Wednesday, August 23, 2006

 

Nanaynorms

Nu’ng nag-endorse ako ng Globe Super-Sulit, ang make-up artist ko ay si Nanay Norms. One time habang pinapantay niya ang complexion ko, tsinika ko siya. “Nanay Norms, gaano katagal na po kayong nagme-make-up?”

“Way back 1964…”

Inisip kong matagal nang make-up artist si Nanay Norms kasi mukha na nga siyang lola – ‘yung cute type na maliit, maamo mukha, ang sarap i-hug.

Kinuwento pa niya ang mga memorable projects niya like the Manila production of Cats sa Metropolitan Theater (an architectural gem in the heart of Manila na sad to say pinapabayaan ng Manila City government).

Nu’ng Martial law years, siya raw ang favorite make-up artist ni Marcos. Pinapasundo pa raw siya tuwing may TV appearance ito para siya ang mag-make-up. Nag-serve din siya bilang Make-up and Costume Director ng RPN! O, ‘di ba sosyal.

Ngayon rumaraket-raket siya kasi ayaw lang niyang nakatengga sa bahay. Napaka-fascinating talaga ng mga kuwento ng mga tao if we only take time to listen to them.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?