Monday, November 07, 2005

 

LAKESHORE…Do You Sure?

My First Sprint Plus: The 1st Lakeshore Triathlon Challenge (1K-24K-6K)
06 November 2005/ The Lakeshore, Mexico, Pampanga


“Hindi ‘to sprint!” I was screaming in my head as I jump back into the man-made lake for the final 500-meter lap. Matagal ko nang naisip na kung sprint talaga ‘to, dapat 50-meter swim, 1K bike at 100-meter dash ang distances. That way talagang kagulo ang karera! Alas-otso pa lang nag-iinuman na!

Kabe-beginner’s triathlon ko lang a few months back at heto na’ko sa’king pangalawang triathlon. I’m very pleased na hindi naman ako nahuhuli at naghihikahos sa langoy. Nu’ng unang lap nga nagawa ko pang mag-increase ng load coming into the last 100 meters. Power! Power! Power! POW! Nauntog ako sa boya! Biglang nagka-whiteflash! Nagulo ang mundo ko. Hanggang ngayon I’ve got the bukol to remember that by.

Nagtataka tuloy ako sa napakahabang thread sa isang egroup tungkol sa safety ng tubig sa Lakeshore. I find it ironic that triathletes would care about catching something in the water eh ‘yung sport nila mismo eh nakamamatay!

Ang hirap sa race situation, kahit “personal best” lang ang goal mo, lumalabas ang pagka-competitive mo kapag may mga kasama ka na. Ang bawat makabalyahan mo sa tubig gusto mong unahan. At dahil I breathe to my left, nakikita ko ang mga mukha ng mga kasabayan ko sa langoy. Lahat sila mukhang kaaway! At dapat silang talunin! Bwahahaha! (In the end, happy naman ako sa time ko sa langoy. Naging advantage pa sa’kin ang counter-clockwise route kasi nakikita ko ang lanes).

Sa mini-distance which happened before the sprint plus may isang beginner na sinigawan ng mga marshals sa transition area kasi nag-mount na siya agad ng mountain bike niya. I felt sorry for the guy kasi parang ang bigat na ng kanyang basang-basa t-shirt at basketball shorts (na obviously pinang-swim niya), tapos hindi naman yata siya na-brief about those things. Buti na lang pala tinuro ‘yan nu’ng karera ng UPLB Trantados. (Hay! Na-miss ko tuloy sila!)

Pero, I must admit, na lost pa rin ako sa napakaraming bagay. Tulad na lang nang sigawan ako ng mga marshals ng “Flat! Flat!” halos pagkatungtong na pagkatungtong ko pa lang sa pinahiram sa’king roadbike. Dinedma ko silang kahit dumudulas-dulas na ang likod ko. Hindi tuloy ako makahataw. Nakaka-intimidate pa ang mga sharp turns na punung-puno ng mga onlookers. Sana ginamit ko na lang ang aking trusted mountain bike instead of riding this road bike na ngayon ko pa lang nasakyan! On race day! Buti na lang hindi ako nagpa-convince gumamit ng cleats for the first time kundi baka wala nang second time kasi lasug-lasog na’ko.

So after the first loop. Tumengga ako sa isang puno. Disappointed na disappointed ako kasi hindi ko man lang matatapos ang karera kahit kayang-kaya ko pa. Buti na lang nakita ako ng mga kasama ko sa UPM. They told me to go back to the transition area. Buti pinayagan ako ng official na magpatulong sa bike ko. Eh, wala pang spare tubes so vinulcanize nila ito! (Thanks, Daddy Cece and Casper) May mga tumatakbo na nu’ng nakapag-resume ako sa pagpapapadyak. (Sabi sa’kin ng mga triathlete friends ko na dapat mag-aral na’ko magpalit ng flat kasi bawal talaga ang magpatulong. So bukas na bukas din bibili ako ng padded bra para hindi na flat! Nye! Corny!)

Back to the story. Going into my second loop. Alam kong most of the racers are
just winding down the bike leg. Nakakalilito pala ang paikut-ikot na pagba-bike. Feeling mo natitikbalang ka kasi may mga times na parang iba na ‘yung dinadaanan mo, o nadi-disorient ka, ganyan. By my fourth and final leg dadalawa na lang kaming nakikita kong nagba-bike. Nadikitan ko lang siya pero hindi ko tuluyang naunahan. I am positive that I went into the run last.

So siyempre fresh na fresh pa ang beauty ko sa pagtakbo. ‘Yung mga nalalampasan ko were giving me alarmed looks. Parang gusto ko silang i-assure: “Don’t worry about me. This is just my first loop.” Parang nu’ng bike route, flat at scenic ang tatakbuhang perimeter nu’ng lagoon. Sa aking third and final loop, mga mostly daddy weekend warriors who were just out to finish the course ang kasabayan ko kaya madali ko na lang silang naunahan. Coming into the finish line, meron pang short intro si Sir Mon. Hanep! Parang elite!

All in all, maganda ang karera. Maganda at suwabe lang ‘yung course. Anlamig-lamig pa ru’n sa airconditioned tent na prinovide ng Lakeshore. Masarap daw ‘yung buffet (na hindi ko natikman kasi wala akong ganang kumain). Happy rin ako’t 4th over-all sa Women’s ang nahatak kong si Olive Cortez at Champion naman sa kanyang age group ang kinikilala kong coach na si Jojo Macalintal. Nanalo pa silang dalawa sa raffle! Samantalang ako, naflatan na, hindi man lang nanalo kahit na lighter!

Is this a sign na ayaw ng triathlon sa’kin? Pwes! Magte-train pa’ko lalo, mag-iipon para sa sariling road bike na kaya kong palitan ang flat, at hanapin n’yo ako sa susunod na karera. Madali lang akong ispatan. Ako ‘yung babangga sa boya.

Comments:
hey speaking of free things try nobel peace prize 1984blingo, its free to sign up and you can win free prizes! I just won a free movie ticket!
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?