Friday, October 13, 2006

 

Ikatlong Ospital

12 October 2006, Manila Central University Hospital.

Twenty-nine years old lang si Melanie.  Petite at soft-spoken pero palangiti.  Isa siya sa iilang babaeng kilala ko na nagtatakip talaga ng bibig tuwing humahalakhak.  Panganay sa magkakapatid kaya naging crucial ang role niya sa pamilya nang magkaroon at eventually mag-succumb to cancer ang kanyang kapatid na lalake. 

Last Wednesday, pagbaba niya sa jeep nadulas siya and she suffered a very bad fall.  Malabo pa ang tunay na detalye pero tingin ko it’s the usual case ng jeep na umaandar agad ‘yung gagong drayber kahit hindi pa lubusang nakakababa ‘yung pasahero.  Hayun nadale si Melanie.  Naging conscious pa siya nang itakbo sa isang maliit na ospital sa Malabon pero nang finally ma-comatose, it took some four hours bago siya nalipat sa MCU.  Kagabi bumisita kaming staff ng SFiles.  Maraming nakakabit sa kanyang dextrose, wires, respirator, kung anu-ano.  This morning I received a text na ayon sa doktor brain dead na raw, pinagdi-decide na ang pamilya. 

I’ve only known her for a short time kaya hindi ko lubos na marurok ‘yung expression of extreme sadness na nakikita ko sa mukha nina Cynthia, at sa iba pang ka-close niya sa SFiles.  If I were her age (until, say, I’m 65) lalaban ako!  And I feel that Melanie’s fighting.  Milagro na nga lang daw ang magse-save sa kanya pero lumalaban pa’yan.  Please include Melanie in your prayers.  Just pause for a second (a second lang, sige) and pray now.  Her family and friends will greatly appreciate all the help.

Blogged with Flock


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?