Monday, August 14, 2006

 

Roomies

ROOMIES


INT. 2:30 AM. SA LOOB NG ISANG MALIIT PERO WELL-APPOINTED 2-BEDROOM CONDO SA SINGAPORE.

Madilim sa loob maliban na lamang sa citylights na pumapasok sa bintana ng apartment.

Lalabas mula sa kanyang kuwarto si Orenz. Naka-boxers at plain white t-shirt lang ito. Maglalakad siya papunta sa sa may ref. Kukuha ng isang 1-liter plastic bottle ng tubig at mula ru’n ay iinom siya.

Pagkatapos uminom ay maglalakad na siya pabalik sa kanyang kuwarto nang maririnig niyang nakahukot sa isang sulok ang kanyang housemate na si Kenj. May kausap ito sa cellphone.

KENJ
Eto na naman ba tayo?! Sabing housemates lang kami. Not even roommates…You know I’m tired too…Fine! If that’s what you want, bye!

Kenj puts down the phone. Makikita niya si Orenz na padeadma namang aakmang bubuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Pipilitin ni Kenj na ngumiti at tatanguan niya si Orenz.

KENJ
Oi.

ORENZ
Oi…(Light lang ang tono na para bang hindi niya alam ang gravity ng diskusyong narinig niya) OK ka lang?

KENJ
Oo naman.

ORENZ
OK…Hindi ako problema, ha?

KENJ
Ba’t mo naman nasabi ‘yan?

ORENZ
Wala. (Silence) Sige tulog na ulit ako.

Bubuksan na ni Orenz ang pinto pero biglang magsasalita si Kenj.

KENJ
Ayaw mo bang mag-usap?

ORENZ
Ha? Hindi, OK lang. (Lalayo sa pinto at uupo sa may silya across where Kenj is) Do you wanna talk about your problem with...kung sinuman ‘yung kausap mo?

KENJ
Hindi, wala akong problema ru’n. Matagal na rin naman kaming malabo nu’n. Bago pa’ko pumunta rito sa Singapore.

ORENZ
Ah… minsan ka lang magkuwento sa’kin tungkol sa lovelife mo, kung kelan pa wala na kayo… Ang hirap talaga dito, no? Pati mga bagay na dapat ginagawa nang harapan nauuwi sa telepono. Ang layo kasi natin.

KENJ
Pero alam mo, mas mahirap ‘yung kaharap mo na pero hindi mo pa rin makausap.

ORENZ
Yeah. Kaya nga, well, gising na rin lang naman ako. Sa’kin mo na lang ibuhos ‘yan.

KENJ
Wala naman na’kong ibubuhos, eh.

ORENZ
Alright, sabi mo, eh. If you wanna talk, kahit bihira lang tayo magkita, sabihin mo lang.

Hindi iimik si Kenj. For a while tahimik lang sina Kenj at Orenz.

ORENZ
O, sige. Maaga ka pa bukas. At wala pa’kong tulog.

Tatayo na si Orenz. Paglapit niya sa pinto ng kanyang kuwarto, magsasalita na naman si Kenj.

KENJ
So talagang wala kang sasabihin?

ORENZ
Ha? Ano ba gusto mong sabihin ko?

KENJ
Kung bakit tayo na’ndito.

ORENZ
(Magmamamaang-maangan) Sa Singapore? I’m in my dream job. And you’re on a study grant.

KENJ
(Sasakyan si Orenz) At dahil tayo lang naman ang unang magkakilala rito, nagse-share tayo sa apartment na’to na medyo malayo sa pinapasukan ko.

ORENZ
You wanna move out?

KENJ
No. I just wanna know why we’re here. I wanna hear it from you.

Magpo-pause si Orenz na parang kinakalkula.

ORENZ
Hindi mo pa ba alam, Kenj?

KENJ
Alam. I mean, I kinda have an idea. I just wanna know for sure.

ORENZ
Hindi pa ba ako obvious? Hindi ko naman yata tinago ‘yun, eh.

KENJ
Hindi mo tinago dahil totoo o dahil nagjo-joke ka lang? Lagi ka namang nagjo-joke, Orenz, eh. Hindi na’ko natatawa.

ORENZ
Bakit ka nagagalit?

KENJ
Hindi ako nagagalit. Gusto ko lang malaman.

ORENZ
Dahil? If gagawin mo lang akong pang-rebound dahil bruised ang ego mo ngayon…Ewan…

KENJ
Hindi ako on the rebound. Pero ‘di ba mas maganda kung honest tayo sa isa’t isa? Tutal magkasama naman tayo sa isang bahay.

ORENZ
Hindi ba puwedeng isa na lang ‘tong bagay na alam natin kahit hindi natin pag-usapan?

KENJ
Hindi puwede ‘yon.

ORENZ
Bakit hindi puwede? I mean, alam ko at alam kong alam mo na alam ko na may boyfriend ka. Si Gil. At siya ‘yung kausap mo kanina. Never mo naman kinuwento sa’kin ‘yan. Pero alam ko.

Matatahimik si Kenj.

ORENZ
You think I’d go and put my ego and my feelings and lahat-lahat na on the line for the sake of honesty? Knowing na ikaw… Ewan ko… Basta, I have learned to be cautious about saying some things out loud.

KENJ
So ganito na lang ‘to?

Si Orenz naman ang matatahimik this time.

ORENZ
Basta ‘yun na’yon. I never really felt the need to say it kasi mas madali ‘yun, eh. Nakakausap kita. You get to do your thing. I get to do mine. OK naman tayo, ‘di ba? Feeling ko rin naman, kahit papaano napapakita ko. Mas OK na’ko sa ganu’n. At least walang tension, hindi awkward, ganu’n. Ayaw mo ba nu’n?

KENJ
Hindi ko lang kasi siguro alam kung ano talaga iniisip mo. Naa-appreciate ko naman ‘yung mga ginagawa mo. Enjoy naman akong kasama ka. (Parang mafu-frustrate) Hay, naku!

ORENZ
Ganito na lang. Hindi kasi ako prepared ngayon. Pero gustong-gustung-gusto kong pag-usapan natin ‘to. Just not now. But it’s a start, ok?

KENJ
Yeah. It’s a start.

ORENZ
Sige, g’night na.

Tatayo na si Orenz at papasok na sa kuwarto. Maiiwang nag-iisa si Kenj.

After a while, tatayo na rin si Kenj at maglalakad na siya palapit sa pinto ng kanyang kuwarto pero babaling siya sa pinto ni Orenz. Akmang kakatok pero mapipigilan niya ang sarili. Mag-iisip siya.

Maya-maya ay marahan na siyang kakatok. Bubuksan ni Orenz ang pinto at papapasukin niya si Kenj.

End.

Comments:
That's a great story. Waiting for more. milk allergy symptoms Offshore+sportsbook+quote
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?