Wednesday, October 04, 2006

 

Paano Pumasa Sa Starstruck

Ngayong nagkakandarapa na ang kabataang Pilipino sa mga auditions ng Starstruck, ito ang ilang tips para makalusot sa contest na’to. True, maraming nagsasabing nakakalungkot na maraming kabataan ngayon ang nalululong sa false hopes na one day magiging artista sila, sisikat at magkakaroon ng limpak-limpak na pera. Safe ngang sabihin na isa sa top “career” choices ng kabataang Pilipino ang pag-aartisa, way up there with being a Nurse abroad. At least, ang pag-aartista pangarap talaga nila. Ang pagne-nurse acquired na lang. Ninety-nine percent ng mga nakapila sa Starstruck auditions andu’n dahil gusto talaga nila maging artista. Ganu’n din halos ang percentage ng mga Nursing students na nagwi-wish na ibang kurso na lang sana ang kinukuha nila.

Unfortunately less than 1% lang sa mga nago-audition ang nakakapasok. At sa tatlong Season ng Starstruck, nakita natin na hindi pa rin ‘yun guarantee na magiging sikat at mayamang artista ka. Which brings me to…

TIP #1: MAGING MASUWERTE. I know it’s not much of a tip pero suwertihan talaga ‘yun. Sabi nga ni Gloria Diaz on how she won the Miss Universe crown, “I was lucky. I don’t think I was the most beautiful there but I was definitely the luckiest.”

Tip #2: BE GOOD-LOOKING. OK, may suwerteng involved na naman dito pero kelangan talaga maganda, guwapo, makinis at hindi ka matabang-mataba para mag-Starstruck. Sa isang blog on Philippine TV shows, merong isang nag-comment na nakakalungkot daw na sa Pilipinas raw sinasabing “Maganda siya, puwedeng mag-artista.” Bakit daw hindi, “Talented siya, puwedengt mag-artista.” Hahaba ‘to kung idi-discuss ko pa’yang comment na’yan. Pero heto na lang, hindi lang sa Pilipinas nilalagyan ng premium ang appearance ng isang artista. Sa Hollywood, sa Bollywood, sa Europe, sa China, kahit saan importante visually appealing ka para maging star. If you honestly, HONESTLY do not care what the actor or actress you’re watching or the singer you’re listening to looks like as long as s/he’s talented, don’t point out why the rest do not have your enlightened view as a national flaw.

Ngayon paano mo malalaman na good-looking ka enough? Ewan, that should be a simple problem pero kung tumingin ka sa mga nakapila sa audition, iisipin mo na ipinagbawal ang salamin sa mundong ito. Ang isang magandang batayan ay kung hindi ka binibiro ng mga tao na panget, ibig-sabihin panget ka nga. Ako mapag-asar na tao pero ‘yung mga panget talaga I wouldn’t dare call them that kasi ‘yung may hitsura keri lang niya ‘yun pero ‘yung panget baka ma-offend. But this works only for the really ugly. So ito pa, if you take a poll and the answers you get are “May hitsura ka naman,” “Hindi ka naman panget,” it means your looks probably won’t hold. If by your teen years wala pang naga-approach sa’yo na legitimate caster at tinanong ka kung puwede kang mag-go-see for a commercial, ibig-sabihin, malamang hindi rin kita papansinin sa audition. Hay! Sana maraming makabasa nito para mabawas-bawasan naman ‘yung mga nakapila!

Tip #3: BE TALENTED. It’s not as much as having a great voice or fantastic dance moves as it is about zeal and showmanship. Personally kapag may isang nago-audition na may dalang gitara or something, kahit ano pa’ng hitsura I will take time out to hear him play kasi sawang-sawa na’ko sa kanta lang. Dancing – you would think it’s a pretty simple task kasi hindi mo naman kelangang tumambling-tambling or may alam kang steps talaga to do it, susunod ka lang. Pero marami pa ring natataranta kapag ‘yung pinatugtog na music eh hindi ‘yung prinaktis nilang steps. Ganito lang ‘yan. Sa Starstruck audition, don’t come with a planned dance routine in mind. Hintayin mo lang kung ano ‘yung tugtog tapos sabayan mo lang ‘yung beat. Smile at enjoyin mo lang, let loose. Kung kaya mong tumamblling, go. Dancing is not really a skill, or at least du’n sa hinahanap namin sa Starstruck. Importante lang may sense of beat ka.

TIP #4: ‘WAG KA NANG MAHIYA. Nagugulat ako sa mga tao na ang tagal-tagal ng pinila only to blow away their chance of being noticed by acting meek, refusing to make eye contact, and speaking in barely audible voice. Siguro nga may kaba factor pero pucha pumila ka na rin lang at na-hassle mo na rin lang ang sarili mo, ‘wag ka nang maghiya-hiyaan! Ang kapal na rin lang ng mukha mo by thinking artistahin ka talaga, itodo-todo mo na.

TIP #5: CONSIDER THE AUDITON DONE WHEN IT’S DONE. ‘Wag ka nang mag-novena, mag-wonder kung tatawagan o pagsisihan ang mga pinagagagawa mo. ‘Wag ka nang mag-isip. Libu-libo ang hindi na tatawagan so kung tawagan ka, ‘di bonus na lang ‘yun.

TIP #6: ‘WAG NANG MAG-AUDITION. Ito’ng pinakamadali. Minsan gusto kong lumabas sa pila tapos sabihin ito sa 99% ng mga naandu’n. But then again, kung ginawa ko ‘yun wala na’kong maba-blog na funniest auditions Bwahahaha!

Comments:
TIP #4: ‘WAG KA NANG MAHIYA. Nagugulat ako sa mga tao na ang tagal-tagal ng pinila only to blow away their chance of being noticed by acting meek, refusing to make eye contact, and speaking in barely audible voice. Siguro nga may kaba factor pero pucha pumila ka na rin lang at na-hassle mo na rin lang ang sarili mo, ‘wag ka nang maghiya-hiyaan! Ang kapal na rin lang ng mukha mo by thinking artistahin ka talaga, itodo-todo mo na.
kurti stitching design ,
online kurti stitching ,

 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?