in griping about what my 100 pesos can buy, just be thankful that you still have 100 pesos to buy anything at all.

great post!!
 
tama ka dyan. kaya di tumitigil ang pagdasal na magkaroon ng tunay na maka-Diyos, makabayan, at magaling na liderato para sa ating bayan. Sa pamumuno ng liderato, ang taong bayan ay magkakaroon ng inspirasyon para magbago para sa kabutihan at magkaroon tayo ng tunay na pag-iisip bilang isang bansa, at di lang para sa kanya-kanya.
nakakasuka na ang sunod sunod na walang kuwentang presidente at mga politiko. maski maka-oposisyon o administrasyon, pare pareho lang silang mga kurakot.
 
sunder, jove, bimbo and unknown...ito na ang pinakakinomentang post ko (hindi pa-sachet-sachet!) maraming salamat sa inyong pagsuporta! y'know what, kahit ano pang sabihin nila sa bansa natin, one thing that i really hold on to that makes me not lose hope is our belief and capacity for free expression. blog pa lang kita na'to. I love the Philippines. I'm proud to be a Filipino.
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?