Friday, February 17, 2006
THE MYTH OF BROKEBACK MOUNTAIN
May tendency magkaroon ng Emperor’s New Clothes Syndrome when reacting to an Oscar-nominated film like Brokeback Mountain. Nakakatakot magbigay ng negative comment kasi nga everyone is raving about it. Eh sa na-bore ako, eh! Isipin mo, hango sa isang short story ang two-hour movie na’to.
Yet this morning I woke up with the final scene playing in my mind. That’s how subtly the movie has affected me.
Ang pinakamalaking apprehension ko lang about Brokeback Mountain is that it may create the illusion that it is about a time long past. Na magpasalamat tayo dahil ngayon ay accepting na ang society sa mga bading. In fact, we’re not quite there yet. The movie being set in the 60’s through the 70’s should not make us believe that the dilemmas faced by the film’s gay protagonists are things only of our prejudiced past; that gay men of today do not experience the repression, insecurity and violence that Ennis and John went through.
Madalas sabihin na very well accepted ang mga bading sa Pilipinas. Kung ikukumpara nga naman sa ibang bansa, mas malaya dawng nakakakilos ang mga bading dito. Pero iyang malinaw pananaw na ‘yan siguro ang pinakamalaking problema ng gay rights advocacy sa bansa. Kung minsan kasi mas madali pang kumbinsihin magbago ang isang lipunan na hayagang kumikitil sa karapatang-pantao ng mga bading, kesa sa atin na pasimple lamang kung manggipit tapos naniniwala na higit pa nga sa sapat ang ibinibigay na natin. Maraming mga batas, policies ng private at religious institutions at mga paniniwala ng mga indibidwal ang nananatiling discriminatory sa mga bading dahil dito. Masasalamin ‘yan sa napaka-commong sentiment na’to: “Tanggap na ng lipunan ang mga bading na magkarelasyon sa kapwa nila. Hindi na kailangan na sila ay payagang ikasal.”
The setting of Brokeback Mountain may have easily justified the decisions and the fate of the two cowboys who entered heterosexual unions despite their homosexual love but the same story could be told with two New York City stockbrokers in 2006 as characters. Puwede rin silang dalawang Pinoy na call center agents na nagtatrabaho sa Makati ngayon.
The gay community should not allow the heterosexual world to believe that today’s world is unbiased already. Na nangyayari lamang ang Brokeback Mountain nu’ng 60’s sa mga bundok sa Montana. Hanggang ngayon, maraming bading ang nakukulong sa mga mapaniil na expectations ng lipunan. Marami pa rin ang tago at ingat sa kanilang pagkilos sa takot na kutyain, mawalan ng trabaho, itakwil ng pamilya, iwasan ng mga kaibigan, pagtsismisan ng mga kapitbahay, paringgan ng pari sa sermon, and in extreme but possible circumstances, saktan at paslangin.
Sa mga straight kong kaibigan na lang, nakikita ang attitude na’to. Marami sa kanilang naniniwala na dahil lamang may kaibigan silang bading accepting, open-minded at unprejudiced na sila. Subalit hangga’t meron akong kaibigan na naniniwala na “Wala akong problemang magkaroon ng kaibigang bading” subalit sikreto pa ring iisipin n asana wala silang baklang kapatid, anak, magulang… o kaya magsasbing “OK ka, ha. Hindi ka katulad ng ibang bakla d’yan” hindi pa puwedeng ipagmalaki ng Pilipinas – at maging ng anumang lipunan – na ito ay tunay na makatao at mapagpalaya.