Friday, July 07, 2006

 

Grey's Anatomy

And for more, mali pala ako. GREY'S ANATOMY pala at hindi GRAY'S ANATOMY ang title ng show. Hango sa latter ang title nu'ng series. Apparently GRAY'S ANATOMY by Henry Gray is a landmark medical book on the human physiology. Nalaman ko lahat ito sa Google.

Ang galing na talaga ng technology ngayon. Isipin mo kapag nagmi-meeting at may pagtatalo sa mga definition ng terms, spellings, matse-check na agad namin sa laptop ang sagot.

Wikipedia has a hundred times more articles on a more vast range of topics than the volumes of Encyclopedias na libu-libo ang ginastos ng mga magulang natin as investment. Meron mang virtues ang tangible handling ng books - 'yung paghahanap mo ng topics sa alphetically arranged Collier's, 'yung layered transparent paper kung saan makikita mo ang laman-loob ng tao at ng palaka - pero iba na rin ang speed, affordability at accessibility ng knowledge ngayon.

Nararamdaman mo tuloy na mas mabilis ka nang tumanda kesa dati sa bilis ng pag-develop ng technology. Nu'ng college lang ako ang mga messages natin ay ipapadaan pa sa operator. Bawal ang Spanish o any language sa message. Nakakahiya kung I LUV U pa ang idi-dictate mo sa Pocketbell. Pero ngayon, makikita mo pa ang kausap mo sa telepono! Grabe! Ang hirap sigurong tumakas kung estudyante ka. Kelangan lagi kang may dalang backdrop ng mga libru-libro mapanindigan lang ang paalam mong nagre-research ka kahit nasa Sarah's ka na.

Pero meron pa rin namang traditional indicators ng age. Tulad na lang ng mga nakagisnan nating TV shows at mga artista.

Madalas nakakasama ko ang mga estudyante ng UP sa training. At hindi ko naman nafi-feel na malayung-malayo na ang edad ko sa kanila (in fairness to me, napagkakamalan pa rin naman akong bata dahil sa aking flowless comflexion). Pero nang nag-joke akong tawaging Ana Marie Falcon ang Mt. Halcon, maraming nagtanong kung sino si Ana Marie Falcon. Nag-panic ako! Ganu'n na ba ako katanda?! Buti na lang may estudyanteng nagsabi na "artista dati 'yan." Medyo tama pero mali pa rin. Sa mga hindi nakakaalam, Ana Marie Falcon ang unang screen name ni Francine Prieto nu'ng struggling actress pa lang siya. That's days niya yata 'yun.

May time pa sa training. "Ilang sets ang gagawin?" "Ten! Ten!" Nag-joke na naman ako: "Ten-Ten? Ten-Ten Munoz?" And most of the students gave me a puzzled look. "Sino si Ten-Ten Munoz?" "Ano ba?! Siya 'yung kasama ni Jolina sa 14K!" Sagot nila, "Ano 'yung 14K?"

Shet!

Comments:
That's a great story. Waiting for more. nissan z
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?