Monday, April 10, 2006
THE ECONOMICS OF BEAUTY or Bakit Kumu-Cute si Manny Pacquiao
Economic power is directly proportional to how beautiful you are perceived. Makikita natin ‘to sa Filipino standard of beauty. For the longest time (well, hanggang ngayon pa naman) maganda para sa’tin ang mestisuhin kasi naa-associate natin sila sa mga Kastila at mga Amerikano na by virtue of them being our conquerors controlled our economy. At alam natin nu’ng panahon ng ating mga lolo’t lola eh dini-discriminate naman ang mga Chinese. Intsik Beho ang image natin sa kanila. Pero dahil marami sa kanila ang piniling magnegosyo upang makaahon sa kahirapan habang ang mga Pinoy eh mas minabuting mangibang-bansa, unti-unting lumakas ang kanilang impluwensiya sa ating ekomoniya, at unti-unti’y naging maganda na ang mga Chinese sa mata ng mga Pilipino. The fascination for the “chinito” na pinauso ng F4 ang naging manifestation ng pagbabago ng opinyon ng mga tao tungkol sa kagandahan ng mga Instsik. Or puwede rin namang nakatulong din siguro na maputi rin sila tulad ng mga una nating kinahumalingang Kastila’t Kano.
A few years ago may lumabas na commercial campaign for a beauty product. “Kutis artista” ang pina-promise na magiging dulot ng paggamit daw nito. Ito ay resulta ng Economics of Beauty. Kung titignan mo nga naman ang mga society pages, magaganda ang mga mayayaman. Partida nga naman kung mayaman ka kasi naka-aircon ka madalas, masarap ang kinakain mo, nakaka-afford kang mag-gym, nakaka-afford ka ng libu-libong halagang haircuts, treatments, products at fashion. O kung wala ka namang pag-asang gumanda nang todo sa kabila ng dami ng pera mo, puwede mong bigyan ng headstart ang iyong mga anak by marrying a pretty young thing at nang malahian naman ang iyong ‘di kakisigang lahi. Maganda ang asawa ni Juan Ponce Enrile, ‘di ba? Ang Babalu-esque na si Peping Cojuangco ba ay magkakaanak na singganda ni Mikee kung hindi niya pinakasalan si Tingting? Ewan ko nga lang kung magkakaanak pa si Tony Boy kay Gretchen.
Minsan naman, nakakabili ang mayayaman ng PR para gumanda sila sa perception ng iba. Parang Emperor’s New Clothes. Sina Baby Arenas at Margarita Fores ay madalas natatala sa mga Most Beautiful at Best Dressed Lists ng mga Society Magazines dahil dito. Pero sa kanilang hitsurang ordinaryo naman, malayong mangyari ‘to kapag hind sila mayaman. Well, si Margarita siguro may pag-asa pa. Si Baby, ehem.
In fairness, hindi lang naman Economics ang nakakaapekto sa ating standard of beauty. Marami ‘yan: fame, success… Si Manny Pacquiao nga kumu-cute na sa paningin ko, eh! Natatakot na nga ako. Lalo na sa McDo Chicken Billboard niya. Ang sarap kamayin!

Comments:
<< Home
low life poor little shit. i feel bad for you you talk about other people and you yourself lives in a squater area
Cool blog, interesting information... Keep it UP Ads.com infinite tablet viagra Thin bath tubs Canadian cities coats of arms Lexus locklear debbie
Post a Comment
<< Home