Wednesday, July 05, 2006
Nakakabaliw
Iniwasan ng taxing napara ko sa may Marcos Highway ang taong grasang naglalakad sa gitna ng daan.
“Ang dami nang nababaliw ngayon,” sabi ng driver.
“Sa gutom,” bored kong sagot. Bigla kasing sumagi sa isip ka ang paulit-ulit na feature sa mga news and public affairs program sa mga taong kumakain ng pagpag o “batchoy,” ‘yung mga tira-tira sa basura tapos iluluto nila ulit para lang may makain…Putangina! Kahit sadsad na sadsad na’yang kuwentong ‘yan napapamura talaga ako whenever I watch it. Sa Metro Manila may pinakamataas na bilang ng pamilyang nagugutom. Dito mismo, sa paligid lang natin, sa tabi-tabi ng mga restaurant rows sa Eastwood, Rockwell, Greenbelt, Ortigas, Morato, ng sangkatutak na Jollibee at Starbucks, Chinese, Japanese, Italian, Korean, Thai, Indian, at Fusion cuisines, ng hotel buffets, dirty ice-cream, isawan, turo-turo, taho, balot, 40 years ng Goldilocks, Andok’s, Grill Queen, sari-sari store - milyung-milyon pa rin ang nagugutom nang sobra-sobra na pagtitiyagaan nila ang nabubulok na tinapon. Putangina!
Ang mga congressman natin may sariling canteen kung saan libre ang pagkain. Sa mga rare occasions na “nagpupuyat” sila sa session tulad na lang nu’ng impeachment proceedings nila kay Gloria, free-flowing ang pagkain nila, libre, courtesy of our taxes. Kaya nga nu’ng ang mga leftist congressmen na sina Satur Ocampo, Lisa Masa, et al ay nagkulong sa Congress out of fear sa Administrasyong Arroyo, hindi rin nila prinoblema ang pagkain. Mag-away-away sila sige, each side claiming to truly have the interest of the people at heart! Pero ang people hindi makakatikim ng Chickenjoy kung hindi mapupulot ang butu-buto nito at ipiprito ulit sa mantikang nakailang-gamit na rin. Pu-tang-ina!
***
Hinatid ako ng kuya ko. Nadaanan namin ang isang taong grasang nakatambay sa tapat ng tindahan ni Tita Luz. “Alam mo, mayaman ‘yan,” kuwento ng kuya ko.
Tinuro niya ang isang bagu-bagong malaking bahay sa Greenheights. (Eversince I’ve moved out, hindi ko na napapansin ang mga bagong tayo sa kinalakihan kong subdivision. Basta ang alam ko, halos wala nang bakanteng lote ‘di tulad nu’ng 80’s at early 90’s). “Factory rin ‘yang bahay na’yan,” patuloy ni kuya. Kaya pala sa malayo para ‘tong covered court. “Tapos tumambay na lang siya d’yan sa tindahan nina Tita Luz. Dati matino pa hitsura niya. Tapos hindi na siya umuuwi, d’yan na siya natutulog, dinadalhan na lang siya ng pagkain ng mga kamag-anak niya.”
Na-amaze ako sa kuwento ng kuya ko. Isa siyang case study ng taong-grasafication process. Ang mga mahihirap maparaan sa paghanap ng pagkain para mag-survive. Meron namang ibang klase ng gutom na hindi basta-basta matatawid ng pagpag. ‘Yun siguro ang talagang nakakabaliw.

Comments:
<< Home
Where did you find it? Interesting read Gambling money for schools eau claire laser eye surgery Xanax from india Dominio di posta con antispam Lazer eye surgery in northwest tennessee Moving company denton http://www.facial-surgery-pain-management.info/Laser_eye_surgery_clinic.html jack black high fidelity Foot pump fetish dental plan taking venlafaxine
Post a Comment
<< Home