Tuesday, February 14, 2006

 

EAVESDROPPING ON DIREK LAURICE GUILLEN

Ka-meeting namin ngayon si Direk Laurice Guillen. Nasa-starstruck ako sa kanya. Though hindi ako ang directly makakatrabaho niya kasi hindi ako ang assigned sa script ng idi-direct niyang eksena featuring the six Starstruck Survivors and Ms Lorna Tolentino, nag-i-eavesdrop ako sa usapan nila ng assigned writer. She’s going through the script kasi.

Kanina ko lang nalaman na si Direk Laurice ang darating today. Buti na lang sinipag akong magbihis today. Naka-polo, necktie at velvety jacket ako. Medyo mainit kanina nu’ng nag-tricycle at jeep ako papunta rito pero napanindigan ko naman. Good thing umaambun-ambon na sa labas.

Sabi niya, ang performance ng isang aktor is dependent on the writing. Nanghihinayang tuloy ako na hindi ako ang na-assign sa episode na’to. Exciting pa naman ‘yung task: come up with a script na mangyayari lang sa isang bahay, but will feature seven characters na bawat isa magkakaroon ng moment, and everything must last for only seven minutes.

At ito pa ang triviang napulot ko sa kanya: “Nu’ng panahon ko sa telebisyon, bawal sabihin ang salitang buntis.” Apparently, back in those more conservative days, masyadong vulgar ‘yung word na’yon. Sine-censor daw. Mas preferred ang term na “nagdadalang-tao.” Ang galing, no? Ngayon, wala nang nagsasabi ng “nagdadalang-tao.” Ibig-sabihin ba vulgar na tayo?

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?