Wednesday, November 02, 2005

 

SAGADA Mo ‘Yang Wala Ka Pa Ring Boyfriend?

My First Long Ride: Banaue-Sagada/Sagada-Bontoc/Polis-Banaue
29 & 31 October 2005


Kitchie Tagal. Saksi ang posters ng in-airbrush na Kitchie Nadal sa McDo Katipunan sa matagal na paghihintay ng mga sasama sa UPM Sagada Bike Out. Si Winston Espiritu ’95 ay sinend-off pa ng buong pamilya. Nang dumating ako with my boylet, naroon na rin sina Henry Nakpil ’89, Neville Manaois ’98, Daddy Nepomuceno ’04, at ang TL na si highly-visible PFO Robert Leoncio ’04. Naroon rin ang mga inductibles na sina Jerry De Claro ’04 at Olive Cortez ’05. Hinihintay namin ang sasakyan ni Miles Young na aspiring member ng UPM Batch ’06. Mahigit dalawang oras din kaming naghintay pero OK lang kasi sasakyan naman niya ang gagamitin, eh.

Coming from a pathetic self-diagnostic ride sa Maarat last weekend (please refer to my previous post “Namulikat sa Maarat”), I was very, very anxious about this long ride. Sa paghihintay, ilang beses ko na ring inisip na mag-backout na lang dahil bukod sa napapabalitang masamang panahon up north, ayokong maging pabigat sa roster of experienced cyclists na makakasabay ko. Napilitan pa’kong mag-repack at ipauwi ang extra backpack ko nang malaman kong wala na palang support vehicle as previously planned. Pero I made sure na sinunod ko ang text ni Neville sa’kin: “Magbaon ka ng maraming pasensiya.” O, siya!

Dayanara View Point. Nagsalit-salit sa pagmamaneho ng L300 kung saan naka-load ng mga bike sina Miles, Henry, Robert at Winston. Ang iba naman ay sumakay sa isa pang rented van. After 10 hours ay narating rin namin ang 8th Wonder of the World! Konting paghahanda lang sa Las Vegas Restaurant at pumadyak na kami. Anxious pa rin ako pero excited na rin sa bago kong Anatomica cycling shorts, at Kamikaze Ladies shorts (black with pink details!) at Spyder Shades na binili ko kahapon sa Kamikaze with 10% discount pa (Salamat, Badge!) Pero bago kami magtuluy-tuloy, inenjoy muna namin ang hagdang-hagdang palayan sa may malapit sa tinatawag na Dianara View Point, named after the Miss Universe na nag-shooting doon nu’ng 1994.

Sementado ang unang daan so kahit matarik ay hindi naman gaanong mahirap i-navigate. Maya-maya ay naging graba na ang kalsada, OK pa rin. At maya-maya, putik na ang pinapadyakan namin. Pero all throughout what would be a 9-hour journey eh compact soil naman ang dadaanan. Mostly rolling slopes naman, nu’ng pa-assault na lang ng Sagada ang matarik-tarik na daan.

Ang the best part talaga ng pagba-bike dito ay ang view. Sa isang banda ang gilid ng bundok tapos sa bangin side naman ang breathtaking view ng pine forests at ng lesser-scale rice terraces…Hindi pa mainit. Kapag downhill nga lang nagiging masyadong maginaw.

Mama Mary. After three hours narating namin ang Mt. Polis. Tawag dito ni Daddy “istatwa” kasi may malaking istatwa ni Mama Mary rito na nu’ng una ay hindi ko makita sa kapal ng fog. Sa isang sari-sari store doon kami nag-lunch ng tinapay, sardinas, softdrinks at kape. Bale, nauna kaming dumating rito nina Daddy at Olive. After ilang minuto ay dumating na rin ang iba. Nagpalitan kami ng kuwento: Natanggalan ng kadena si Winston, natutong mag-vulcanize ng sariling gulong si Olive, at nagulat si Miles sa pagba-bike nang may dala-dalang backpack (na madali lang daw malunasan kapag nag-apply na siya next year).

Brook Shields. From Polis, our trip literally went downhill. At kung kahit papaano pala’y naensayo ako ng Maarat na pumadyak pataas, hindi naman ako prepared sa mabilis at paisneyk-snake na ruta pababa. Hindi ko halos ma-appreciate ang brook na dumadaloy sa gilid ng highway. Paminsan pa’y may waterfalls na tatawid sa daanan. Kapag nagkaganu’n, parang kang nasa commercial ng Motolite complete with rugged terrain, splashing water ganyan.

Walang exag pero hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ang mga daliri ko kapipisil sa mga brakes! Kahit pagpiga ng foam nu’ng naghugas ako ng pinggan kanina uncomfortable!

Domogo Sisters. Mga bandang alas-tres parang magic na sumilip ang mga gusali’t bahay-bahay ng Bontoc which reminds of photos of Nepal. Sa may tulay sa bayan ko na naabutan sina Daddy at Olive (dahilan kung bakit I was biking alone most of the time). Matapos ang anim na oras na pagpapadyak, narating namin ang kabisera ng Mountain Province mula sa capital naman ng Ifugao.

Sa tulay kami sinundo nina nina Gwen ’01 at Adamey ’04 Domogo papunta sa kanilang restaurant. Doon ay naghanda ang kanilang mommy ng native monggo, pinikpikan, fish escabeche at buko juice! Sarap!

Maggagabi na nu’n kaya akala ko magpapalipas na lang kami ng gabi sa Bontoc. Eh ang kaso, adik sa bike ang mga kasama ko. Ako lang ang bumotong mag-jeep na lang! Willing pa’kong bayaran ang pamasahe nilang lahat n’yan, ha! Pero outnumbered ako kaya mga 5:30 PM ay pumapadyak na kami papuntang jump-off that is about 6.5km away. From there, 11km na matirik na uphill route to Sagada.

Dama de Noche. Mabilis kaming naabutan ng dilim. Kaya night ride talaga kami paakyat ng Sagada. Siyempre, kapag mas madilim, mas malamig. Pero hindi na rin kami nagja-jacket kasi mag-iinit talaga ang katawan mo sa matarik na daanan. Paminsan-minsan pa’y kailangan mong tumabi para sa mga paakyat at pababa na sasakyan. Mga headlights ng kakaunting sasakyan na maaaninigan sa mataas na mataas na parte pa ng bundok ang palatandaan na malayo pa ang aming papadyakin. Karamihan nga tinulak na lang ang bike.

Matapos ang parang napakahabang panahon narating na rin namin ang Welcome to Sagada sign. Hinalikan ko pa ‘to sa tuwa. ‘Yun pala, anim na kilometro pa ang papadyakin papunta sa town proper! Nag-snack at compression stop na muna kami sa isang tindahan saka tumuloy pataas. Sa mga na-bike na ito noon, nasasabi nilang malapit na kasi may mga overhangs na kaming nadadaanan. Natatanaw na rin ang ilaw ng mga bahay-bahay.

Maya-maya binabagtas na namin ang bagong sementadong daan papuntang Sagada. Naamoy na rin namin ng dama de noche. Hinahabol na rin kami ng mga asong gala. At hinarang pa kami ng isang laseng na pulang-pula ang bibig ng moma (the local nganga).

Finally! After 3 hours ng night ride, narating rin naming ang Sagada. Diretso kami sa ospital.

Florence Nightingale. Kapag puno na kasi ang accommodations sa Sagada, ginagamit ang colonial structure ng St. Theodore’s Hospital bilang tuluyan. Sa isang ward kami naka-reserve. Kanya-kanyang hospital bed pa na may mga cranks para i-adjust ang posisyon ng higaan mo. May divider pa separating Gwen at Olive from the boys. Si Daddy pumuwesto sa kamang “Geriatric” ang nakatatak sa kumot. Ako sa “Orthopedic.” Si Robert “Cancer Unit.” Henry “Maternity.” Si Neville naman du’n sa “Pediatric.”

One hundred per night lang ang binayaran namin. At sabi ni Winston na nakakakita ng kung anu-ano, nu’ng natutulog na raw kami ay nakikita niyang may bantay na nakatayo sa tabi ng bawat kama namin.

Kinabukasan ay nagliwaliw lang kami sa Sagada. Kakain, matutulog. Bumisita rin kami sa Hanging Coffins, pero du’n lang kami sa lookout point kasi ayaw na naming babain para makita ‘to nang malapitan. Habang pinagmamasdan namin ang naka-display na ataul, biglang tumili ng pagkalakas-lakas si Gwen. Pati ‘yung ibang turista naalarma. Nang umalingawngaw ang boses ni Gwen, du’n na lang naming na-realize na gusto lang pala niyang i-demonstrate kung bakit ito tinatawag na Echo Valley. Tapos hala! Nagsisisigaw na ‘yung iba.

(Puwede ring dahilan ng pagtili ni Gwen ang gusto niyang i-release ang tension sa pagkakatayo malapit sa bangin kung saan tumalon sa kanyang kamatayan ang kanyang ex-boyfriend two years ago. Iba talaga ang alindog ni Gwen, nakakamatay!)

Trisha. All throughout the trip, pinaplano na ni Henry na tumuloy ng Baguio mula sa Sagada. Kinontrata na niya si Neville na samahan siya. Hindi ganu’n ka-excited si Neville sa trip na’to pero sige na lang siya. Nu’ng huling gabi naming ay dini-discourage na ng grupo si Henry sa kanyang plano. Mahigit 60km nga naman ang biniyahe namin. At Baguio is some 140km away pa. Pero hindi talaga mapipigil ‘tong former UPM President kahit pa sabihin ni Gwen na mas madaling pumadyak mula Baguio papuntang Sagada kesa the other way around. Lalo pa nga yata siyang na-challenge nang makuwento sa kanya ni Jan Cabanos (na tinawagan niya sa cellphone) ng nagawa nga ito ni Tricia Chiongbian.

Over beer, maraming nahatak at maraming nag-backout sa Baguio ride. At one point, napilit na rin sina Jerry at Robert na sumama. Pero naabandona lang ang project nang mag-offer si Robert kay Neville ng full refund ng lahat ng gastos ‘wag lang tumuloy ng Baguio. Nagkabayaran na. May picture-taking pa. Pero makailang kantiyaw lang, tuloy na naman ang plano. Neville and Henry papadyak for two more days to the Summer Capital!

***
Kinabukasan ay mas confident na’kong sumakay pa-downhill ng Sagada. Mula Bontoc ay nag-jeep kami papuntang Polis at doon ay downhill na namang pumadyak hanggang Banaue. Maliban sa mga flat tires ay wala namang aberya ang aming ride through the thick foggy parts of the highway. Pagkarating naming Las Vegas, halos kararating din lang nina Neville at Henry sa Mt. Data, ang kanilang target destination for Day 1. November 1, banding alas-3 ng hapon, nakarating din sila ng Baguio.

Pero ang pinakamaganda sa kuwentong ito ay AKO. So kelan ang sunod na long ride? Bitin, eh!

Comments:
This is very interesting site...
Free playmoney texas hold em
 
Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. anal trailers How tall is pamela anderson ford 909 mower Brunette mature gallery Medication fluoxetine prozac sarafem
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?