Tuesday, February 14, 2006
Coney Reyes on Celebrity PBB
Hindi ko kinaya nang inintroduce kagabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition na meron silang celebrity spiritual adviser. Ang unang pumasok sa utak ko si Fr. Sonny Ramirez. ‘Yun pala si Coney Reyes! Nye!
Tanong ni Coney sa celebrity housemates, “What do you worry about?” After ng sharing, ang sabi ni Coney, “One day at a time lang…Ipagdasal mo lang kung ano ang kelangan mo para sa araw na’yon… Throw your cares to the Lord because the Lord cares for you.”
Ayun, naluha ako.
This morning kasi I spent the morning worrying about my next move. Ilang linggo na lang ay magtatapos na ang Starstruck. When that time comes, wala na’kong show sa GMA. At wala pa’kong naka-line-up na regular show. Puro raket lang. Nag-alala tuloy ako.
Until nga na-counsel ako ni Coney Reyes…In fairness, ‘yung sinabi niyang ‘yon ang isa pang paninindigan ko sa buhay ko mula ngayon. That makes two things that I’ve learned from Coney.
***
‘Yung unang natutunan ko kay Coney Reyes, eh, nabasa ko ata sa “Trip To Quiapo” ni Rickey Lee, isang napakagandang libro on scriptwriting. Sabi niya ru’n writing is a gift from God. It should not depend on mood. Kapag gusto mong magsulat, ipagdasal mo lang at ibibigay Niya sa’yo. ‘Yan ang pangunahing pilosopiya ko sa pagsusulat.
***
Hindi ako Coney Reyes fan. Being so, pati ako naa-astound sa profound effect niya sa akin. Cosmic manifestation ba’to mula sa childhook ko na puno ng panonood ng Coney Reyes on Camera pagkatapos ng Eat Bulaga tuwing Sabado?
Puwede rin namang creative lang talaga si Lord sa page-express ng Kanyang sarili sa’tin. May mas ke-creative pa bas a paggamit Niya kay Coney Reyes ang para kausapin ako?
EPILOGUE SA “Coney Reyes on Celebrity PBB”
Dagdag ko lang ‘tong dalawang naalala ko kay Coney Reyes:
Una, bata pa’ko nu’ng at pinagpuyatan ko ang Star Awards for Television. Off the air na ang Coney Reyes on Camera nu’n pero qualified pa ito for an award for that year. And, surprisingly, nanalo si Coney ng Best Actress. Natalo pa niya yata si Maricel Soriano para sa Maricel Drama Special. Upset talaga!
Tapos sa kanyang acceptance speech, Coney gave a very impassioned speech. Hindi raw niya ikinahihiyang i-declare na she wanted to win that night. That she really prayed to win. Madaling araw na’to. Mag-isa na lang ako sa sala at natatawa-tawa pa’ko sa kanyang hysteria pero napaisip talaga ako na, “Hmmm… Ang galing mo magdasal, ha, Coney.”
Pangalawa, nu’ng EDSA Dos, nag-lead ng prayer si Coney Reyes. Hysterical na naman siya like her acceptance speech. To make it worse, ang hoarse ng boses niya. Ginagaya ko siya. Tawanan kami ng mga kabarkada ko. ‘Yun lang.