Sunday, July 09, 2006

 

Random Anecdotes

May kaibigan akong naglo-Law ngayon sa UP, nakatira sa Alabang Hills, maraming properties ang pamilya at nag-high school sa Woodrose. By all means she’s old riche pero napakasimple at unassuming (meaning, marungis) siya na girl. One time, nag-aabang siya ng Katipunan jeep sa UP (‘yun pa, wala siyang kotse) nang napuna ng lolang kasunod niya sa pila ang relo niya.

“Ang ganda naman ng watch mo, hija.”

“Ah, sa McDo lang po ‘yan.”

“Talaga? Magkano?”

“Uhm, one hundred pesos po yata with every Happy Meal purchase.”

“Aba! Maganda at mura! Mabilhan nga ang mga maids ko.”

Gusto raw itulak ng kaibigan ko ‘yung lola sa paparating na Toki jeep.

***

‘Yung sis ng mga kabarkada ko nagtatrabaho sa isang hotel sa US. Sosyal din ‘tong girl na’to. One time nagbibiruan sila ng collegue niyang Kano. Hiniritan ba naman niya ng: “You’re such a feeling?”

Dah!

***

My fellow Assers celebrated graduation with a trip to Baguio. Biyahe pa lang inisip na naming ang una naming gagawin ay mamalengke at magluluto ng sinigang. Eh, siyempre na-move nang na-move ang IT at ang tagal palang palambutin ang karne (wala sa amin ang marunong magluto pa nu’n). Ending, alas-10 ng gabi na kami nagka-finished product.

Gutum na gutom ang lahat. Nang nakita ng isa sa kanyang kutsara: paa ng ipis. Natahimik talaga kami. Late na at malayo ang mga kainan sa iniisteyan namin. “Pinakuluan na naman ‘yan, eh.” Dinedma na lang namin.

Kain. Kain. Kain.

Tapos nagbiro itong si Adrian Ayalin (reporter na ngayon sa ABS): “Hmmm…ang sarap ng sinigang na ipis!”

Nagalit talaga lahat! As in pinagmumumura siya! “Tang ina naman, o! Kinakalimutan na nga, eh!”

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?