Monday, April 10, 2006
WANNA SEE MY BIKE LOG? PASIG TO CCP
Mula nang masira sa pang-ilang beses nang pagkakataon ang bangka ng UP sa Marikina River, napilitan ngayon ang dragonboat team na mag-ensayo sa far-flung Manila Bay tulad ng ibang teams.
Dito nagsimula ang madalas kong pagba-bike mula sa aking bagong nilipatang bahay sa Santolan, Pasig (na pinili ko pa naman dahil malapit lang ‘to sa Marikina) papuntang CCP Complex, Roxas Boulevard.
6AM ang training kaya 4:30 pa lang nagpapa-alarm na’ko. Madilim pa ‘pag magsimula akong pumadyak. From my place, kaunting padyak lang papunta sa access road to Libis from Manggahan. Ang kalaban mo lang du’n, eh, ‘yung mga trak sa masisikip na daan. Kung minsan pa, paglagpas mo ng tulay sa access road, eh, hahabulin ka pa ng mga aso.
Lusot nu’n sa may Monark, tapat ng The Spa, sa may Eastwood. Madali lang tumawid ng mga ganitong oras sa 8-lane highway na’to. From Libis babaybayin ko na hanggang Ortigas. Dati trinay kong mag-shortcut sa Green Meadows. Nakalimutan ko rolling hills nga pala ‘yun.
Gradual incline ang Ortigas mula Libis hanggang Meralco Avenue. Tawid ng EDSA, lampasan ang Greenhills, Boni-Serrano, kaliwa sa N. Domingo. Puwede ring kumaliwa sa Boni-Serrano pa lang tapos kumanan na lang sa M. Paterno na lulusot din ng N. Domingo. Bahagyang hilly nga lang ang lugar na’to pero mas konti ang sasakyan at marami pang puno sa sidewalks.
N. Domingo it gets interesting. Dito magsisimulang maging obvious ang socio-economic schism ng Pilipinas. Mula Ortigas, dadaanan mo ang mga magagarang condo/townhouse developments, at spill-over ng mga old riche homes ng New Manila. Pagdating na ng bandang San Juan, mga maliliit na commercial-residential establishments naman ang makikita. Nagiging challenging na rin ang pagpapadyak dahil kahit relatively flat ang kahabaan ng N. Domingo, masikip ito (2-lanes lang) na walang maayos na sidewalks kaya maraming jeep, trak, private vehicles at pedestrians kang dapat iwasan.
‘Pag nakita ko na ang SM City Sta. Mesa (kelan pa kaya nila inalis ang unang tawag nila na Centerpoint?) pakiramdam ko I’m halfway there na. Yahoo!
At dito titindi ang kahirapang makikita mo. Sa may tulay, sa gilid ng itim na ilog na tadtad ng basura, eh, mga barung-barong na ang sasalubong sa’yo. Marumi at puro graffiti na rin ang maliit na tulay na tatawirin mo. Wala na ang historical marker na nagsasaad na dito binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino na siyang naging hudyat ng Philippine-American War noon. Siguro kapag mahirap ang buhay, deadma ka na sa anumang kasaysayan ng lugar mo.
Isa pang crossing ang tatawirin at ang one-way “motel lane” naman ang mararating mo. Puwedeng mag-shortcut sa mga motel rito papunta sa bagong Quirino Hi-way kaso nakakailang. Nito na lang ko nagawa ‘yun. Madalas, nag-u-u-turn pa’ko sa may gasolinahan.
“Bagong tulay” ang tawag nila dito sa access road from Old Sta. Mesa to Quirino Highway. Malawak ‘to at konti lang ang dumadaan. It could have easily been the most enjoyable part of this ride kaso nakaka-depress pa rin ang mga barung-barong na nakatayo sa gilid-gilid nito. Minsan nga may nakita pa’ko ritong rugby lolo (parang rugby boy kaso lolo). Mula sa mga komunidad na’to nagmumula ang napakaraming pusa’t dagang sinlaki rin ng pusa na napipisat ng mga sasakyan. Araw-araw may fresh roadkill. Kadiri talaga! Ganyan na rin tayo ka-deadma sa mga nangyayari sa paligid natin. In the comfort of our airconditioned cars parang wala na tayong nakikitang iba. Cycling increases your awareness kasi talagang nalalanghap mo ang hangin ng Metro Manila.
Interesting to note na vibrant pa rin naman ang communities na nadadaanan ko. Mahirap man sila, nagagawa pa rin nilang magsaya sa mga makeshift basketball, o kaya mag-improvise ng mga pagkakakitaan tulad na lang ng mga de-tulak na sasakyang umaandar sa riles ng tren.
Sa Quirino maliwanag na ang sikat ng araw at namumuo na rin ang morning rush. Madadaanan mo ang ruins ng lumang istasyon ng PNR. Paano nga natin ie-expect ang mga simpleng tao to care for historic landmarks in their area, eh, kung maging ang gobyerno pinapabayaan lang ang mga architectural legacy natin? Osmena Hi-way, Pedro Gil, Taft…Padyak lang nang padyak hanggang marating ang Manila Zoo, Roxas. Hmmm…kumusta na ba’ng Manila Zoo?
Kakaliwa sa Roxas at konting padyak na lang papuntang CCP. Dalawang oras na training tapos padyak na naman pauwi. Minsan trinay kong kumanan sa Old Sta. Mesa galing tulay. Tumuluy-tuloy ng Shaw hanggang marating ang EDSA. Parang mas malayo, mas matarik, mas masikip at mas delikado ang rutang ‘to.
Forty-five minutes to one hour inaabot one way on my mountain bike. Tantiya ko mga 20 km ‘to.