Wednesday, August 23, 2006

 

Haunted Sinehan

You know the story about the movie house in Metropolis Mall? The one where a couple was watching in a packed theater but when the movie ended they realized that they were the only ones watching? Dati raw kasing sementeryo ang tinatayuan ng mall kaya mga kaluluwa raw ‘yung nakakakasama mo sa sinehan.

Na-experience ko ‘yan sa SM San Lazaro recently. Nanonood ako ng movie tapos may mga kabayo akong nakikita sa loob ng sinehan. Pero nu’ng tapos na’yung movie, mag-isa lang ako sa theater. Tumakbo agad ako sa takilyera. Miss, nasaan na’yung mga kabayong kasama kong nanonood?” She looked at me na parang gulat pero parang hindi na rin ito ang first time na may nagtanong sa kanya nito. Sabi niya, “Ser, wala hong mga kabayo sa loob.” Yaiks! Siguro mga kaluluwa ng mga kabayong namatay nang gibain ang San Lazaro Hypodrome ang nakita ko.

Nakakapangilabot.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?