Wednesday, August 09, 2006

 

The Final Performance

You know how back in college you dream of changing the world once you’re out there? Siyempre as broadcasting students wala na kaming ibang inatupag kundi batikusin ang mga kabaduyan at paulit-ulit na mga konseptong napapanood namin sa TV. Kapag kami na ang producers, directors at writers, babaguhin namin lahat ng ‘yan! At heto’ng ginawa namin…

Senior year, Finals ng TV Performance Class. Ang project: gumawa ng isang 2-hour variety show. Teacher namin si Malou de Guzman (Si Lukreng sa ‘Ober da Bakod,’ isa sa mga kuwela madre sa ‘Kampanerang Kuba’ at meron din siyang critically acclaimed performance sa ‘Baby Tsina’ na pinagbidahan ni Vilma Santos).

Sa lahat ng classes namin, ito ang least priority. Dagdag mo pa ang kanya-kanyang responsibilities sa mga org kung saan high-ranking officers na kami kaya the night before na lang nagkita-kita ang buong klase. Walang concept, walang script, walang rehearsals. Ang definite lang: mago-overnight sa bahay nina Candice Cuaresma (now with ABS-CBN Interactive, I think) sa Cubao at du’n na magbubuo ng show which we must present 7 AM the next day.

Pinuno ko ang backpack ko ng samu’t saring costumes. Dala ko pa ang isang de-gulong na hamper na puno rin ng kung anu-anong damit, props at backdrops para merong ready kung anuman ang maisip ng class na gawin (For example, may dala akong dalawang barong para kung sakaling kailanganin meron pa’kong mapapahiram.) So hayun, mga past midnight na nabuo ang class dahil galing pa sa ibang meetings, study groups at rehearsals. Sa garden ay nili-lead ni Toni Pua (once worked at GMA News & Public Affairs) ang opening dance number. Pero wala pa ring concept, ha! Infact hindi ko alam kung may nabuo nga kaming concept. Nagbatuhan lang kami ng kung anu-anong puwedeng production numbers para pampuno sa dalawang oras.

Kinabukasan. Dadaanin na lang namin sa projek. Kahit puyat, mukhang prepared na prepared kaming humarap kay Ma’am Malou. Nu’ng sinabi niyang, “OK, start setting up,” bumaba na kami sa studio at nagpapa-panic na ginawa ang stage using whatever materials we have (ni wala kaming plano kung ano magiging hitsura ng stage!) May iba naman na lumabas ng studio para manghagilap ng mga ibang estudyanteng libre para mag-crew sa aming show na walang maayos na script. Gulatan talaga sa mga pumayag mag-direct, mag-spinner at mag-camera person!

Ang labas: lahat ng mga ayaw namin sa mga variety shows ginawa namin. Mga dance number na hindi alam ng artista ang steps, lahat ng “song” numbers lip-synched, at meron pa kaming ka-cheapang birthday celebration kunwari nu’ng isang star at may surprise pang mga friends niya na bigla na lang sisingit sa kanyang pagkanta! Mga one-hour pa lang ang nakalilipas kakapusin na kami ng hinandang numbers so on-the-spot kaming nag-iisip ng mga gag para sa joketime portion kunwari ng show. Ay! Meron pa kaming ginawang “fashion show” complete with electric fan na nakita lang namin du’n para may wind-blown effect ang mga kaklase kong rumarampa-rapa nang salit-salit suot ang mga costumes na dinala rin nila just in case kailanganin! So much for idealism! In the end, sinalba kami ng ilan taon naming panonood ng mga kabaduyang sa telebisyon na binabalak naming baguhin kuno!

Needless to say, naguluhan si Ma’am Malou sa aming produksyon. Pero we didn’t care. Nu’ng nagsesermon siya all we wanted to do was go home and sleep (lalo pa’t bumagsak na rin ang adrenaline from the performance). Ang maganda lang nasabi niya: “At least, ‘yung energy na’ndu’n.” Haha! Talagang dinaan lang sa projek!

Epilogue:

May girlfriend pa’ko nu’ng panahong ito. That day, she traveled from UP Manila dahil meron daw siyang kailangang i-research sa Main Lib ng Diliman. Malabo na sa’kin ngayon ang usapan pero nagsulat ako ng note sa kanya sa isang poster na nakapaskil sa bulletin board ng Broad Ass saying na imi-meet ko na lang siya sa Main Lib. Sa Main Lib nakatulog pa’ko sa may steps waiting for her pero hindi rin yata kami nagkita. Umuwi na lang ako to sleep the whole day.

Kinabukasan, gabi na’ko nagkamalay. At heto ang nangyari habang tulog ako nang halos 24 oras. ‘Yung poster na sinulatan ko ng note eh para pala sa isang event ng student council ng MassComm. Nagalit ngayon ‘yung panget na girl na punong-abala sa event na’yon at nang nakita niyang “vinandalize” ko ang poster nila (na in fairness pinaskil niya sa bulletin board ng org ko nang walang paalam), sinulatan din niya ng isang galit na galit na note. I don’t know what pero alam ‘to ng mga Assers. At heto pa, nagsumbong siya sa boyfriend niyang panget pero proud na proud niyang sinasabing kamukha raw ni Romnick Sarmenta (of all celebrities to compare your supposedly guwapo boyfriend to, no!) so ang ginawa ng lalakeng ito eh tinawag ang mga katropa niya sa student council (And this guy was once a GMA Reporter, ha. Oh, shet! John-Ray Arrabe yata pangalan niya. ‘Yung girlfriend niya hindi ko maalala) at pinukpok nila ng baseball bat ang windshield ng Rav-4 ni Raz. Ka-org ko si Raz at taga-Katipunan lang siya so alam halos ng buong college kung saan siya nakatira.

By the time na nagka-ulirat na’ko nag-die-down na’yung issue at hindi rin naman masyadong nagpaapekto si Raz. Kung hindi lang ako bangag nu’n sa kangaragan ano kaya’ng gulo ang nangyari?

Comments:
http://sime.vmvp.com/viewtopic.php?f=2&t=13102&p=17241
http://www.lotosland.ru/company/forum/threadlist/showthread/?postid=218326
http://gorozhanka.info/forum/posting.php?mode=reply&f=2&t=56556
 
I am sorry, that has interfered... This situation is familiar To me. Is ready to help.
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?