Monday, April 10, 2006
THE SUIT
I bought my first suit when I was in third year high school. Aatend kasi ako ng prom ng Miriam.
Well, actually, daddy ko ang bumili. Saka sport jacket lang siya. Mahal kasi ‘pag suit kelangan pati pants bilhin mo. Nahirapan nga ang partner ko kasi walang lapel hole para lagyan ng corsage. Nasa Friendster ko ‘yung prom date ko na’yon pero ang naging girlfriend ko eh iba pa niyang batchmate. Whaaaat??? O basta, ibang kuwento pa’yong past life ko.
A few times ko na lang nasuot ang suit na’yon afterwards. Hindi kasi nag-prom ang batch ko sa Marist. Nababaduyan kami sa concept nu’n. Ngayon parang there’s a part of me na nagsisisi na hindi namin ginawa ‘yon. Pero naging importante ‘yung suit na’yon sa aking psyche. Having it felt like you’re a man, a grown-up. Pinapakita nu’n that there’s a chance na dumalo ako sa mga okasyong kelangang naka-suit. Like a funeral, perhaps.
My grampa borrowed that suit for my gramma’s funeral. Yes, grampa at gramma ang tawag namin sa kanila dahil all their retired lives ay sa US sila nakatira, American citizens sila at sanay sila sa ganu’ng tawag ng mga amboy kong pinsan. Nakiuso lang kami.
Nauwi ng grandfather ko ang suit na’yon nang bumalik siya sa America. A couple of years later, siya naman ang sumunod sa lola ko. Natatandaan ko may lagnat ako nu’ng dumating ang kanyang body dito. Hinang-hina pa’ko nu’ng una akong pumunta sa burol pero hyper ang mommy ko. Excited siya sa kabaong ni grampa na “parang kotse” ang finish. At may mga levers ito sa ilalim na parang hospital bed mong matataas ang bangkay. Puwede pa nga raw mapaupo. Siyempre hindi ko na ni-request na i-demo ng mommy ko ‘yun.
Pero ang ikinagulat ko, eh, walang salamin ‘yung coffin. Na-bother ako at first then napaisip ako kung bakit takut na takot tayong mga Pilipino sa patay? Ang lalim-lalim ng kabaong natin tapos may salamin pa tapos may cover na kalahatian, tapos meron pang isang malaking cover. At ang sikip-sikip pa ng bangkay ru’n kasi nga kapag may puwang baka raw may sumunod. Samantalang ‘yung sa lolo ko spacious! Wala pa namang sumusunod, in fairness.
Feeling ko happy naman si grampa sa kanyang kabaong Stateside. At mukhang komportable naman siya sa suit na suot niya. Sa kanya na lang ‘yun. Alangan namang bawiin ko pa.

Comments:
<< Home
Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. rhinoplasty + new orleans la mega domains
Post a Comment
<< Home