Monday, October 03, 2005
The Starstruck State of the Nation
Ala-una ng madaling araw sa GMA. Hinihintay ko ang iba pang staff ng Starstruck dahil bibiyahe kami ng mga sampung oras papuntang Naga para sa second stage ng auditions doon. Napagninilay-nilayan ko tuloy ang sorry state ng buhay of the Filipino youth base sa mga narinig ko mula sa mga daan-daang kabataang nagbakasakaling mag-Ultimate Survivor...
Walang duda, mahirap na talaga ang buhay ngayon. At damang-dama ito ng mga kabataan. Mula sa iba't ibang sulok ng bansa, popular na response ang "gusto ko pong tulungan ang pamilya ko kasi mahirap lang kami" kapag tinatanong sila kung bakit gusto nilang mag-artista. Pero sa experience ko, mas madalas kong marinig 'to sa mga kabataan mula sa Metro Manila kaysa sa mga ibang lungsod. Hindi kasing-moderno ng Metro Manila ang Cebu, Davao, Iloilo, Naga, Dagupan (mga cities kung saan nagkaroon ng auditions) pero hindi rin naman ganu'n kalaganap doon ang kahirapan nang tulad nang makikita mo rito.
Meron ngang dalawang sixteen year-olds, isang taga-Bicol, at isang taga-Maynila, na gustong makapasok sa Starstruck para hindi na sila matuloy sa trabaho nila abroad - Hong Kong at Japan. Dinaya raw nila ang age nila para makapag-abroad. This is what we do to our girls!
Marami rin sa mga kabataan ngayon ang hindi na nakakatungtong ng college dahil sa "financial problems." Yes, that's the term they most often use, "financial problems." Common pattern 'yung ga-graduate sila ng high school tapos matitigil na dahil "hindi na kayang pag-aralin ng mga magulang kaming magkakapatid nang sabay-sabay." Marami sa mga kabataang ito ay mula sa malalaking pamilya - maraming anak at single/low-income households. Minsan kaya imbitahan ko si Manila Mayor Atienza na umupo sa auditions at nang makita niya ang epekto ng isang citizenry na hindi mulat o kaya'y walang access sa iba't ibang family planning methods.
Makatungtong man sila sa college, halos wala sa kanilang pumipili ng kursong ayon sa kanilang passion. Kaginhawaan pa rin ang iniisip nila. Nursing ang pinaka-popular na course ngayon. Siguro mga 98% sa mga natanong ko 'yun ang kinukuha. Ganu'n pa rin ang plan. Pagka-graduate, mag-a-abroad para makaahon sa kahirapan.
Marami sa mga kabataan ngayon, probably out of hopelessness, sinasabing "ang pag-aartista na lang ang nakikita kong paraan" para makaahon sa kahirapan. This becomes more tragic dahil karamihan naman sa mga nagsasabi nito ay hindi artistahin.
I must admit, sa paulit-ulit kong naririnig na mga sob stories ng mga kabataang nag-o-audition (at meron pa talagang literal na nagsa-sob habang nagkukuwento), nadi-desensitize na'ko. Pero two auditioneers really affected me in a very unhealthy way.
Ang una ay isang babae. Pretty siya. Puwedeng artista actually. At nang tinanong ko siya kung bakit mahalaga ang Malolos, Bulacan sa kasaysayan hindi niya masagot. To think three years old pa lang siya du'n na siya nakatira. At mas lalo akong nalungkot nang wala ni isa sa mga kasama niya ang may idea kung bakit importante ang Malolos maliban na lamang sa dahilang "doon 'yung oath-taking ni Erap." So sinabi ko sa kanya ang significance ng Malolos. At kahit paulit-ulit kong ikinuwento, hindi niya ma-absorb-absorb.
Ang pangalawa ay isang lalake. Freshman sa PUP. Sabi niya na bukod sa pagiging artista pangarap din niya ang maging pulitiko "dahil sa panahon ngayon, 'yun na lang ang dalawang paraan para maahon mo ang pamilya mo." Seryoso, halos isang minuto akong hindi makapagsalita sa magkahalu-halong shock, lungkot, at pagsang-ayon sa sinabi niya.
Alam mong something's very, very wrong if the youth thinks it's all right that politicians become rich to help their family. Nakakalungkot.

Comments:
<< Home
one of the best if not your best, agapay!
ang galing mo talaga gawing kaintindi tindi ng mas marami ang bagay na kung tutuusin ay teknikal.
more power.
www.jovefrancisco.com

hehehe sabi nman nun iba, mag illegal na lang para mabilis ang pera, yun iba nman magtayo na lang daw ng relihiyon. hay.. malungkot nga yan mga bagay na yan
Post a Comment
<< Home