Saturday, August 05, 2006
Impen Luga
The subdivision where I grew up borders a sort-of depressed area na tawag ay Daang-Bakal kasi noong unang panahon may riles daw ng tren du’n. (1978 pa kami sa Greenheights, one of the first residents there, pero hindi ko na rin naabutan ‘yung time na’yun.) Nu’ng bata kami bawal pumunta sa Daang-Bakal kasi delikado raw, maliban na lang kung bibili ng tinapay kina Kabayan (mga Batangueño sila) o kaya bibili ng kung anuman sa katapat na sari-sari nina Bulag na hindi naman bulag (at kung minsan nagiging Bingi ang tawag sa kanya, siguro dahil nakakailang “Pagbilan!” ka bago siya lumabas.) Kapag marungis kami o kaya masyadong magulo, papagalitan kami at tatawaging “parang taga-Daang-Bakal!”
Maunlad-unlad na rin ang lugar na’yon ngayon at ang dating eskinitang lusutan mula sa Greenheights papuntang Daang-Bakal ay isa nang two-lane access road from Concepcion to Parang. At hindi ko na rin nakikita si Luga.
Isa siyang batang mga a year or two younger sa’kin at hindi ko alam ang tunay niyang pangalan dahil ang mga kalaro niya ‘yun lang ang tawag sa kanya - Luga. Payat, maikli ang buhok, bungi (tulad ko during that milk teeth, pre-Julia Roberts smile period of my life), at may, hayun, may luga siya. As in merong mala-stalactite na gray substance hanging from his ear canals - mga one or two inches of solid ear wax! At hindi ‘yun natatanggal ever!
Until after so many years naglalaro ng football ‘yung mga batang taga-Daang Bakal sa Spain Avenue na malapit lang sa bahay namin (hindi na puwede ‘to ngayon kasi daanan na ng jeep ‘yung road na’yon bukod pa sa wala na yatang mga batang naglalaro sa kalye ngayon, puro computer games ang inaatupag!). Nanonood sa sidewalk si Luga. Pinagulong ng “pitcher” ‘yung bola, sinipa ng kalaban, tumalsik ang bola! Tumama kay Luga! Tanggal!!!