Tuesday, July 11, 2006

 

Tinga ni Patricia and Other Random Anecdotes

May kaibigan akong itatago ko na lang sa pangalang Patricia. Maganda, matangkad, sexy, funny, smart. In fact, right after graduation ay nakuha kaagad siyang flight stewardess sa isang American airline…Sa isang party nu’ng college masaya kaming nagkukuwentuhan ni Patricia nang biglang naramdaman kong may morsel sa upper lip ko. I thought, “Shet! May tingang lumabas sa bibig ko!” so withouth missing a beat medyo nag-look away ako at kinuha ko ng dila ko ang tinga. Just as I was facing Patricia, I saw her sheepishly wiping her mouth. That’s when I realized na maaring tumalsik mula sa bibig ni Patricia ang tinga. At bago pa kami makapag-react ay kinain ko na ito. It all happened so fast! Hanggang ngayon hindi pa rin namin ‘to pinag-uusapan.

***

Around 2001 yata unang lumabas sa market ang Creamsilk Leave-on Conditioner. Eh, hindi naman ako nagko-conditioner na tao pero nakikita ko sa mga dancers ng SOP na ginagamit nila so I thought mas maganda siyang alternative na hairstyling product kasi nakaka-dandruff ang gel. So bumili ako sa grocery. Ang nakita ko nga lang pareho ng kulay (green) at brand name pero parang iba ‘yung packaging sa nakikita ko sa commercial. Binili ko pa rin. At ‘yun ang ginamit ko that night nang nagkayayaang mag-Enchanted Kingdom.

Pagbaba namin sa Jungle Log Jam (na isang tongue twister para makita kung jologs ka ba o hindi – Jangle Lag Jum), parang iba ang feeling ng buhok ko. Shet! Bumubula siya! Ang nakuha ko palang variant eh hindi leave-on kundi ‘yung traditional conditioner na kelangang banlawan!

***

Mahilig ako sa maanghang. But that’s not always the case. Acquired taste na lang siguro kasi my dad’s Bicolano so laging may siling labuyo sa bahay. Hanggang sa dumating ang panahon na lahat na rin ng ulam namin nilalagyan ko ng siling labuyo. Staple ang pampa-anghang sa ref ko – labuyo, Mama Sita’s pure labuyo sauce, green labuyo sauce na mabibili lang sa Masferre, Sagada. Pati olive oil ko nilalagyan ko ng labuyo (chili oil na ginaya ko sa Bellini’s). Kapag nagluluto hindi ako naglalagay ng labuyo kasi maanghang ang taste ko at baka hindi na makain ng iba.

One time inuman nagpe-prepare ako ng sawsawan sa pulutan. Siyempre may labuyo. Wala nga lang kubyertos or anything to crush it with. So kinamay ko. Perfect! Until nu’ng umihi ako…naanghanganan ang titi ko.

Comments:
Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. Projector outlet covers Business prozac hair loss prevention Black erotic intercourse man story writte Combiningprozac and valium Phentermine day delivery
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?