Tuesday, July 11, 2006

 

Mommy Monster

1. Mommy monster ang tawag ko sa mommy ko. “Mommy monster! Mommy monster!” Nainis yata, “Why do you call me mommy monster? I’m not a monster.” Sabi ko, “Eh, ako naman si Baby Monster mo, eh.” That Christmas ang card sa regalo niya sa’kin read: “I love you from Mommy Monster.” O, ‘di gets na niya.

2. Sabi niya, “Sa panahon ngayon, kapag ang babae panget, kasalanana na niya kasi ang dali-daling magpaganda.” Sa Sis, kinowt pa’yan nina Janice at Gelli.

3. Teacher ang mommy monster ko pero hindi tulad ng mga co-teachers niya (na teachers ko rin), hindi siya nagyu-uniform. “Mommy, bakit hindi ka nagyu-uniform?” I asked her once. “Kasi ang mga nagyu-uniform ‘yung mga walang damit na masuot.” Taray!

4. My mommy monster loves dressing up. Pinaghahandaan niya lalo ang outfit niya sa first day of school. Tumitingin siya sa mga magazines tapos kung may type siyang outfit, bibili siya ng similar na tela at ipapagaya niya sa modista. One first day of classes, sabay kaming pumasok. Malakas ang ulan at mukhang kaming dalawa lang ang tao sa school. Pumasok na siya sa faculty room. Naiwan ako sa desserted lobby. Tapos nagsalita na ang Prefect of Discipline sa Intercom: “Announcement: Ther are no classes today. Get it?” Tuwa ako pero mukhang bad trip ang mommy kong lumalabas ng kuwarto. “Nakakainis!” Sambit niya, “Nakita na ng nga co-teacher ko ang damit ko. Nalaos na tuloy!”

5. Nanonood ng TV ang buong pamilya. Namamalantsa si mommy. Napunta ang usapan sa tulog. Tapos out of the blue biglang sumingit si mommy sa usapan. In a very ethereal voice, she said: “Sleep is the nightly practice of death.” Natakot kami!

6. Nagdi-dinner ang buong pamilya. Tapos na si mommy kaya umiinom na lang siya ng tubig. Biglang natapon ‘yung iniinom niya. “Ay! Akala ko kasi bibig ko na.”

7. My mom taught sa aking alma mater. One time, she interrupted my class. So tumayo ako at lumakad sa pinto papunta sa kanya. Akala ko kung ano nang importanteng sasabihin niya nang bigla niyang tinanong in a very loud voice, “Anak, ano na nga bang telephone number natin?”

8. When I first moved out, bumisita ako sa bahay ONE WEEK after. So pagdating ko tinatawag ko siya, “Mommy! Mommy!” Bigla siyang lumabas ng room. Nagising siya sa kanyang siesta. Sabi niya sa’kin, “Akala ko nananaginip lang ako nang narinig ko boses mo, eh.” At nagyakapan kami’t nag-iyakan.

9. Nu’ng nakatira pa’ko sa’min, isang pader lang ang pagitan ng kuwarto ng kuya ko sa kuwarto nina ma. Before I go to bed sumisigaw ako, “Mommy, I love you!” Sisigaw siya back, “I love you, too!” College na’ko nito, ha.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?