Monday, July 03, 2006
Si RUDY naka-PROJECT
RUDY GIRL CHALLENGE
01 July 2006 (Saturday)
La Mesa Ecopark
2:01PM, La Mesa Ecopark
AKO: Putsa, Ace, ano ‘tong pinasok natin?
ACE: Oo nga, hindi ko in-expect na ganito.
AKO: Kasi naman RudyGirl. Pinay at Heart Category pa. Akala ko madali lang.
Ganyan ang usapan namin ng teammate ko habang naglalakad sa walang-katapusang trail on our way to CP9. 9:30AM nagsimula ang karera at CP5 pa lang wala na kaming tubig. Sabi nga ni Thumbie, kami ang mga “baklang uhaw.”
Akala kasi namin parang nu’ng Wild Manila na kahit 5PM ang cut-off, before lunch pa lang tapos na kami. But, nooo! Makalaglag-matris talaga ang karerang ‘to. Ace Domingo and I agree the RudyGirl Challenge is our toughest race yet. At ang nakakainis, walang mga lalake to attest to this. So ‘wag n’yong iismolin ‘to. Challenging ang first all-female adventure race na ito!
Simula pa lang “explosive start” na ang strategy namin at ng ibang teammates sa UP Dragonboat Team at kasama sa UP Mountaineers. Pero sadyang malalayo ang mga CP sa isa’t isa at trail siya kaya extra-difficult. The first part of the race got us running around a designated course, climbing a tower, and traversing a murky lake tapos bike na.
Ang sabi simpleng map navigation lang pero nagamit pa rin namin ang orienteering on our way to CP4. Nag-fork ang daan: ‘yung kanan steady terrain lang na medyo madamo, ‘yung kaliwa steep downhill. Our instincts tell us to go right pero nang tsinek namin sa compass sa kaliwa talaga tumuturo. Kaliwa it is. At ang daang iyon papuntang CP’s 4 at 5 (ng Veterans/Novice/Pinat at Heart Categories) ang pinakamahirap na part for me. Puro kasi paahon so maraming tulak-ng-bike portion. Sa mapa nga dulung-dulo na ‘yung CP5, eh! As in iba ang klima ru’n! Medyo malamig na at iba na ang flora and fauna. Na-delay pa kami kasi may polar bear na nakaharang sa trail. Dini-distract pa namin by throwing pebbles and shouting “Huy!” At ‘yung marshals du’n iba na rin ang salita, parang mga sherpa na! Ganu’n siya kalayo! (O baka naman nagha-hallucinate na’ko bunga ng dehydration. Hmmm…)
After that, may rapelling tapos more trail running (Actually trail walking na lang kami kasama sina Michelle at Melissa ng Novice na siyang nagpapainom sa’min ng tubig. Salamat!). May tree planting part pa pala after ng Nursery. Tapos may bubuuing puzzle na hindi ko talaga forte kasi kahit sa anumang exam pinakamahina talaga ako sa spatial reasoning. Hindi ko talaga ma-figure out, for example, ang magiging hitsura sa gilid ng isang figure given its top view. Buti si Ace magaling so siya ang kumarir nu’n habang nag-i-imagine ako ng Wendy’s Biggie Iced Tea. (May iba pa’kong Biggie na na-imagine pero hindi ko na lang babanggitin dito.)
After the puzzle natengga pa kami ng twenty minutes dahil wala kaming nasagutan du’n sa questionnaire. Pero we were not complaining. We welcome the “forced” rest at nakipagtsikahan sa iba pang na-penalize na teams tulad nina Monica Torres at Junie Santos na sumagot ng “Ces Drilon” sa tanong na “Who is the wife of Sen. Franklin Drilon…?” I think they should’ve earned bonus points for wit.
Maraming marshals nagsasabi na mag-relax na lang kami kasi first na naman kami sa Category pero may mga pangarap kami ni Ace ng good finish, eh! Hindi puwedeng kukule-kulelat kami sa mga girls. May guy’s pride pa rin kami kahit papaano.
After 20 minutes, salit bike-run na kami sa biathlon part ng race. Mahirap ‘to kasi hindi naman kami bi. Gay na gay kami, noh! (Shet! Corny!) Pero konting tiis na lang ‘to dahil pa-finish na nu’n. Nadatnan na namin ang teams nina Tanya, Jing & Ina, Pen & Krit, Risso, etc. Ano kaya’ng over-all standing namin? Kumbaga sa Miss Universe, pasok kaya sa Top 10?
Sayang nga lang at dalawang teams lang sumali sa Pinay at Heart Category. Mas malaki sana ang impact sa gay movement kung maraming sumali at para ma-encourage na rin ang mga organizers to include similar categories. Pero kung wala mang sumunod, OK rin lang kasi keri ko namang makipagsabayan sa mga tunay na lalake. After all, I am now a Champion Adventure Racer! Bwahahaha!
Saya ng karera. Ang daming magaganda! At sa mga guwapong brothers at boyfriends nu’ng magagandang racers, kung gusto n’yo ng discount sa Rudy Project, email me privately at pag-usapan natin ‘yan…