Thursday, September 15, 2005
Starstracks II
Nag-meeting na naman ang mga writers kagabi ng Starstruck. At siyempre napag-usapan na naman namin ang mga shining moments ng mga nangangarap mag-artista. O, siya! Dream! Believe! Survive these auditioneers!
Kuwento ng co-writer kong si Rikki (the genius behind Startalk's Da Who and Tigbak Authority), meron daw nag-audition na "wala nang paglagyan ng pimple sa mukha."
WRITER: Ano talent mo?
AUDITIONEER NA PIMPULIN: Dance po.
WRITER: O, sige. Dance ka na d'yan.
AUDITIONEER NA PIMPULIN: Puwede po ba mag-request ng kanta? Puwede po ba 'yung Chokolate?
WRITER: Chokolate? Alam mo bang nakaka-pimples 'yon?
Minsan talaga nakaka-proud ang mga smart retort naming ganyan, inspired siyempre ng libu-libong nag-o-audition. Meron pang nag-audition na hindi kagandahan...
AKO: Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITIONEER: Para po patunayan ko sa mga hindi naniniwala sa'kin na kaya ko.
AKO: Bakit? Sino'ng hindi naniniwala sa'yo?
AUDITIONEER: 'Yung mga kaibigan ko po. Dini-discourage po nila akong mag-audition.
AKO: Eh, baka hindi mo sila tunay na kaibigan...
AUDITIONEER: Oo nga po.
AKO: ...OR baka sila ang mga tunay mong kaibigan!
Nakakatawa rin ang mga sagot nila sa application form:
COLOR OF EYES: Black and white (oo nga naman!)
Tapos most girls - sign of social pressures siguro to be thin - are too conscious to declare their weight. Sasabihin nila, hindi nila alam.
Pero nagulat ako sa isang girl na blank ang "Gender."
AKO: Ano gender mo?
AUDITIONEER: Uhm...
AKO: Hulaan mo na lang. Ilan?
AUDITIONEER: Uhm...96? (May sagot talaga siya!)
You think our lolas' names are weird. Tatapatan 'yan ng next generation:
1. TANG, INA
2. CASTLE MANSION (yes, mansion apelyido niya)
3. MODEL (nakalimutan ko surname pero model talaga pangalan ng matangkad na girl)
Eto nakakaasar. May girl na taga-Ateneo de Naga na nag-audition.
AKO: Bakit dito ka sa Manila nag-audition eh meron naman sa Naga?
AUDITION: I think it's better in Manila than in Naga.
AKO: OK..Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITION: It's my dream. That's why I took up Development Communication in Ateneo because it trains us to be in showbiz. They teach us how to talk, we conduct interviews. We even have pictorials! They really develop our talents!
AKO: So kaya 'yun Development Comm kasi madi-develop ka?
AUDITION: (in a very maarte way) Yeeesss!
(o, 'di ba gaga!)
Our last for this edition:
AKO: Bakit gusto mong mag-artista?
AUDITIONEER: Gusto ko po kasing ma-imfroov ang talents ko.
AKO: Ano?!?
AUDITIONEER: Gusto ko pong mag-imfroov ang talents ko.
AKO: Improve!
(and to test her further, and to have my cruel fun na rin, i asked...)
AKO: Ano English ng isda?
AUDITIONEER: Fish.
AKO: Ang galing! Ano English ng kapayapaan?
AUDITIONEER: (pauses for about 10 seconds) Uhm...Preedam?
Kung ang pagtitiyaga ng mga kabataang ito sa pangangarap maging artista eh ginugugol nila sa pag-aaral...

Comments:
<< Home
Malalim na talaga at halo halo na ang pinag uugatan ng lahat. Nagpabaya din ako nun nag aaral ako sa kabila ng naka gradweyt pa din naman, ngunit saan ba dapat sapulin upang maituwid ang mga pagkakamaling ito? Sa dami ng kabataan ngayon lalo na sa maralita, hindi alintana kung bakit nga ba nalugmok ang kanilang kalagayan. Kalagayang paulit ulit na umiikot na nangyayari. Ewan ko ba? hindi ko rin alam ang sagot kung sa kabataan ang ang pag asa ng bayan, na kung susuriin ay tama naman ang tinuran ni Mang Jose Rizal. Ngunit eto na, eto na at tila umiihip ng paalangan ang hangin.
Post a Comment
<< Home