Sunday, October 23, 2005

 

NAMULIKAT SA MAARAT

My First Maarat Bike-out
22 Oct 2005


“Wala na...Wala na'kong maramdaman.”
- Rachel Alejandro, from the song 'Nakapagtataka'


Last weekend ay na-break-in ko na sa matindi-tinding ruta ang aking bagong second-hand mtb. Six AM nagkita na kami ng UPM Physical Fitness Officer Robert Leoncio. Unlike the previous bike-outs, konti lang ang makakasama today. Tatlo to be exact. Pero si Daddy Nepomuceno eh dumiretso na ng Maarat. So para kaming magjowang nagba-bike sa CCP ni Robert habang binabagtas ang Bayan-Bayanan Avenue patunong San Mateo. May isang buwan na rin akong halos araw-araw na nagba-bike around the UP-QC-Pasig Area so sisiw lang naman. Pero nang tumambad na sa'kin ang sloping roads ng Maarat. Ayun na!

Nasa Marikina pa lang si Daddy at ang mga kasamahan niya nang tinawagan namin siya mula sa unang lugawan sa Maarat so tumuloy na kami ni Robert du'n sa matarik na matarik na daan kung saan nadali last week si Kram. May mga sabi-sabing apat na raw ang namamatay sa steep sharp downhill na'to. Siyempre kung anong tulin ang aabutin mo pababa, ganu'n naman ang bagal ko paakyat! Nagsisimula pa lang ito, ha! Inaliw ko na lang ang sarili ko ng mental images ng lumilipad na Kram tapos shumusht sa estero hihihi. 'Di bale, Kram, dahil sa nangyaring 'yan, ikaw na ang Krash ng Bayan hihihi!

Matapos ang paahon na'yon, ay tumigil muna kami sa lilim. Nakipagtsikahan sa isang cutie namang daddy-type na merong mamahaling bisikleta. In fairness, ito nga ang isang attraction ng Maarat na walang nakabanggit sa'kin: maraming cute na nagba-bike! Sa hirap ba naman ng dinaranas ko nu'n, hayaan n'yo na lang ako sa mumunting katuwaang ito, 'di ba?

Tumuloy na kami ni Robert hanggang sa may sari-sari store. Naimbitahan pa kami ng mga taga-San Mateo Bikers o SMB na sumali sa event nila sa November 13. Pagkatapos ay nagpatuloy na naman kami sa pagpadyak pataas nang pataas. Hirap na hirap na'ko. Nang pumapatag na ang daan at natatanaw ko na ang magarang entrance arc ng Timberland, du'n ko lang naalala na puwede ko nga palang i-shift ang left gear! Pucha! Ang novice! 'Di ba kasi ang advice sa mga tulad kong nagsisimula kanan na lang ang galawin ko? So 'yun nga ang ginagawa ko! Nang natimpla ko na rin ang left gear! Aba! Gumaan!

Mas leisurely na ang ruta sa may Timberland kasi dadaan ka through a wooded area na kahit dirt road, hindi naman mainit. Parang biking in the countryside ang drama (with Papa Robert pa! Sa'n ka pa?) May chapel pa sa gitna ng forest! Parang Blair Witch Project!

Pagka-emerge namin sa kagubatan, highway na naman na paakyat. Pero sulit naman nang maratin namin ang isa pang tindahan. 930AM na nu'n! So nagpaluto kami ng daing at scrambled eggs with corned beef! Napakasarap kumain. After 30 minutes ay dumating na rin si Daddy at si UPM applicant Olive at isa pang cyclist na Marikeño. Pagkakain nila ay bababa na sana ng Maarat kaso nakasalubong namin si Jerry. Bigla ngayong nagyaya si Daddy na bumalik at magpatuloy hanggang sa may bulaluhan. Kahit sumusuko na ang binti ko nu'n, go lang nang go. Sa utak ko eh nagtititili na'ko...at nagtititili nga ako nang makakita ako ng tukong sinlaki ng pusa na tumatawid sa kalsada! Eeeeehhh!

By this time, sobrang bagal ko na kahit naka-granny gears na'ko. Kaya kong umakyat ng bundok basta 'wag naka-bike! Kaya naman bumawi talaga ako sa bulaluhan!

Pabalik, lumala na ang ang sinat ni Robert! Hindi ko na rin nararamdaman ang mga binti ko. Kaya kahit ikinalulungkot ni Daddy, ay hindi na kami bumalik sa Maarat. Lumusot na lang kami sa may highway to Cogeo. Sa Masinag eh nakita ko pa ang classmate ko nu'ng high school. Kita ko sa mukha niyang bilib na bilib siya sa'kin dahil payatot ako nu'ng grade school at tabatsoy naman nu'ng high school, babakla-bakla pa! Look on my classmate's face: Priceless! (Malay ba niyang mamatay-matay na'ko sa ginawa ko? Hehe)

Sa Marcos Hi-way naghiwa-hiwalay na kami. Ako naman, gusto ko nang hiwalayan ang pagbibisikletang walang idinulot sa'kin kundi anghit, mabahong helmet at backpack, at namamanhid na betlog!

Next week, kuwento ko kung anong mangyayayri sa'kin sa UPM Sagada Bikeout...that is kung magkakalakas ng loob pa'kong sumakay ulit ng bisikleta.

Comments:
Excellent, love it! film editing schools
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?