Tuesday, December 27, 2005
Walang Humpay Na Ligaya
Kinilabutan ako sa dedication sa Eraserheads Tribute Album na Ultraelectromagneticjam. “PARA KINA BUDDY, ELY, MARCUS AT RAIMUND – MARAMING SALAMAT SA WALANG HUMPAY NA LIGAYA!!!” Napakatotoo kasi.
90’s kid ako kaya ang aking formative teenage years ay sa saliw ng musika ng Eraserheads. Ang mga unang piyesa ng aking simpleng CD Collection ay ang kanilang mga albums. Pati ‘yung libro nilang Fruitcake meron ako (pero hindi ko na alam kung nasaan na). At hindi ako unique sa paghanga sa kanila. Ang kakaiba na lang siguro ng aking “fanship” sa kanila ay ang fact na hindi ako radio person. Hanggang ngayon I’d much rather watch mediocre television rather than turn on the TV or pop in a CD. Sa Eheads lang talaga ako unang nagkahilig.
Sabi ko nga, kapag matanda na’ko at maraming, marami na’kong pera, ipo-produce ko ang reunion concert ng Eraserheads. Ito ang magiging Philippine equivalent ng Rolling Stones US Tour nu’ng late 90’s kung saan pati mga teeners trooped to their concert kasi cool pa rin sila –
Matagal nang disbanded ang Eraserheads pero hanggang ngayon naririnig mo pa rin ang influence nila sa musikang Pinoy. Sa kantang “Hari ng Sablay” pa lang…
I intended this to be a short blog pero mukhang lumalabas na lahat ng nararamdaman ko sa Eraserheads at sa kanilang musika. Naalala ko pa nu’ng Linggo ng Wika sa Marist na may isang class na ang presentation nila ang Alapaap. Nakabarong pa silang kumakanta-kanta’t sumasayaw at may props pang pusong pinapatibuk-tibok pa with hand movement. Height din ‘yon ng isyung pino-promote daw ng kantang ‘yon ang drug addiction. That argument has since resolved itself dahil ang gagong senador na nag-accuse nu’n ay nasangkot sa drug trafficking at ngayo’y nagta-try na i-revive ang career sa noontime show na tanging dahilan kung bakit siya nanalo noon. At least ‘yung mga kasama niyang sina Vic at Joey matuturing pang legends sa kanilang chosen field, much like The Eraserheads.
Nariyan pa rin ang Rivermaya at Parokya ni Edgar na mga kasabayan ng Eraserheads and I’m glad they still continue to make good Filipino music. Pero iba talaga ang sound, ang kurot ng apat na musikerong taga-UP. When they first came out, they were original, very fresh at na-capture talaga nila ‘yung psyche ng mga Pinoy – ‘yung nagpapasaya sa’tin, ‘yung mga pinoproblema natin, ‘yung mga gusto nating mangyari. ‘Yung mga lyrics minsan matalinghaga pero hindi sila dumarating na pretentious o malalim. Basta, nage-gets mo. The music of the Eraserheads somehow gives you warm, fuzzy feeling inside. No exag, just writing about it now makes me feel that way.
Malungkot na hindi na sila together at mukhang matagal-tagal pang panahon ang hihintayin natin bago sila magkasama-samang muli pero siguro ganu’n nga talaga ang pinakamahuhusay na sining. Sometimes, hindi longevity ang sukatan kundi ‘yung lakas ng alingawngaw na dulot ng kanilang saglit na pagsigaw. Parang Beatles. Hanggang ngayon naririnig mo pa rin ang influence nila sa mga songs at artists na sumusulpot. Parang si Nora Aunor. Mas tumagal si Vilma pero napaka-impressive ng filmography at impact sa pop culture ng Superstar.
Nang mabalitaan ko ang Ultraelectormagneticjam The Concert, nanlumo ako kasi for a moment akala ko reunion nila. Nakaramdam pa’ko ng galit sa mga local artists who dare re-do my well-loved Eraserheads songs. Pero after reading my friend Jove Francisco’s positive blog review, I decided to get a copy of the album (saka kelangan ko na ring mabaryahan ang 1000 ko nu’n para bumili ng fonkard kasi nalabhan ko ‘yung cellphone ko pero sa susunod ko na lang ikukuwento ‘yun, ok?). At happy naman ako sa purchase ko. Dama ko naman ang respeto ng mga artists sa musika ng Eraserheads. May mga plakadong interpretations (like Paolo Santos’ Magasin) at meron namang naiba na talaga (MYMP’s “Huwag Mo Nang Itanong” na favorite ko) but I’m not complaining. Ang hindi ko na nga lang ma-resolve sa sarili ko, eh, kung nagugustuhan ko ba’yung album dahil gusto ko ang pagkaka-re-interpret nila o dahil biased na talaga ako sa mga kantang nagdadala ng maraming alaala sa’kin.
Sa circle na ginagalawan ko, alam kong may connection ako kina Buddy, Ely, Marcus at Raimond. There are a couple of times that I’ve met them pero hindi ko man lang nasabi sa kanila personally how much they’ve affected who I am now. ‘Di bale kapag magka-chance ako… Nasabi ko nga ‘yun nang ma-meet ko si Kuya Bodjie a few months ago, eh. Ayoko nang simulang magsulat tungkol sa Batibot at baka humaba na’to nang husto.

Comments:
<< Home
Tama ka jan, i am also a great fan of eheads. Iba yung tama ng kanta nila e. Yun yung mga tipopng hindi mo pagsasawaan maski na maluma na. The album is great, yun nga lang di talaga ok yung ibang artist. Pero at least they tried diba. Pero kung tumanda na ko at nagkapera, i'll support you sa mga plano mo na magpa reunion concert sa eheads. But i think it would be difficult, nabasa mo na ba yung PULP issue, something about sa revelation nung wife ni ely? Well sana maging ok na yun. Mabuhay ang Eheads..
huy agapay... ako din bakas ako sa reunion concert. ihanay yan sa mga proyektong nais nating gawin. podcast and all. hahahaha. belated happy bday ha. happy new year na din.
mr. lance ano ang nasulat abt the ely wife?
mr. lance ano ang nasulat abt the ely wife?
Sa circle na ginagalawan ko, alam kong may connection ako kina Buddy, Ely, Marcus at Raimond. There are a couple of times that I’ve met them pero hindi ko man lang nasabi sa kanila personally how much they’ve affected who I am now. ‘Di bale kapag magka-chance ako… Nasabi ko nga ‘yun nang ma-meet ko si Kuya Bodjie a few months ago, eh. Ayoko nang simulang magsulat tungkol sa Batibot at baka humaba na’to nang husto.
fully stitched salwar suits wholesale ,
pakistani suits wholesale ,
Post a Comment
fully stitched salwar suits wholesale ,
pakistani suits wholesale ,
<< Home