Monday, June 05, 2006
AN AUTHENTIC GHOST STORY
Nag-planning ang S-Files sa Holiday Inn Resort, Clark, Pampanga nu’ng Monday (29 May 2006). Hanggang Wednesday dapat kami ru’n pero ‘yung ilang bosing kelangang umuwi that same night dahil may early meeting pa sila the next day sa Manila.
Katabi ni Kokoy (Creative Consultant) ang driver sa GMA pick-up. Nasa likod naman sina Direk Rico at ang aming PM na si Ms Enri. Mga bandang alas-tres na sila lumarga. Nagkukuwentuhan sila kaya medyo naka-sideview si Kokoy sa kanyang upuan habang kausap niya ‘yung iba. Actually, sa kanyang kuwento ito. Tinawagan ko talaga siya nang malaman ko na naka-encounter nga sila ng kung ano dahil ito pa lang ang second ghost story na maririnig ko na authentic talaga base sa credibility ng taong nagkukuwento, at sa lapit ng degree ng relationship ko sa kanya. First-hand account ito! (At tinaon kong meeting ngayon habang sinusulat ko ‘to dahil kapag sinulat ko ‘to nang mag-isa kikilabutan ako.)
Nasa madalim na bahagi sila ng highway ng Angeles. Mabilis daw ang takbo nila nang biglang sa peripheral ni Kokoy napansin niyang may tao sa windshield. Obviously wala naman silang nabangga para magkaroon ng lalake du’n pero inisip niya na baka namamalik-mata lang siya. Lalakeng long-hair, mukha raw haggard ang mukha. Nakaitim na t-shirt. Mga limang segundo raw ‘tong nag-hover sa windshield bago ito nawala. Hindi nagsalita si Kokoy. Pero ang driver humirit ng “Ano ‘yun?” Tumili na si Kokoy! Nakita rin ng driver the exact same guy sa kanilang windshield…Awoooo!