Monday, July 03, 2006
Bastos Ba Ako?
Sinuspend ng MTRCB ang I-Witness for an episode by Howie Severino about the Lukayo Festival in Laguna. I’ve seen that episode kaya alam kong napaka-preposterous ng ruling nila. Andu’n na’ko na nasa batas na bawal magpakita ng penis at ng masturbation sa telebisyon pero I must agree with the I-Witness episode’s title: “Hindi Ito Bastos.”
The episode’s jump-off was Ramon Obusan who, at the time of the airing, was about to be conferred the National Artist Award (for Dance). Ipinakita ni Howie ang extensive video documentation ni Obusan ng iba’t ibang katutubong sayaw sa buong bansa, most of them we’ve never heard about. Nariyan ang isang sayaw na ginaganap tuwing Mahal na Araw kung saan the participants cover themselves up in leaves (mukha silang bulkier Chubaka) tapos merong phallic symbol hanging from their waist na kanilang nilalaru-laro. Depiction ito ng demonyo. It was enlightening for me to see na meron pala tayong ganu’ng mga sayaw.
From there ay ipinakita na ang actual Lukayo, isa pang katutubong sayaw na gumagamit ng phallic symbol. Sa ilang bayan kasi sa Laguna, tuwing may ikinakasal, ang mga babae sa bayan (most of them mga lola pa, ha!) nagbibihis in funny and colorful costumes, they hang talongs and other phallic symbols around their waists o ‘di kaya ay may dala-dala silang mga phallic symbol tulad na lang ng isang dambuhalang kahoy na titi na na may bulbol pa at naka-bonnet na parang isang sanggol na sinasayaw-sayaw ng isang maglu-Lukayo. Pinuprusisyon ng mga babae ang bride around town tapos hinahatid sa simbahan. Unfortunately, hindi sila pinapayagang pumasok sa Simbahan kaya naghihintay lang sila sa labas. Pagkatapos ng seremonya, tuloy na naman ang pagpuprusisyon nila. Pinapahawak-hawak pa nila sa bride ang mga phallus nila. Tawanan at merry-making talaga ang atmosphere ng ritwal.
Ang masama, kahit pala ang isang National Artist at isang respetadong broadcast journalist/documentarian hindi uubra sa kakitiran ng utak ni Laguardia at ng buong MTRCB. Heto tayo, isang bansang naghahanap ng identity tapos sa deka-dekadang ginugol ng isang Ramon Obusan to document and preserve our dances (some of them pre-Spanish pa) ngayon lang natin naisipan na gawin siyang National Artist. At kung kelan pa nagkaroon ng isang Howie Severino na ginagamit ang makapangyarihang medium ng telebisyon para imulat tayo sa ilang bagay na bumubuo sa ating identity, we go and shun it as bastos. This time, ang to-the-letter na interpretasyon ng batas ay sobrang nakasama. Mga Pilipino, sinasabi sa’tin ni Laguardia at ng kanyang MTRCB na bastos ang tradisyon natin, masyado raw tayong malaswa para mapalabas sa telebisyon!
True, the Lukayo is a little-known tradition in a remote town of Laguna. But it is still part of who we are. Ipinapakita nito na bago tayo ma-Hispanize at ma-Christianize, napaka-healthy ng ating attitude sa sex. Contetion din ito sa mga self-righteous na mga moralista kuno na walang respeto sa freedom of the press and expression kapag kinukundina nila ang mga “malalaswang” pelikula’t TV shows na mga hindi raw akma sa kultura’t tradisyong Pilipino. Halimbawa ang Lukayo na ang sinaunang kultura’t tradisyong Pilipino ay mas kumikiling sa Asian values na romantic at spiritual ang tingin sa sex (think India’s Kama Sutra), at hindi iyong Medieval European mentality na kinikilingan pa rin nila.
Gusto ko lang mag-sorry kay Ramon Obusan at kay Howie Severino sa pagsu-suspend ni Laguardia at ng MTRCB sa I-Witness sa kabila ng kanilang vision and true sense of country and decency. In this case, sila Laguardia at ang MTRCB ang bastos.

Comments:
<< Home
Hi rey, well-presented article. Howie Severino even posted a comment on it..grabe! Idol ko yun...
Have been to that place kung saan ginaganap yung lukayo festival? I want to go there kasi at tuwing kelan yun?
im darwin, http://trackingtreasure.net
Post a Comment