Wednesday, July 26, 2006
Crooked Bananacue Woman
Here’s another memorable encounter with a stranger.
Nakatambay ako sa veranda with Haydee. Dumating ang isang matandang babaeng may bilao ng bananacue at lumpiang togue sa ulo niya. Maliit lang siya, nakaputing sando, black shorts, tsinelas. Short hair. Pero ang nakakatawag-pansin talaga sa kanya ‘yung halos tumabingi na ang buong katawan niya siguro dahil sa dala-dala niya.
Bumili akong togue. Nang dinambot niya uli ‘yung bilao pagkatapos, sabi ni Haydee, “Ale, ang lakas n’yo naman!”
Sagot nu’ng babae, “Mahirap lang po kasi ako kaya binigyan ako ng Diyos ng lakas.”