Monday, July 03, 2006

 

Tequila Sin Sal

Ang ganda-ganda ng “All About Love!!!” Panoorin n’yo siya if only for Luis Manzano. Ang cute-cute niya ru’n. Favorite ko ‘yung romantic-comedy plot nila ni Anne Curtis (sa mga hindi pa napapanood: may mega-spoilers ako rito). Luis is a playboy model who falls in love with a lowly kutsera Anne who plies a pink kalesa pulled by a horse named Lucky. Ang cute, ‘di ba? Unbelievable pero keri ng movie.

Gusto ko ‘yung bine-break-an ni Anne si Lucky (the actor, not the horse) after meeting his sosyal ex-girlfriend. Lucky goes, “Sabi ko na nga ba nagseselos ka, eh. You’re jealous.” He takes her hand and places it on his chest. “Badong, (Anne Curtis’ character) kinikilig ako.” Ang cuuuuuuttte!

Tapos ang full name pa ni Anne du’n Dhonabelle. “Dhonabelle? With an H?” “Oo, Dhonabelle with an H!” So nu’ng pinakilala ni Lucky si Anne sa kanyang mayamang pamilya: “Ma, this is Do-ho-nabelle Bernardo. Do-ho-nabelle.” Hilarious talaga! (Or puwede ring na-in-love na talaga ako kay Lucky na everything he does seems so funny. Pero hindi, kuwela talaga siya!)

Gusto ko rin nu’ng binisita ni Lucky si Anne sa kanilang barung-barong. May dala pa siyang Starbucks at Dulcinea. Nag-antipatika si Anne, “Wala ako rito kaya umalis ka na.” Pero matiyaga si Lucky: “Hindi ako aalis dito. I-WILL-NOT-LEAVE! I will be like the libag you can’t remove!” Nakamputsa! Kung si Lucky rin lang ang libag ko hindi na’ko maghihilod! Aaaaayyy! (Shet! I think this is more than love I feel)

The brilliant moments of the Lucky-Anne story in this trilogy made the comparatively weaker stories starring Angelica Panganiban and a newbie, and Bea and John Lloyd passable.

Gusto ko ‘yung ending na nagkita-kita ‘yung tatlong couples sa isang al fresco restaurant na nasa tuktok ng isang bus. May simpleng shot du’n si Angelica Panganiban where she gives a nonchalant wave of recognition to John Lloyd who is at the other table. Du’n mo talaga makikitang magaling umarte si Angelica. Basta simple lang ‘yung ginawa niya pero magaling. Na-appreciate ko rin ‘yung pag-showcase ng pelikula sa Manila. Na-romanticize niya ang ating capital city na madalas nating dinededma.

Pero may social relevance ang blog entry na’to. Ang tagal-tagal ng lip-locking scene nina Bea at John Lloyd. Pero ang kissing scene nina Luis Alandy at Polo Ravales sa “Manay Po” pina-edit-out ng MTRCB ayon kay Dolly Ann Carvajal (PDI, 06 June 2006). Habang kine-claim ng mga straights na open-minded sila at tanggap na ang mga bakla sa Pilipinas, ayaw pa rin nilang makita ang isang normal na expression ng pagmamahalan among gay people. Hindi bastos at walang masama maghalikan ang dalawang lalake o dalawang babae. The reviewers should have rated it as they would any boy-girl kissing scene. Eh, ang nangyari, in-institutionalize pa ng MTRCB ang pananaw na malaswa ang pagmamahalan ng dalawang lalake; or tanggap na magmahalan ang dalawang lalake basta hindi ito pinangangalandakan.

Hindi puwede ‘yan dahil sabi nga sa isang Mexican restaurant sa Clark: Tequila sin sal es como amor sin besos.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?