Sunday, May 28, 2006

 

Yosi Jokes

Alexa, a friend from Broad Ass, and Oz, a friend I met at the Pagudpud Adventure Race last year, were working on a project for a tobacco company. They didn't know they both knew me. When they thought of getting a "stand-up" comedian for the event (Alexa was writer and Oz was the project manager), Alexa suggested me. Oz, of course, agree.

Alam ko matagal ko nang isinumpa ang pagsa-stand-up comedy. Kung hindi ko lang sila kaibigan... And on top of the trauma (as in isang linggo akong nag-agonize over this project. Kahit the night before the event hindi ako nakatulog and I was seriously considering backing out kasi talagang takot na takot na takot), they even asked me to submit sample jokes that I will be doing.

This is actually a first for me because I don't usually write down my jokes. Sana matuwa kayo sa sinubmit ko sa kanila:



Good afternoon po sa inyong lahat! I heard marami po sa inyo merong mga sari-sari store. Kaya nga napapayag akong pumunta ngayon dito kahit busy ako sa taping at sa shooting kasi malapit po sa puso ko ang mga sari-sari store owners dahil ang mga magulang ko ay sari-sari store owners din noon.
Malapit sa puso ko ang mga sari-sari store owners, pero hindi malayo naman sa puso ko ang mga sari-sari store buyers. ako meron rin kaming sari-sari store. Naalala ko kasi nu’n may bumili, laseng, eh ako nagbabantay. “Pabili nga ng Marlboro!” Sumagot ako, “Manong, ‘wag n’yo ho akong sigawan. Hindi po ako bingi!” “Ah, basta! Pabili ng Marlboro!” “ Saka wala po kaming posporo!”


If there’s one thing na pinauso ng Philip Morris, ‘yun ‘yung tingi-tingi. Famous ‘yan all over. Dito lang sa Pilipinas puwedeng bumili ng yosi nang tingi. Yosi lang ang puwedeng bilhin nang tingi-tingi. Noon ‘yun. Ngayon, dahil na rin sa hirap ng buhay, lahat na puwedeng bilhin nang tingi. Nagsimula sa shampoo, conditioner, toothpaste. Naging mas kumplikado: deodorant (ipapahid mo ng daliri mo sa kilikili mo na, I assume, may amoy kaya kelangan mong lagyan ng deodorant); shoe polish (pero ang shoes hindi mo pwedeng bilhin nang tingin)…naging mayonnaise, sandwich spread, peanut butter, Cheese Whiz, suka, patis, toyo…Ganyan na tayo kahirap. Pati floor polish naka-sachet! “Anak, naghihirap na tayo. ‘Yung sala na lang muna ang makintab ang sahig. ‘Yung kuwarto mo sa susunod na, ha, kapag nakaluwag-luwag na tayo nang kaunti.”

Ngayon meron nang warning label ang mga yosi. Buti na lang tingi-tingin kung bumili ang mga Pinoy kaya hindi rin nila nababasa, no. Pero unfair ‘yan. Bakit yosi lang? Kung may warning ang yosi dapat lahat ng puwedeng makasama may label. Chichirya – Maalat! Baka Magkasakit sa Bato! Chocolates – Nakaka-Dyabetis! Softdrinks – Nakakataba! Kotse – Nakamamatay! Bwahahaha! TV – Nakaka-bobo! Lahat na lang lagyan natin ng warning! Kandila – ‘Pag nakatulog ka tapos nahulog sa kurtina, ikasusunog ng bahay mo!

Ang ganda talaga dito sa Tagaytay, no? No offense pero halos lahat ng alam kung nasaan ang Tagaytay pero hindi alam kung saang probinsiya ito. Ni-research ko talaga na ang Tagaytay ay nasa Batangas. Kaya pala walang makaalam na nasa Batangas ang Tagaytay kasi ang image ng Batangas beach, balisong, ala-eh. Ang Tagaytay maginaw, bulaklak, sosyalan. Kumbaga kung ang Batangas tao, siya ‘yung bruskong tatay. Basagulero. Siga sa kanto. Tapos ‘pag may anak siyang bading ayun si Tagaytay! Mahilig magpaganda, mahilig sa bulaklak. Ganyan.

Pero sa totoo lang, type ko ang mga Batangueno! Sino rito ang Batangueno? Gusto ko lang marinig kayo magsalita. Sir, Batangueno po kayo? Puwede pong lumapit? Promise? Hindi n’yo ako sasaksakin ng balisong? Sir, alam n’yo bang nakaka-in love ang Batangueno accent? Puwede n’yo akong batiin…sa Batangueno? Ayan! Ang sarap n’yong hithitin! Parang Philip Morris! Thank you, sir.

Isa pang probinsiya sa South Luzon na malapit sa puso ko ay Lagina. Sino po’ng taga-Laguna rito? Ayan! Ang tatay ko po kasi ay lumaking Bicolano. Ang lolo ko kasi nakapag-asawa ng Bicolana. Pero ang ninuno ko mga taga-Laguna raw. Particularly, Liliw, Laguna. Sino po’ng taga-Liliw, Laguna! Ayan! Naku! Mga kamag-anak ko nga kayo! Magkakamukha tayo, o! O, bakit ayaw n’yong pumayag? Ang apelyido ko po ay Lagunang-Laguna, Tagalog na Tagalog. Agapay. Meron po ba ritong Agapay? In fact, meron akong nadadaanan kapag nagagawi kaming Laguna na Agapay Music Store. Eh, kaso hindi ako marunong kumanta, ‘yun nga lang. Hindi ko tuloy ma-claim na magka-mag-anak kami.

Actually, weird ‘yun, ‘di ba? Kapag meron kang nakilala na kaapelyido mo na malamang kamag-anak mo kasi hindi naman common ‘yung apelyido n’yo. Parang all of a sudden ba dapat maging friendly kayo? Agapay ka? Agapay din ako! Grabe! Magkamag-anak tayo! Oo nga! Ang galing! O, si lola ko may sakit. Ikaw naman mag-alaga, ha.

Gusto ko ang yosi kasi dahil sa isang yosi lang marami ka nang malalaman sa isang tao. Ang karpintero laging nasa tenga tinatago ang yosi. Pakiramdam ko d’yan nila nakukuha ang lakas nila. Wala pa’kong nakikitang karpintero na walang yosi sa tenga. Nagpupukpok, naglalagare, nagpipintura, naghahalo ng semento laging merong yosi sa tenga. Kapag alisin mo ‘yun magugulo ang pinapagawa mong bahay! Nangyari sa kapitbahay namin ‘yan. Walang yosi sa tenga ‘yung mga kinuha niyang karpintero. Hayun! Gumuho ang second floor ng bahay niya! Kasi wala pang first floor!

Sa pelikula naman kelangan ang kalaban, ang salbahe, ang mang-aapi laging may yosi. ‘Di ba? Andu’n sila, may wine, nag-iisip ng paraan kung paano parusahan ang bida, magsisindi ng yosi. Lalapitan ng gang leader ‘yung bidang bugbog-sarado. Magsisindi ng yosi. Bubugahan ‘yung bida. Bakit hindi natin gawin, for once, ‘yung mababait naman ang nagyoyosi? Hindi ba puwede ‘yun? Nagyoyosi si Narda sa tabi, darating ang kapitbahay. ‘Yung anak ko nasa taas ng building! Mahuhulog na siya. ‘Wag po kayong mag-alala. Tapusin ko na lang ‘to. Itatapon ang upos. Tatapakan. Sisigaw ng Darna! Lilipad para sagipin ang bata. Pagbaba, Salamat Darna! Nagyoyosi na ulit. Relax lang. OK lang po ‘yun. Aalukin ang nanay, Gusto n’yo po? Salamat, hija. Na-tense nga ako du’n. Hihithit. Hay! Sarap!


Ang cigarettes gawa sa tobacco leaves, ‘di ba? Parang ‘yung tabako ng mga lola-lola, ‘di ba? Ibig-sabihin ba puwede rin ‘tong baligtaran? Dapat ganu’n! Para sulit!

Pinagtatawanan natin ngayon ang mga pangalang may H, Kharen, Rhey, Jhun, Dhanny. ‘Yung mga walang H pilit nating lalagyan ng H. ‘Yung merong H inaalis naman natin! ‘Yung Philip nagiging Peeleep!

Yosi. Mula sa first and last syllables ng sigarilyo. Si at yo tapos binagligtad. How come hindi ‘to nauso sa ibang mahahabang salita. Telepono telepono pa rin ang tawag natin. Hindi naging no-te. Megamall hindi naman naging molme. Tagaytay hindi naging Taytag. Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa hindi naman Dom-en.

Kahunghangan ang sinasabi nilang ang yosi eh nakakasama sa tao. Eh mas lalong nakasama sa mommy ko nu’ng tumigil siya magyosi, eh! Noon: Mommy, kaya ako inumaga kasi napresinto kami. Tinakas kasi namin ni Robert ang kotse ng tatay niya. Nabangga ko kasi laseng ako. Kelangan kong bayaran, mommy. Hihingi po sana ako ng pera sa inyo. Kasi si Robert ayaw nang tulungan ng daddy n’ya kasi galit siya sa amin kasi mag-on kami. Yes, mommy, bakla po ako. Magsisindi lang ng yosi ang mommy ko. Tahimik lang siya. Hihithit nang malalim. Mommy, sorry. OK na’yan, anak. Eh, nu’ng nag-quit siya: Mommy, classcards kop o. Uno ako sa lahat ng subjects…Classcards! Classcards! Kelan ka ba gagradweyt? Nangkakanda-kuba na kami ng daddy mo kakapaaral sa’yo! Buti naman sana kung may kuwenta ‘yang kurso mo! Leche!

Comments:
best regards, nice info » »
 
best regards, nice info »
 
Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. Ice pick acne scar Online dress making saab of greenwich Porsche 944 over heating
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?