Tuesday, September 12, 2006

 

Finally, A Happy Ending in a Powerbarkada Love Story

Pagpasok pa lang ni Cindy sa Chapel for her march nag-iiyakan na ang buong Powerbarkada. Si Cindy kasi, eh! Umiiyak na agad! So kahit nasa secondary sponsors sina Thea at Val, si Carlo kasama ng mga groomsmen, si Roy at Celery nasa mga readers tapos si Val nasa commentator’s rostrum, at ako katabi ang ilang kaibigan ni Cindy nag-iiyakan talaga kami. Akala ko nga nu’ng una mukha akong tanga kasi hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon ko pero nu’ng nakita ko nang umiiyak ‘yung ibang Powerbarkada, hindi ko na pinigilan.

Love – the lack of it, the complications it brings, the search for it, everything about it – has always been a staple in every Powerbarkada conversation. Now one of us has, finally, found it so we can’t help but feel overwhelmingly happy. It may not happen to me, at least I know for sure that love is not life’s mirage.

Sa Fernwood Garden ang ceremony at reception. I’ve attended a wedding here in the evening (Rina’s parents’ 50th) and the place is just magical. Feeling mo talaga nasa isang enchanted garden with the mists, the swans, the waterfalls, flowers and starry lighting. Akala ko hindi na magiging ganu’n ang impact nu’ng venue kapag umaga. Pero iba ang charm nu’ng place kapag napupuno ng sunshine. After all, a garden is best seen in daylight, ‘di ba nga?

I hosted the reception at happy naman siya kasi mabilis lang ‘yung program at nakakain naman ako nang husto (sarap nu’ng chocolate fountain!). Gusto ko ‘yung messages ng mga godparents at nu’ng parents. Sabi ng mommy ni Mike “try to achieve a simple living.” And to think theirs is a well-to-do family, ha. Talagang masinop pa rin dapat. Personally, pinaka-na-strike ako sa message ng mom ni Cindy na kung sakali raw magkaproblema sila, tapatan ng “three F’s – Forgive, Forget Forever.”

The most romantic part was when Cindy surprised Mike with the song he always asks her to sing daw tuwing nagvi-videoke sila, Anita Baker’s “Sweet Love.” Sa mga hindi nakakaalam, Cindy can really. Hindi ‘yung tipong kaibigan mong magaling kumanta, ha. Siya talagang as in puwede siyang maging recording artist kaya ang ganda-ganda nu’ng pagkakakanta talaga. Sabi nga namin we’ve seen her sing so many times before but that was her most heartfelt perfomance yet! “I feel no shame! I’m in love! Sweet love…” Hay! Gusto ko ng boyfriend! Na marunong kumanta! Tapos kakantahan ako nang ganu’n!

Sabi ni Mike ayaw daw niyang tignan si Cindy sa mata. Kapag tumutingin daw siya diretso lang kasi maiiyak daw siya kapag matitigan niya si Cindy. Kuwento ni Thea sa group text niya sa Powerbarkada two days after:

“kaya ako naiyak nung kasal ni cindy dahil naisip ko how we used to watch sunset beach n oprah at pano kami mgemote tungkol sa lovelyf. Tapos nung Friday I saw how mike would lovingly stare at her wen she was not looking kasi according to mike pg tumingin cya pg nakatingin c cindy bka maiyak cya kaya he was avoiding na magkatinginan cla. I knew from d stares that he really loves her & will take care f her. That makes me so hapi coz dats what cindy dreamt of n shes got it. Ang saya, winer c papa mike! Ü”

Sulit talaga ang misadventures ko for this wedding. (Here goes my Kris Aquino moment na ibibida ko ang sarili ko sa isang event na hindi naman ako ang star hehe) The night before nag-check-in na kami sa Rembrandt para malapit na lang. Eh, kaso hindi ako makatulog kasi masakit ang tiyan ko. So nagpunta akong Mercury sa may Kamuning. Mga 2AM na’to. Nag-take ako ng dalawang Simeco pero wa epek so bigla kong naisipang umuwi na lang sa bahay ko para du’n matulog. Pagdating ko sa bahay siyempre hindi ko naman dala ‘yung susi ko. So nag-cab ulit ako pabalik ng hotel. 3AM na by then. 3:45 gising na sina Sheila kasi magpapa-make-up na sila kay Sherlyn at 6AM daw ang pictorial ng entourage sa Fernwood. Mga 6:30 bumangon na’ko only to realize na naiwan ko ‘yung pants ko. Siyempre hirit ni Thea “Nakapagdala ka pa ng gown para lang makapagpatawa pero ‘yung pantaloon mo hindi mo nadala.” Darn! Buti na lang pumayag ‘yung cab na balikan. I rushed home, got dressed in the cab tapos diretso na sa Fernwood. Medyo nawala pa’ko sa may Visayas Av kaya ibang ruta nadaanan ko where nadaanan ko pa’ng ex-boyfriend kong kumakain sa isang eatery. Weird.

Umabot naman ako sa start ng Misa, salamat. Pero simula pa lang inaasar na nila akong Kuya Germs. Palibhasa naka-usual gown and barong lang sila noh! Wala silang alam sa latest fashions. And in fairness, tinext kami ni Cindy kahapon ng:

“Powerbarkada, mike’s parents and relatives say na u guys r cool daw and sana u went to angono last fri and get this: they recognize rey fr tv, found him funny as a host. Winner c kuya germs :-)”

To which Sheila replied: (Mga group texts ‘to, ha. Ganito kami mag-usap)

“so sulit ang investment sa mismatched yet cohesive stripes ni ricric! Haaay, na-a-amaze talaga ako how far we’ve come, powerbkda. how vastly changed, but how essentially “the same” we are. Imagine, 2nd day na na may cindy evangelista in this world, e dati naglalakad lang yan sa acad oval fr one clas 2 anothr habang kumakanta ng alanis! my powerbkda. i love Ü.”

Siyempre humirit ako na hindi ako naka-Kuya Germs outfit. It’s actually very GQ at mas mahal pa ang suot ko sa lahat ng suot nila combined! And yes, including the bridal gown! (Hindi ko na alam verbatim kasi hindi ko naman sine-save ang mga messages ko, eh)

Siyempre hindi nagpatalbog si Cindy at sinabi pa’ng presyo ng gown niyang diniseyn pa ni Gener Gozum (na naka-gold cowboy hat nu’ng wedding).

Siyempre tinext ko na bawat kulay sa polo ko 25K na! ‘Yung jacket pasadya pa sa Morocco, ganyan-ganyan...

Sabi ni Carlo: “barong ko JC Buendia!”

Sagot ni Celery: “hellooo! Priceless ang suot ko noh! Made frm the tender loving hands of a mother.” Celery’s mom supplies RTW to SM.

Sabat si Thea: “ang hikaw ko nung weding ni cindy binili ko for 1 hundred pesos d nyt before sa my abs dahil nakalimutan ko mgdala ng jewelry. Ke mura or mahal, nasa nagdadala lng yan! Talbog c JC buendia naka gener gozum ako no! Haha! Ü” Thea was Veil Sponsor so sagot ni Cindy gown niya pero ‘di pa nakuntento kaya fumalow-up pa ng: “Rey-Ung shoes ko gold, ung hikaw ko gold, ung damit ko surf gold ang colors Ü, ung mata ko may gold highlights, GOLD! GOLD! GOLD!! Mayaman ako! Talbog ang 25k polo mo! Haha! Ü”

Humirit na naman si Sheila: “wala kayo lahat sa self-transforming gown ni val. sobrang mahal kasi it’s all the gown u will ever need in ur lifetym. yun na. rurok na.”

“Shocks tama c Sheila, i concede!” – Thea...Well, pati ako napa-concede. Si Val kasi ang commentator sa Mass at meron siyang gold na mahabang-mahabang scarf or something na every now and then naiiba-iba ang design. Mamaya nakapulupot sa leeg, mamaya nakasabit na sa mga kamay niya… Basta nag-fashion show siya noong Misa! Only Val. ‘Yun na.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?