Tuesday, February 14, 2006

 

LOLO NSO

‘Yung isang co-writer ko na nagsusulat sa Pinoy Pop Superstar may kuwento. May tumawag daw sa office ng Pinoy Pop Superstar. Lolo raw na parang nakatira sa isang malayong probinsiya at nakikitawag lang sa nag-iisang landline sa kanilang barrio.

“Ano po ba ‘yung kelangan naming kunin sa NSO?”

Sagot ng co-writer ko: “Birth certificate po ‘yun, lolo. Kunin n’yo po sa National Statistics Office.”

Pero parang nalilito pa rin daw si lolo. Meron pa raw ibang nire-require na kelangang kunin sa NSO. Hindi naman maisip ng writer kung ano ‘to. Finally, pinasa na ng lolo ang telepono sa kanyang apo.

“Ako po ‘yung mag-o-audition. Ano po ba ‘yung kelangan sa NSO?”

“Birth certificate po ‘yun.”

“Hindi, may isa pa po na pinapakuha n’yo sa NSO. ‘Yung a capella. Ano po ba ’yun?”

Napa-tumbling ang writer-friend ko. Required kasi na kumanta nang a capella ang mga mag-o-audition sa Pinoy Pop Superstar.

Nang marinig ko ang kuwentong ‘to, hindi ko alam kung tatawa ako o maawa.

Comments:
Enjoyed a lot! » » »
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?