Thursday, February 09, 2006

 

SEVEN THOUGHTS ON PAGTAE SA PUBLIC RESTROOM

1. Bakit kapag tumatae ka in a public restroom, feeling mo may ginagawa kang krimen? Kelangan tagung-tago - pinipigilan mo ang pag-utot mo, ang pagpururot mo. Something that is almost always impossible dahil if you are desperate enough to take a dump at a public restroom, it means you really really have to go.

2. Just yesterday, inabutan ako sa isang building sa Ortigas. Pero naka-lock ang isang cubicle. Pagsilip ko, may paa. Meron nang tumatae. At nang nasa kalagitnaan, narinig kong lumabas na’yung nasa kabilang cubicle. Parang napahinto ako sa pagtae ko. Parang subconsciously gusto kong maging invisible, na para bang hindi niya alam na may tumatae rin. I don’t know what I had to be ashamed of, eh, tumae rin naman siya. Basta dyahe!

3. At kahit tapos na’ko, hinintay ko pa ang ilang minuto after niyang lumabas ng banyo bago ako nagsimulang maghugas. Baka kasi may makarinig. And no one, after taking a dump at a public restroom, would like to go out of the cubicle tapos may tao pala sa banyo. Alam mo kasing titignan ka niya at iisipin niyang “Tumae ka, no!” Again, I don’t know what one should be ashamed of dahil sigurado namang akong tumatae rin naman sila. Kung hindi sila tumatae, ‘yun ang talagang dapat ikahiya!

4. On the bright side, dahil wala occupied na’yung unang cubicle, nauwi ako sa mas malaking corner cubicle na may panoramic view ng Ortigas corner Emerald. Power Dumping!

5. A scientific research shows that the first cubicle in a public restroom is always the cleanest. Apparently, people value the privacy so they usually use the last one. Dito rin siguro pumapasok ‘yung pina-ponder kong shame that goes with taking a dump at a public restroom. The last time I used one of those pay lounges, I chose hygiene at du’n talaga ako sa unang cubicle. Ako lang ang nasa banyo nu’n, ha, pero na-conscious talaga ako.

6. Which brings to mind some of the best public restrooms in which I’ve “major gone.” Sa Fleur de Lyss Morato, parang handa sila sa mga ganu’ng sitwasyon. Well, they should be. It’s a dessert place. Perfect ang kanilang maliit na banyo! May tabo, may tissue, at may deodorant spray pa para you don’t leave any trace! Unlike sa Starbucks 6750 na hindi nagfa-flush nang maayos! Nakakahiya! I had to flush it several times bago lumubog. By that time, obvious na sa mga nakapilang lalake’t babae (Damn Starbucks unisex restrooms!) kung ano’ng ginawa ko sa loob!

7. Frustrating ang mga pay restrooms ng Gateway at Shagri-La Mall. Lounge ang tawag nila kahit pareho lang naman ng kanilang “free” restrooms. May konting lighting lang at may mga alkohol, mouthwash, lotion, at kung anu-anong abubot sa lababo pero wala naman ‘yung pinakaimportanteng bagay kung bakit napipilitang magbayad ang isang mall-goer para lang magbanyo…walang tabo! Kaya ba siguro ang dami nilang nilalagay na panlinis ng kamay sa lababo para maalis ang yucky feeling ng pagpupunas lang ng tissue without tabo and water? Ewan ko, ha. ‘Yung banyo ko sa bahay is no Lounge pero at least may tabo!

Comments:
ewan ko ba kung bakit ang mga "pay comfort rooms" ay maninigil ng bayad na wala namang tabo...pilit ginagaya ang western culture na tissue lang pamunas sa puwit ayos na. pambihira, pinoy ang tumatae automatic na sana may provision sa tabo at tubig. mas masarap kaya feeling ng nahugasan ng maayos ang ating behind kaysa sa tissue, haha.

hindi lang sa 6750, kundi sa starbucks morato at valero ganun din mabagal mag-flush. may defect siguro yung model ng inidoro nila. oh well...buti pa sa bahay ng alumni maraming tabo. hindi ko ipagpapalit ang 2nd floor CR nito sa Gateway o Shangri-La. maayos pa mag-flush.

napadaan muli =)
 
To be honest, hindi pa ako nakakapagbawas sa isang public restroom sa buong buhay ko. Hindi sa tinitiis ko, hindi lang talaga ako tinatawag ng ganoong katindi ng kalikasan.

Pero nakakapagtaka nga, bakit nga kaya?
Siguro dahil bago pa lang talaga sa Pinoy pysche ang public restrooms. Since dala ito ng modern industrialism eh hindi pa masyadong nakakapag-adjust ang mga pinoy.

Sanay pa kasi sa bukid o sa isang madamong lugar, ("sa bukid walang papel...") kung saan wala talagang ibang tao.
 
ang major problem sa toilets used to be water... wala water, wala use ang toilet.. madumi, hindi naflu flush...but that has changed.. at least in the service area of manila water.. (i cant say the same for maynilad serviced areas).. the next step should be installing bidets.. preferably with adequate water pressure to really clean your toosh...

I once had to do it at the public toilet of the MRT in Kuala Lumpur and for a subway toilet, it was good! I wonder when the Philippines' toilet situation improves
 
just a tip mula sa kapwa mong inaabutan ng sakit ng tiyan in the middle of the day.

ang all-time favorite CR ko sa pagebak ay ang CR ng Makati Shangri-La Hotel. yung cubicle nila, parang maliit na kwarto. sahig hanggang kisame yung pader at pintuan, kaya siguradong meron kang privacy.

kahit na nasaang sulok ako ng makati, pag nakaramdam ako, sa "Makati-Shang" lagi ako, kahit malayo. :D
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?