Wednesday, July 26, 2006

 

What is Success? Regine or Gelli?

Nu’ng bata ako ipinagmaIaki ko na aside from That’s Entertainment, I’ve seen all TV shows at least once. Narito ang ilan sa mga TV moments na tumatak sa’kin:

Nasa internet café ako sa Katipunan nu’ng nakatira pa’ko ru’n so this is around 2002. Palabas ang I-Witness episode ni Prof. Che-Che Lazaro na ang title yata ay “Istokwa.” Sa episode, tinutulungan nilang mahanap ng mga stow-aways ang kanilang pamilya so nagkakaroon ng mga reunion. Pero ang last subject nila na isang adolescent boy ayaw nang bumalik sa kanyang matanda nang nanay na tawagin na lang nating Nanay Patring. “Paano po ‘yan, nay, ayaw na pong bumalik sa inyo ng anak n’yo?” tanong ni Che-Che. “Eh, sige po. Bahala na lang po kayo. Ayaw na niya, eh.” At this point lahat ng nasa café eh nakatutok na sa TV. Nakakalungkot ‘yung eksena ng isang batang nasanay na sa kalsada na ayaw na niyang bumalik sa sarili niyang pamilya. Doon natapos ang episode, pero merong epilogue na graphics. It read: “Namatay si Nanay Patring isang linggo matapos ang muling pagtatagpo nila ng kanyang anak.” Upon reading that, napa-uy sa shock ’yung matun-maton na nagbabantay sa café. Nakakapanghina.

Sa Oprah may episode tungkol sa mga taong who may extreme stuttering. Tapos merong isang nakaimbento ng device para ma-cure ito. Nagsa-stutter din siya until he realized na kung nasa simbahan siya at nagpapa-participate sa group prayers, hindi siya nagsa-stutter. Apparently, ang mga nagsa-stutter kung may kasabay silang nagsasalita ng exact same thing, hindi nagsa-stutter. Ang naimbento niya parang hearing aid na maririnig mo ‘yung sarili mo talking so the brain is tricked into thinking na mero kang kasabay magsalita so hindi ka na magsa-stutter. Pinakita ang isang college-aged guy who’s been stuttering terribly. Sinubukan niya ‘yung device at nakausap niya nang diretso ang kanyang mga magulang for the first time for as long as he could remember. Bigla na lang siyang napahagulgol sa tuwa. Naapektuhan ako kahit ngayon na I’m just writing about it.

May kumakalat na joke na si April Boy Regino ang lalaking mukhang tomboy. ‘Di ba nga: the long black hair, cap, jeans, chunky boots, tsaleko…tomboy na tomboy! One time nagmo-monitor ako ng Homeboy tapos guest si April Boy. Guest din si Candy Pangilinan. Hindi ko na maalala kung ano ‘yung topic pero basta na lang sinabi ni April Boy na “Ako nga napagkakamalang tomboy, eh!” And then Candy just burst out laughing, as in jumping on her seat, kumikisay-kisay, naluluha-luha, ang laki ng nganga laughing! Pati ako natawa. Hindi siguro namin inexpect na mismong kay April Boy pa namin maririnig ang isa sa pinakanakakatawang jokes about him!

Bilang TV writer, meron din akong mga episodes na pinag-usapan kahit papaano. Sa Starstruck, ako ang nag-iinterview kay Iwa Moto nang bigla na lang siyang nag-breakdown at nagmumumura. She was the clear winner up until that moment. Jackie Rice eventually became the Female Ultimate Survivor at maraming naniniwala it’s because of that damning episode. Naging issue rin ‘yung pagsu-snoop ng mga contestants sa isang script na confidential sana. Script ko ‘yun. O, ‘di ba?

I was also part of the SOP episode that gave birth to the famous Back2Back2Back. Plinano kasi ng mga writers nu’n na gawing maiikli at mabibilis ang mga continuity spiels para mas maraming kantahan at sayawan at ma-achieve talaga ‘yung structure ng isang concert. Eh, sa sobrang bilis nu’ng spiels, nag-undertime kami. Buti na lang ang bawat isa sa main hosts nu’n (Ogie, Janno, Regine, Jaya, Cacai) ay may nakahadang solo number, just in case. So ang nangyari pinag-perform namin sila one after the other. Nag-rate ‘yung segment na’yun and Back2Back2Back was born.

Minsan kapag bumabagsak ang ratings ng isang show, napipiga talaga ang utak ng staff para makaisip ng mga episode na hopefully papatok. Nu’ng nangyari ‘yan sa Sis naisip naming i-orchestrate ang kauna-unahang one-on-one interview ni Gelli de Belen kay Ariel Rivera. You know the story: Mag-on si Gelli at si Ariel. Nag-break sila at naging sina Ariel at Regine. Pero hindi ‘yun nagtagal, nagkabalikan sina Ariel at Gelli, nagpakasal sila at ngayon ay may dalawa na silang anak, si Regine hanggang ngayon single.

Kakaiba ‘tong tina-try naming i-pull-off dahil hindi namin nage-guest si Regine sa Sis because of that past. At hindi rin gine-guest sina Ariel nor Gelli sa SOP alang-alang kay Regine. Pero pumayag si Regine…

Dama mo ang tensiyon nang dumating sina Regine sa studio. May dala pang boquet si Regine for Gelli at medyo uncomfortable din ang pagbebeso nila. Sa dressing room, bini-brief ko si Gelli. I was telling her the questions she could ask first like “Hindi ka ba nape-pressure na ikaw ang iniidolo ng halos lahat pagdating sa pagkanta?” pero andu’na pa lang ako sa “Hindi ka ba nape-pressure” sumingit na si Gelli. “Hindi. Marami nga nag-aakala na nate-tense ako ngayon pero hindi. Wala. OK lang ako.” Hindi ko na lang sinabi kay Gelli na iba ang ending nu’ng tanong ko. Obviously, no matter what she says and what she thinks she feels, nape-pressure siya kahit papaano.

Ang magiging takbo ng episode, magtatanungan sina Gelli at Regine. Medyo mabagal nag-take-off ‘yung conversation until Regine finally started it: “Nagalit ka ba sa’kin nu’n?” Napa-gasp ang studio audience. Pati ako na-tense. Hindi naman dineny ni Gelli that she did. And then Regine told one of the more heartbreaking heartbreak stories I’ve ever heard:

“He broke up with me by saying he loves you…I remember the time when Ariel and I were going to have a show abroad and I knew you will be there at the airport and I thought I could handle it pero when I saw the two of you together, I just wanted to die.”

Hay! Napa-flashback tuloy ako sa isang Valentine episode ng Sis kung saan nagi-interviewhan sina Gelli at Ariel. Ang tanong ni Gelli, “Kelan mo na-realize na love mo’ko?” Ang sagot ni Ariel: “I was with somebody else at that time but I would still think of you like when we’re in the car and a familiar song would be playing. We’d sing together and I have to stop because I remember you. When we’d go to a place, I’d have to stop myself from saying ‘You know the last time I was here I was with’ because the ending of that sentence would be ‘you.’
Ang conflicting standards of success and happiness namin ni Thea ay ‘Regine’ at ‘Gelli.’ Thea is still staunch about Gelli – love and family. Ako noon, Regine – career, fame, wealth. Pero ngayon, Gelli na rin yata ang gusto ko. ‘Yun nga lang, mas mahirap i-achieve…

Comments:
meron po ba kayong copy nung interview ni ms gelli ky sir ariel po... sana ma post po ito sa youtube...
 
Sana nga po ma upload sa YT ung one on one interview ni Ms Gelli kay Mr Ariel.....Or kahit ung interview ni Mr Ariel kay Inday Badiday....Thank you po
 
Sana po mapagbigyan nyo kami.... Thank you po
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?