Thursday, January 26, 2006

 

SAYAD

aired last Wednesday, 25 Jan 2006. this script starred marky cielo (digno) and gian carlos (joaquin) of starstruck. nu'ng sinu-sulat ko ang draft ng script na'to, kinikilabutan ako kasi 3am na nu'n. ang original concept, modern-day story at mag-jowang mean to each other ang characters. pero nu'ng nag-ocular sila sa bulacan where this will be shot, direk rico gutierrez spotted a vintage car, saka kulang na ng girls sa starstruck so i had to re-write the script para 'yung girlfriend magiging meek na kaibigan at naging period film na rin siya.

note that since i wrote this script for neophyte actors, naglalagay talaga ako ng characterizations at more detailed explanation ng emotions sa mga dialogues para makatulong sa kanila. normally, wala na'yan.

and also, digno is my maternal grandfather's name.


SAYAD

Mga Tauhan:
1. Joaquin
16 years old. Anak-mayaman na magulo ang pamilyang kinalakihan. Nasa mental hospital ang nanay. May pagka-anti-social at praning kung mag-isip.
2. Digno
Mas matanda nang ilang buwan kay Joaquin. Kaklase ni JOAQUIN sa kanilang exclusive school. Spoiled na anak-mayaman. Only child kaya dominante. Mayabang at mapang-abuso kung tratuhin si Joaquin.

Setting:
Circa 1930’s, Sa isang madalim na bahagi ng highway sa Bulacan. Bandang 1AM ng madaling araw. Walang streetlamps at walang ibang kotse maliban sasakyan ni ni Digno.

*****

Galit na ititigil ni Digno pagmamaneho. Naka-balandra sila sa gitna ng highway. Wala namang ibang sasakyan, eh. Parang naninigas si Joaquin sa pagkakaupo niya. Parang takut na takot ako.

JOAQUIN
Digno? Bakit tayo huminto dito? Walang katau-tao rito.

DIGNO
Ikaw na mismong nagsabi, walang katau-tao rito. Kaya umayos ka nga.

JOAQUIN
(Hindi malaman kung itutuloy pa niya ang pagpapaliwanag kasi alam niyang hindi lang maniniwala ang kaibigan) Digno, hindi ako nagbibiro. May nakita akong babaeng nakaputi.

DIGNO
Sus! Kalokohan!

JOAQUIN
(Magiging defensive) Kung hindi ka naniniwala, hindi mo na’ko kelangang insultuhin! (Akmang susuntukin si Digno)

DIGNO
(Titignan nang masama si Joaquin, ni hindi man lang matitinag sa nakaambang kamao ni Joaquin) Bakit? Lalaban ka!?

Unti-unting ibaba ni Digno ang kamao. Aayos ito ng pagkakaupo sa passenger seat.

JOAQUIN
(Mahinahon pero halata pa rin ang inis sa boses) Hindi ako nababaliw.

DIGNO
Hindi ako nagsabi niyan.

JOAQUIN
(Pasigaw) Hindi mo nga sinasabi pero ‘yon ang pinapalabas mo!!!

DIGNO
Wala ka nang kuwentang kausap. Iuuwi na kita sa inyo (Pabulong) Baliw!

Ii-start ni Digno ang pick-up pero maghihingalo ang makina. Ayaw mag-start.

DIGNO
(Mababanas) Tignan mo’ng kamalasang dala mo!

Akmang bababa ng pick-up si Digno. Hahawakan siya sa braso ni Joaquin para pigilan siya.

JOAQUIN
(Takot) Sa’n ka pupunta?

DIGNO
Hindi ako aalis. Titignan ko lang kung ano’ng sira nito!

Tuluyang bababa ng kotse si Digno at bubuksan ang hood ng makina. Hindi na tuloy siya makita ni Joaquin. Lalo siyang ninerbiyusin dahil mag-isa na lang siya sa loob ng sasakyan.

JOAQUIN
Bilisan mo na lang d’yan. Baka nag-aalala na sila sa’tin. Sabi na kasing ‘wag tayong magpagabi, eh. Digno?…Digno? (Lalong matatakot)

Biglang may lalaking a-appear sa bintana ni Joaquin!

JOAQUIN
(Sigaw nang sigaw na halos atakihin sa puso!)

Si Digno lang pala, tinatakot si Joaquin.

DIGNO
(Tatawanan si Joaquin) Mali ka. Baliw ka na talaga! (Tatatawa-tawa pa rin.)

Sa pagkabanas, bababa ng kotse si Joaquin para i-confront ang kanyang abusado kaibigan.

JOAQUIN
Nagtitimpi lang ako sa’yo! ‘Wag mo’kong itulad sa nanay ko!

DIGNO
Kung hindi ka tulad niya, bakit ba praning na praning ka?! Alam mo, nasa lahi ang pagiging baliw! (Ilalapit ang mukha kay Joaquin na parang lalo pang nang-aasar) Baliw!

Itutulak ni Joaquin si Digno. Hindi man lang matitinag si Digno.

JOAQUIN
(Nanggigil) Ano’ng klase kang kaibigan?! Pinagkatiwala ko sa’yo ang kuwentong ‘yan. Nabaliw siya dahil sinasaktan siya ni ama. Nawala siya sa sarili niya kaya…

DIGNO
(Babarahin si Joaquin) Kaya sinaksak niya ang ama mo! Ilang beses mo nang kinuwento sa’kin ‘yan. At kung akala mo walang nakakaalam niyan…Buong bayan alam ‘yan! Na ang ina mo mamamatay-tao at ngayon nakakulong sa mental! Lumang balita na’yan, Joaquin! Pasalamat ka nga kinaibigan pa kita. Maraming nagsasabing layuan daw kita kasi malamang may sayad ka rin. Ngayon, sa kinikilos mong ‘yan, para ngang tama sila!

JOAQUIN
(Mapapraning. Parang may makikita) Ano ‘yon?!

DIGNO
Ano na naman?! (Mang-aasar) Babaeng nakaputi?

JOAQUIN
(Mapapbuntong-hininga na lang. Ayaw na niyang kontrahin si Digno.) Siguro nga namamalik-mata lang ako…Pero, Digno, natatakot na’ko sa lugar na’to. Umalis na tayo.

DIGNO
O, sige na! Sige na! Ayusin ko na lang ‘to. Pumasok ka na sa loob. Baka mahawa pa’ko sa’yo.

Digno moves back to the front of the pick-up to find out what’s wrong. Joaquin climbs back up the truck.

Pinipilit ni Joaquin na maging matapang. Biglang sa sulok ng kanyang mata parang may makikita siyang nakaputing tumalon mula sa likod ng pick-up.

Paglingon niya, wala naman siyang nakikita. Hihimas-himasin ni Joaquin ang mukha niya na tila ba nababaliw na.

Sa kapraningan, ila-lock niya ang mga pinto ng pick-up.

Makikita naman natin si Digno na abala sa pagkukumpuni ng makina. Hindi niya pinapansin ang kaluskos na ginagawa ng kanyang “nababaliw” na kaibigan.

Biglang may makikita siyang mga kable na kata-takang pinutol. Parang ginamitan ng kutsilyo.

DIGNO
Sino pumutol ni…(Magigitla siya dahil parang may a-appear sa tabi niya)

Biglang cut sa sa punto-de-vista ni Joaquin. Mapapasigaw siya sa biglang pagtumba ng hood.

Biglang pupunta si Digno sa driver’s side pero naka-lock nga ang pinto! Nagpa-panic siyang kakatok sa bintana.

DIGNO
Joaquin! Buksan mo’ng pinto! Buksan mo’ng pinto!
(Umiiyak na sa takot. ‘Di niya malaman ang gagawin) Ayoko! Ayoko!

Lilingon si Digno sa kanyang kaliwa na parang may papalapit sa kanya mula sa harapan ng sasakyan. Out of desperation, kakaripas ng takbo si Digno. Mawawala ito sa dilim.

Bigla na namang tatahimika ng paligid. Takut na takot si Joaquin.

Biglang may babaeng nakaputi at nanlilisik ang mga mata ang ididikit ang mga mukhsa sa passenger side window.

BABAE
JOAQUIN.

JOAQUIN
(Sisigaw) INAAAY!!!

Wakas.

Comments:
napanood ko to. nawala ata sa isip ni marky na 1930's ito, i remember him saying "sht" parang pinaikling "shit", nung hindi na umandar yung sasakyan. but over-all lumabas na ok naman acting nung dalawa kahit baguhan.
 
I don't know much about the acting business, Rey, but would like to know: Are actors expected to memorize their lines word for word?

Allowed din ba ng director at writer na may konting improvization ang actor, pero still adhering to the original feel and theme of the dialogue? Just curious.

eric
 
yes, eric, actors are expected to know their lines. and directors are expected to have read the script beforehand, too, hehe.

pero siyempre hindi naman strictly verbatim kelangan. kung masasabi ng aktor ang kanyang lines without greatly deviating from the character, or affecting the storyline, ok na rin. (hindi ok 'yung pag-adlib ni marky ng "shit" kasi nga 1930s 'yung setting). usually, call na 'to ng direktor since writers are seldom at the set.

hindi kasi tulad ng literary writer na ang kung saan ang written output like a poetry or a novel na ang ultimate result, ang script will be interpreted by other artists who contribute to the final output - the tv show or the film. nariyan ang actors, ang directors, ang production designer, the lighting director, the editor, costume designer...

it's always exciting to see how other artists will interpret your work. minsan nakakatuwa kasi may nakikita sila na hindi mo naman sinasadya. puwede rin namang hindi mo magugustuhan ang re-interpretations nila. you've got to live with it kasi artists din sila and may karapatin din silang mag-express. kung nakita ng costume designer for example na dapat naka-shades lagi 'yung isang character to symbolize na lagi siyang may tinatago at ikaw naman as i writer you feel na dapat 'wag tinatago ang mata niya kasi du'n mo lang dapat mase-sene ang truth behind all the lies na sinasabi niya, pag-usapan n'yo na lang...

sa us, ang screenwriters guild merong pinu-push na alisin ang credits na "a film by" tapos pangalan ng director ang nakalagay kasi nga ang isang pelikula (or tv show) is almost always a collaborative effort, and not one person - kahit direktor pa - can honestly claim authorship over it. i agree.
 
agree ako na dapat tanggalin ang "a film by" kasi hindi lang naman direktor ang gumawa ng pelikula. parang yung maximo oliveros, i told sunshine about this na rin, na it's yamamoto's story talaga, pero who's receiving awards for the film? yung director na si aureus. although syempre baka ayaw lang talaga ng limelight ni yamamoto or hindi siya pwedeng umattend sa mga screenings abroad. teka, wag naman sana mao-offend yung director kasi baka naman pinakiusapan siya talaga ni yamamoto na siya na ang tumanggap ng awards.

im thinking kasi yung maximo oliveros, ang nagdala sa kanya talaga e yung script. actuly im telling shine na siguro kahit mediocre director ang nagdirec tng maximo e ok pa ring lalabas yung film. kasi from the very start e maganda na talaga yung story.

kaso parang hindi nabibigyan ng credit yung scriptwriter. if im not mistaken me report sa dyaryo na "aureus solito's film maximo oliveros bags an award...." (pero sa pagkakataong ito siguro dapat sisihin yung reporter kasi parang ibinigay niyang lahat ang credit kay solito at hindi na halos napansin si yamamoto.)
 
Best regards from NY! Apply bad credit mortgage online Bill farmer insurance pay Fix dryers Fluoxetine appetite
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?